LYRA
Pagbukas ng elevator ay pinauna niya kong pumasok.
Nice, gentleman.
Nasa loob na kami pareho.
Tahimik.
Close space.
Masikip ang elevator kahit dalawa lang kami.
Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit hindi siya nakadikit.
“For today,” sabi niya ulit, parang ina-clarify ang sarili niya.
“You worked like someone who belongs here.” Napalingon ako.
“I belong here, this is my father's company, remember?" Taas kilay kong sagot sa kanya.
His jaw tightened slightly.
“You walk in like you’re challenging the room.”
“And?”
“And you don’t have to, kung ang paniniwala mo na you belong here.”
The elevator doors closed.
Biglang mas tumahimik.
Mas bumigat ang hangin.
“You think I’m trying too hard,” sabi ko, this time mas mahina.
“I think you’re used to fighting for space.”
That hit.
Hindi ako agad nakasagot.
Hindi ko alam kung paano niya nababasa ang mga bagay na hindi ko naman sinasabi.
“Maybe I like fighting." Pabulong kong sabi habang nakakakuyom ang isang kamao ko.
“I know.” He confidently said.
Sure na sure ang pagkakasabi.
Grabe lang ah, kung makapagsalita siya ay parang talagang kine-claim niya na kilalang-kilala na niya ang ugali ko.
Pagbukas ng elevator sa ground floor, lumabas siya muna. Hinintay niya ako.
Gentleman nga ba talaga or control freak?
Hindi ko alam.
Paglabas namin ng building, malamig ang hangin. City lights. Tahimik ang gabi.
Naka-ready na ang car sa labas. Pero hindi lumabas ang driver at nagulat ako sa sumunod na ginawa niya.
Binuksan niya ang passenger door ng kotse.
He is opening the car door for me. Another gentleman acts.
Napahinto ako.
"You don’t have to do that."
"I know." Tinitigan niya ako habang nakahawak pa rin sa pinto.
"Get in, Lyra."
Tapos na ang office hours pero hindi pa rin tapos ang pang-uutos niya.
Napasinghap na lamang ako ng bahagya bago pumasok, at sumunod naman siya.
Magkatabi kami sa backseats ng sasakyan, tama lang ang space namin sa bawat isa.
Hindi masyadong malapit, hindi rin naman masyadong malayo ang pagitan namin.
Inside the car, Tahimik.
Pagdating namin sa restaurant, tahimik ulit, mas tahimik pa kaysa sa office niya.
Dim lights. Private tables. Intimate.
Umupo kami, and then binasag na niya ang katahimik.
"As for the consulting adjustment ...."
Is he for real? Bigla kong inilagay ang palad ko sa ibabaw ng bibig niya at napa-stop siya sa pag-talk niya about business-related stuff.
Tama na, hindi ko na kayang makarinig pa ng tungkol sa trabaho.
I'm starving, and I don't want any of that right now, tama na ang sacrifice na ginawa ko for today about work.
"Nope, we're outside the office." Aniko.
And then tinanggal ko na rin ang kamay kong nakalagay sa ibabaw ng bibig niya na nagpatahimik sa kanya.
Nakatingin lang siya sa akin and I don't care really kung magalit na naman siya basta gutom na ako kaya dinampot ko na ang menu at nagtingin ng gusto kong orderin.
"Professionalism doesn’t clock out at six."
"Neither does control, apparently." sagot ko habang ang atensyon ko ay nakatuon sa menu.
Hindi ko na siya narinig magsalita, at napangisi ako ng bahagya.
"Kapag nag-talk ka pa regarding business, hindi na talaga ako sasama sa'yo sa susunod na yayain mo kong mag-date."
"This is not a date, Lyra." Paglilinaw niya ulit.
Ako naman ang hindi sumagot, nasa menu pa rin ang atensyon ko.
"Do you hear me?" sabi pa niya.
Naririnig ko, pero hindi ko isinatinig at busy ako sa pagdecide kung ano ba ang kakainin ko.
"Lyra Isabelle Dominguez, I'm talking to you!" Napaangat ako ng tingin sa pagtawag niya sa akin ng full name.
"Oh my God," bulong ko sa sarili ko.
His face isn’t just red.
His ears too.
I actually did that.
Napangiti ako nang mas lalo.
"Wow," sabi ko habang sumasandal sa upuan. "Full name pa talaga? Nasa principal’s office ba tayo? UNCLE."
Humigpit ang panga niya.
There 'yung inis sa mukha na hinahanap ko kaninang umaga ay ngayon ko ata makikita.
"Don’t ignore me."
"I wasn’t ignoring you," sagot ko casually. "I was choosing food. Priorities. I'm starving."
"Lyra."
There it is again.
That warning tone, and I'm loving it.
I leaned forward slightly.
"Relax," sabi ko. "Why are you so defensive? Natatakot ka ba?"
His eyes darkened a little.
"I don’t get scared."
I tilted my head.
"Sure. That’s why you keep clarifying na this isn’t a date."
Tumahimik siya.
Got him.
I placed my elbow on the table and rested my chin on my palm.
Dinampot niya ang baso ng tubig and took a sip.
"Why are you single anyway?"
Suddenly bigla siyang na-choke.
"Are you okay?!" pero halos tumatawa na ako.
He coughed once.
Twice.
And then tumigil bago nag-angat ng tingin sa akin habang ako naman ay pinipigilan ko ang sarili ko na huwag matawa at baka tuluyan ng tumaas ang blood pressure niya.
“What?” Nakakunot noo niyang sabi.
"Thirty-five ka na," diretso kong sabi. "Successful. Mayaman. Bakit wala ka pang asawa?"
This time, malinaw na naman siguro yung tanong ko?
"Did you just ambush me?"
"Yes."
"Why?"
"Kasi pag business topic ikaw ang may control. Gusto ko naman ako."
Nakakaumay na pag-usapan ang tungkol sa work, discipline etc, please naman.
Ang sabi naman niya before kapag may tanong ako ay mag-ask ako, so I'm asking him now.
His stare sharpened.
"You think you have control right now?"
I smiled sweetly.
"I made you choke, ano sasagutin mo ba 'yung tanong ko o dadalhin na kita sa ER ngayon at mukhang hindi ka pa nakaka-recover diyan?" Nakangisi kong sabi.
Bigla siyang tumawa.
Not loud. But real. Low. Warm.
For a second, I just stared at him.
He looks different when he laughs.
Less… steel.
More man... more handsome, and oh God!
Why does it seem like I'm admiring him in my mind?
Yeah, he's good looking, malakas ang dating pero masama naman ang ugali, so nope.
I'm just playing cause I'm still mad at him for taking everything kaya kukulitin ko siya hanggang sa mawala siya sa katinuan at ibigay niya ang gusto ko.
I'm not asking for everything, just a chunk para naman makapagsimula ako sa kung ano mang gusto kong gawin sa life ko kung sakaling magkahiwalay na kami ng landas.
“Is that relevant? Heto talaga ang gusto mong topic?” Tanong niya.
"Curious kasi ako bakit single ka pa rin hanggang ngayon? Alam ko na Red flag ka?" I straightly said to him.
He thinks I'm spoiled, well, yan naman ang judgement ko sa kanya.
Pantay na kami ngayon sa pagiging judgmental.
“Red flag?" Pag-uulit niya sa sinabi ko na para bang nagulat siya.
Tumango ako.
"Red flag or may commitment issues ka?” sabi ko pa.
"I don’t enter contracts I don’t control," sagot niya.
And damn, he looks so freaking serious when he said it.
Ako naman ay hindi ko malaman kung matatawa ako or what kasi parang tunog business transaction pa rin sa kanya ang pag-aasawa.
Grabe lang.
"Don’t worry, Uncle. Kung wala ka pa rin asawa by forty, I’ll arrange something for you, marami akong kakilala or pwede rin naman ako na lang." I jokingly said, laughing a little.
"Careful with jokes, some contracts aren't jokes," sabi niya ng mahina.
At talagang seryoso ang mukha niya.
“Relax. I’m not marrying you.” Natatawa ko pa rin sambit.
“You will."
Wait, what?
Napatigil ako sa pagngisi at napatingin lang sa mukha niya na seryoso pa rin ang tingin.
Tama ba ang pagkakadinig ko sa sinabi niya.