SEMBREAK is finally over! Balik university na kami. Sobrang naging abala kaagad ako sa mga sumunod na buwan, hectic at crucial ang schedule dahil finals na! Isinasabay ko pa ang part time jobs sa mga paperworks and projects na kailangan ipasa sa mga subjects. On the other hand, busy rin si Kazu. Pero mas magiging busy siya next sem dahil simula na ng OJT niya. We made a promise though, na kahit gaano pa kami maging abala sa mga susunod na buwan o pagkakataon— gagawa kami ng paraan para magka-oras para sa isa't isa. And saying those three magic words to him, it really lifted up that something heavy in my chest. Gumaan ang pakiramdam ko. Mas nagkaroon ng lalim 'yong relasyon namin. Now, I can finally say... that someday I want to settle with him. Di ko na nakikita ang sarili kong ma

