Tangina... normal ko naman 'tong ginagawa, ah! Hindi lang naman siya ang lalaking naging client ko na sinamahan ko mag-isa para makita ang unit! May iba pa nga niyaya akong mag-dinner! At gwapo rin naman! "Mas gwapo?" Nagdududang sigaw ng deputang isip ko. Inis akong umiling saka huminga ng malalim. Inihanda ko pa ang peke kong ngiti bago pumihit paharap, just to find out na nasa likuran ko na pala si Kazu. Nabunggo ang mukha ko sa dibdib niya kaya mabilis akong napaatras bago tumingala. Nahigit ko ang aking hininga nang makitang nakatitig siya sa akin. "So? Ganito ka rin ba sa ibang client mo?" Sarkastik na tanong niya. "A-Anong pinagsasabi mo diyan?" Umatras ako pero naramdaman kong pader na ang nasa likuran ko. He then stopped in front of me. Itinukod pa niya ang isang kam

