HINDI na nawala ang ngiti ko hanggang sa mag-chat si Kazu na nasa ibaba na siya ng dorm ko. Pagsakay ko palang sa front passenger seat, kaagad niya akong hinalikan sa lips bago nagmaneho. "We haven't ate anything," sabi niya at ipinarada ang sasakyan sa harapan ng mcdonalds. "Mag-take na lang tayo para hindi ma-late." Tumango ako at dumukot ng pera sa wallet ko. Iniabot ko 'yon sa kaniya pero 'di niya tinanggap. "My treat. Ako na lang rin ang bababa, Hon." Nagsalubong ang kilay ko. Noong nasa bahay namin siya, although 'di kami pumapayag ni Mama sa tuwing gusto niyang mag-share sa food, panay naman ang bili niya ng kung ano-anu. Madalas tuloy na naririnig kong nagtsi-tsismisan 'yong mga Marites sa tindahan na nakabingwit raw ako ng malaking isda. Na ginamit ko raw ang katawan

