Ugh… NAPAUNGOL at napahawak ako sa ‘king noo nang magising na parang nasa loob ako ng washing machine. My mind was spinning so fast! Hindi ko tuloy magawang gumalaw sa kinahihigaan ko kasi pakiramdam ko may bubulwas na suka sa bunganga ko ng walang oras. Inom pa more! Anong feeling mo, bumabata ka pa at nasa college pa rin na alak ang dumadaloy na dugo sa ugat mo? Guess what, girl! Not anymore! Lukot ang ilong na hinilot-hilot ko ang sentido ko at inisip ang mga ganap kagabi. Ang huling natatandaan ko, inaaya ko si Philip na mag-sayaw sa dancefloor. Pagkatapos nun hindi na malinaw sq akin mga sumunod na nangyari. Para na akong nananaginip. Nandoon pa nga ang bwiset na EX-LL na ‘yon! This is all his fault! Kung hindi niya ako sinundan at prinovoke noong uwian hindi sana ako mag

