NAGISING ako at namulatan ang puting kisame. Umikot ang tingin ko sa paligid at na-realize na nasa hospital room ako. Hindi ko na maalala paano ako nakarating dito. Basta ang natatandaan ko bago ako ng malay— nagawa ko pang tumawag sa reception. Sino kayang nagdala sa akin dito? Babangon sana ako nang matigilan ako at maramdamang parang may nakakabit sa tiyan ko. Kinapa ko 'yon. "Ano 'to?" Saktong bumukas ang pinto at napalingon ako sa kadarating na si Leah. Nanlaki pa ang mga mata niya at nagmamadaling lumapit sa akin. "Vi! Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa 'yo? Sandali tatawag ako ng doctor—" Pinigilan ko siya sa aktong pag-alis. "Sandali? Ikaw ba nagdala sa kin rito?" "Oo." Mangiyak-ngiyak siyang tumango. "Ako nakasagot ng tawag mo sa reception. Kaagad ka naming pinun

