SUMULYAP ako sa orasan na nasa pader. Nang makita kong almost 8PM na, tinapos ko ang paglalagay ng mascara saka nag-apply ng blush on. Ngayon 'yong party na pupuntahan namin ni Kazu. Since, hindi naman niya nabanggit kung may themed ba o formal, I decided to wear what I like. Wala naman akong pakialam kung ako lang ang maging kakaiba roon. Sanay na ako sa attention. I was wearing a black leather corset top partnered with red stripes pleated skater skirt. Nagsuot rin ako ng fishnet stockings and black converse. To complete my gothic punk look I wore a black choker and spiked studded bracelet. Sinisipat ko ang sarili ko sa salamin nang mag-vibrate ang cellphone sa ibabaw ng study table. Kinuha ko 'yon at binasa ang chat na obviously galing kay Kazu. Kazu: Where are you? Nandito na a

