RIO Mahal ko na si Yuki. Mabilis man pero alam kong doon na rin iyon papunta. Mahal ko na siya at ipapadama ko sa kanya na totoo itong nararamdaman ko para sa kanya. Masayang-masaya ako dahil napapayag ko siyang ligawan. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos magdamag. Nangulamata ako kinabukasan pero hindi iyon nakahadlang sa sayang nararamdaman ng puso ko. Oo kuya. Pumapayag ako. Muli na naman akong napangiti dahil sa pag-alala sa naging sagot niya. Mabuti na lang at napigilan kong mapasigaw baka akalain ng makakakita ay baliw ako. Oo baliw. Baliw na baliw kay Yuki. Sa tingin ko, ako na ata ang pinakasayang lalaki sa buong mundo. Sa kabila ng sayang nararamdaman, hindi ko naman maiwasan ang malungkot at mangamba dahil hindi na ako ang maghahatid sa kanya ngayon. Dumating na kasi si Sir

