Chapter 11

1855 Words

Yuki Nagtext ako kay kuya Rio na huwag na akong hintayin ngayong hapon dahil may lakad kami ni Kuya Kai. Niyaya kasi ako ng huli na manood ng sine at mamasyal na rin. Ayaw ko nga sanang pumayag pero pinilit ako nito at dahil na rin sa pakisawsaw ni Kuya Yue kaya wala akong nagawa kung 'di ang pumayag. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumunog ang message alert tone. Napangiti ako dahil sa bilis ng pagreply ni Kuya Rio. Pero bumulusok naman ito pababa dahil isang "Sige Sir" lang ang laman ng mensahe. Nakakainis! Sabi ko na kasi na huwag nang mag-expect e! Hindi na ako nagmessage pa at dismayadong ibinalik sa bulsa ang cellphone ko. Sabi ni Kuya Kai itetext lang daw niya ako kapag nandito na siya sa parking lot ng school. Naghintay lang ako ng ilang minuto nang matanggap ko ang mensahe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD