Sam "HOY, Vander! Vince! Gumising na nga kayo!" pinag papa-palo ko sila ng unan habang nag iingay sa kuwarto nila. "Ano ba, Sam! Ang aga-aga ngumangawa ka na diyan!" nakita kong nagtalukbong si Vander ng kumot nito kaya asar kong hinablot ito sa mukha niya. "Bakit ka ba andito? Dika ba naliligaw ng kuwarto?" nakapikit pa ang isang mata ni Vince ng nag salita. "Ako ang in–charged ngayon sa bahay. Kaya bumangon na kayong dalawa diyan at tulungan ninyo ako!" pinag hahampas ko silang dalawa ng unan. Ibinilin ni mommy sa akin ang bahay ngayon. Pumunta siya kila Tita Cassiedy dahil may importante daw silang pag uusapan. "Summer naman eh! Saturday ngayon, puwede bang makuha namin ang tahimik na araw dahil walang p

