Freya WALANG takot kong sinuong ang kaguluhan. Kahit pa tinatawag ako ni Jairus ay hindi ko na siya pinakinggan. Basta ang alam ko lang at ang nasa isip ko lang, nasa panganib si Denise. Hindi ko na siya mahal pero ayoko din siyang masaktan. Kaibigan ko siya. Tumakbo ako papalapit sa kinalalagyan niya and God knows how his condition was. He was shot. In the chest! On the other side was also Larae lying on the floor shot on the head. "Denise, how are you feeling?" inunan ko ang ulo niya sa hita ko as I heard him gasping for air. "As l-long as...you're s–safe..." hirap na hirap niyang sabi. "I'm safe. I'm safe and you should be. Tutulungan kita." patak ng patak ang luha ko at nakikita kong sinasalo ng pisngi niya ang mga iyon.

