"Sel? Russel? Gising na." boses ni Nathan ang narinig ko bago ko imulat ang aking mga mata. Umaga na pagkamulat ko. Inasikaso na namin ang maleta at bumaba na sa airplane na sinakyan namin. Mabuti na lang at libre na ni Nathan ang pamasahe. Kapal ko ano? Wag sya mag-alala babayaran ko yun kapag nakahanap na ako ng trabaho. Saksak ko sa putotoy niya yung pera. HAHAHA JOWK! As usual, nasa airport na kami ngayon. Gustong-gusto ko nang umuwi. Ay teka? Saan nga pala ako uuwi? Kela Nathan? Hindi pwede. Maghahanap ako ng bagong dormy mamaya. Habang naglalakad kami sa exit ni Nathan, napukaw ang atensyon ko sa mga taong bumabati sa amin. Sila Thea, Abby, Phoebe, Noah, Patrick, Nico at yung kasama niya sa tabi. Mukhang jowa niya yata? Kabog may jowa na pala itong si Nico bakit ngayon ko lang nalam

