chapter 17

1663 Words

Di pa doon sa pagwawala nung Dr. Alvarez natapos ang kaguluhan dahil iglap lang ay sangkaterbang police cars ang dumating sa hospital at agad pinalibutanang buong lugar. Di ko tuloy mapigilang kabahan dahil mukhang may kriminal pa yatang huhulihin ang mga dumating na pulis. Di ko naman magawang tumayo mula sa kinauupuan ko at umalis dahil parang may kung ano sa loob ko na nag-alala kay Dr. Alvarez na nagwawala. Ang nakakainis pa ay hinayaan lang siya ng mga nasa paligid. Wala man lang pumigil sa kanya dahil baka masaktan pa niya ang sarili niya sa pinaggagawa niya. Iyong babaeng kulot naman ay mukhang nahintakutan sa inakto nito at namumutla lang itong lumayo sa galit na doktor. Iyong magandang babae naman na Sheena yata ang pangalan ay malungkot lang na pinanood ang pagwawala ni Dr.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD