Own Me, Mr. Playboy! Chapter 35 CATRIONA’S POV PAGKAGALING namin sa police department ay dumiretso kami sa isang prominenteng hotel para doon daw kami mag-semi honeymoon. Ideya siyempre iyon ng manyak kong asawa. Hindi pa nga nag-iinit ang wedding ring sa aking daliri ay nakapag-isip na siya ng isang dosenang honeymoon spot sa abroad na pupuntahan namin in the nearest future. Pero bukod doon ay walang mapagsidlan ng saya ang puso ko dahil sa wakas ay asawa ko na siya. May karapatan na akong lagutan ng buhay ang junjun niya in case na mambabae siya. Iyon sana ang main plot ko kanina sa kasalan kung nabigyan lang kami ng sapat na oras para magpalitan ng wedding vows. Kaso apurado na ang lahat na makasal kami. Lalo na si Trever. Duda nga ako kung sa kasal ba siya excited o sa honeym

