TW: SUICIDE ATTEMPT "Pasenya na sa nangyari noon sa bahay mo, ah? Hindi ko na talaga napigilan si Sullivan at galit talaga siya noon kaya niya nagawa 'yon..." paumanhin ko kay Azrael at ngumiti ng maliit. He just smiled at me and held my hand. Dumako ang tingin ko roon, kaya mabilis niyang inalis ang kamay. He cleared his throat before saying, "Wala iyon, naiintindihan ko naman si Sullivan pero galit pa rin ako sa ginawa niyang pagpapahirap sa 'yo. Napakagago niya lang dahil hindi niya maamin sa sarili na mahal ka niya." Napangiti ako sa sinabi niya. Tahimik ang paligid at halos kaming dalawa pa lang ang laman ng itong coffee shop. Masyado pa kasing maaga at madilim pa sa labas. "Do you think he still loves me?" mahinang tanong ko Nakagat ko ang aking labi habang hinihintay ang sasabi

