Pag kalabas ni czarina sa hospital ay agad sya nag punta sa San Cajetan hospital kung saan naka confine ang kapatid . Naabutan nyang natutulog ito kaya hinalikan nya sa noo ang kapatid na ikinagising nito, ate cza. You're here saad nito habang kinukuyumos ng kaliwang kamay ang mga mata nito, good morning sweetie saad nya. Bahagyang tumitig sa kanya ang kanyang kapatid ng makita ang benda sa kamay at ulo nya . Nangungusap ang inosente nitong mga mata kahit sa batang edad ni aj na anim na taon matalino eto, kaya nauunawaan na Ang mga bagay bagay sa paligid tatlong taon palamang ito ng mawala ang kanilang mga magulang kaya naman sa kanya na lumaki ang kapatid , what happened to you ate cza. Naluluha nitong tanong sa kapatid. Sorry baby alam mo naman si ate napaka careless nabangga ako sa bahay at nalaglag ang vase sa ulo ko kaya ako nag kasugat pero okay nanaman ako baby nag patingin nako sa doctor. Pag sinungaling nya sa kapatid ayaw nya kasing mag alala pa ito sa kanya . Ngumiti naman ang bata sa kanya are you sure ate ? Next time ingat kapo sa pag lilinis sa house ate promise from now on pag uwi natin lagi ko na ililigpit ang toys ko para di kana mapagod mag linis. Saad nito napangiti naman si czarina sa tinuruan ng kapatid napakamalambing talaga ng kapatid nya . Talaga ha aasahan ni ate ang promise mo saad nya habang ginugulo ang buhok ng bata yes ate big boy na ko saad pa nito habang tumatawa . Ahh talaga big boy kana !! Kiliti nya dito na ikinahagalpak ng tawa ng bata ate stop! Tumatawang sigaw nito sa kanya ..okay I'll stop here oh may dala ako fried chicken diba favorite ito ng bunso ko , lumaki namn ang ngiti ng bata at hinalikan sya sa pisngi wow ate thankyou I loveyou saad nito ..binuksan nanya ang dalng lunch box at sinubuan ang kapatid Maya maya ay pumasok na Ang doctor ng kapatid nya .. kaya tinapos na nila ang pag kain pag katapos turukan ng gamot ang kanyang kapatid ng nurse ay nakaramdam ito ng antok kaya nag paalam muna sya rito .. miss Reyes. Patuloy na bumababa ang platelet count ni AJ we must do the bone marrow transplant as soon as possible and we urgently need a blood donation .. pag sisimula ng doctor muling nanlumo naman siya sa narinig, Doc. Mag kano ang halagang kailangan para sa transplant ng kapatid ko ? .nanginginig na boses na tanong nya , 500,000 is the cost for his surgery malungkot na Turan ng doctor. Please excuse me pag papaalam nito kasabay ng pag tapik nito sa balikat nya.. muling dumaloy ang masasaganang luha sa kanyang mga pisngi litong lito ang isip nya , saan ako kukuha ng ganon lalaking halaga jusko !!!!! Nag lulumong saad nya sa sarili was sa sariling nag lakad sya sa hall ng hospital at nahinto sya ng makakita ng isang chapel lumapit sya sa altar at marahang lumuhod , jusko tulungan nyoko! Dko kakayanin Kong pati si AJ mawawala sakin kunin nyo narin po Ang buhay ko nag mamakaawa ako saad nya habang patuloy ang pag agos ng luha sa mga mata nya hindi nanya alam ang gagawin ni wala silang kamag anak para mahingian ng tulong halos mabaliw nasya kakasip sa gagawin matapos ang pag iyak ay inayos ni czarina ang sarili at muling bumalik sa silid ng kanyang kapatid tulog parin ito dahil sa itinurok na gamot sa dextrose nito . Mariin nyang tinitigan ang kapatid sa kabila ng pag kabibo nito di maitatago ang sakit nito namumutla ito at medyo pumayat ang kapatid nya , dati akala nya na dulot lamang ng init ang madalas na pag sunggo nito maging ang pag kakaroon ng pasa hindi nman maselan sa pag kain ang kapatid nya kumakain ito ng gulay. Hindi nya alam kung san nito namana ang sakit nito na leukemia ang pag kakaalam nya ay walang ganong sakit ang kanyang mga magulang ngunit genetic ang sakit niyon ayon sa doctor.
Binilin muna ni czarina ang kapatid sa mga nurses na naroon sapagkat kilangan nanyang umuwi sa kanilang tahanan upang kumuha ng ilang damit ng kapatid . Kaagad syang umalis sa hospital at sumakay ng jeep pauwi sa apartment nila pag karating nya sa bahay at nag ring ang telepono nya tumatawag ang kaibigan nyang si Sally. Hellow bungad nya!! Si Sally ay dati nilang kapitbahay sa luma nilang apartment naalala nya kasing may inooffer itong raket sa kanya isang bachelor party ng kakilala ng asawa nitong mayaman nakapag asawa ang babae ng isang mayang negosyante na nakilala nito sa japan nun intertainer palang ito doon . Nag hahanap ito ng dancer sa gagawing party sa ikakasal na kaibigan ng asawa nito , Ano girl G ka ??? Tanong nito sa kabilang telepono sayang sin un bayad dinig ko kaya mag bigay ng mga un ng kahit isang Milyon sa isang gabi girl sasayaw kalang don't worry may mask naman eh kaya di ka makikilala makakatulong pa ito sa operasyon ng kapatid mo . Napaisip si czarina sa sinabi ng kaibigan may punto ito , Isang milyon sa isang gabi sa isip nya .. mapapagamot Kona ang kapatid ko at makakapag simula na din kami .. saad nya sa sarili kung sa mayayaman ay barya lamang ang isang milyon sa mga mahihirap ay subra subra na iyon . Ou S-sige saad nya sa babae sa kabilang linya , Okay Good saad nito , saan ka I'll pick up you para di kana mamasahi . Almost 1 month nadin matapos un aksidente sa kanya kaya magaling na un sugat nya sa noo , tumitig sya sa larawan ng kanyang mga magulang na nakalagay sa side table nya pag kuay nag wika , Patawarin nyoko mom and Dad pero ayokong mawala ang kapatid ko lumuluhang saad nya rito . Pag kuay niyakap ang larawan ng mga ito .