CHAPTER THREE

1521 Words
Hindi din ako nakatulog magdamag kahit umalis na si Ethan sa kwarto ko kagabi. Inabot ng alas-kwatro ng umaga na nakatulala lang ako kaya napagdesisyonan kong magluto nalang ng agahan. Lutang parin akong mabagal na naghihiwa ng gulay ng may magsalita sa likod ko. "Why you spacing out? May nangyari ba?" Lutang parin akong lumingon at parang hindi pumasok sa isip ko ang sinabi niya. "Ha?" Para kong tangang tanong. Kumunot noo ito at tinitigan ako. Inagaw niya sa akin ang kutsilyo na hawak ko at hinila ako paupo. "What happen? May sakit kaba?" Nag-aalala nitong balik tanong. Hinawak nito ang magkabilang pisngi ko paharap sa kanya bago nilapat ang palad sa aking noo. Umiling lang ako at tumingin sa kanya. Nagtititigan lang kami hanggang sa may tumikhim. Sabay kaming napatingin sa bagong dating. Napatayo ako ng makita si Alex na nakatingin saming dalawa ni Max. Saka lang nagsink in sa isip ko nakakandong pala ako sa kanya! Napaatras ako. Sinubukan akong hilain ni Max pabalik pero mabilis na akong umalis at bumalik sa kwarto. Kinakabahan ako sa kanilang lahat. Ano bang ginagawa nila sa akin? kagat kagat ang hinlalaki ko ng bumukas ang pinto. Pumasok si Alex bago isara ulit ang pinto at ilock. Napatingin naman ako sa doorknob bago ibalik ang tingin kay Alex. Medyo nailang ako dahil wala siyang suot na pangtaas at tanging sweatpants na puti lang ang suot. Hinila niya ang upuan na nasa gilid at umupo sa tapat ko habang nakadekwatro. "What happen? Bakit tulala ka?" Seryoso nitong tanong sakin. "Tell me.." Nangilid ang luha ko. "Yung mga kapatid mo kasi.. Ano bang gingawa nila sa akin.. Natatakot ako sa kanila." Naluluha kong sumbong sa kanya. "What did they do to you?" Tanong nito. Wala man lang mababakas na kahit ano sa mukha nito. "Hinalikan nila ako." Tuluyan na akong umiyak. Bumuntong hininga ito at napahilot sa sintindo. "i'll talk to them. Masyado ka nilang binibigla." Tumayo na ito. " Try to take rest for now. You dont need to go outside. i'll bring your food here." Sabi nito bago umalis. Nakatulugan ko ang pag-iyak. Nagising ako ng magring ang cellphone ko. Nakita kong may limang missed call galing kay Papa. Hindi ako makatawag pabalik dahil namamaga ang mga mata ko. Bumangon ako lumabas ng kwarto. Hapon na sa labas at tahimik sa buong bahay kaya nasisigurado kong wala dito ang magkakakapatid. Tahimik akong kumuha ng pagkain dahil nakaramdam na din ako ng gutom. Patapos na ako kumain ng makita ko si Alex na papasok sa kusina. "How are you. Are you okay now?" Tanong nito habang naglalakad palapit sa akin. Tumango ako. "Hindi ka pumasok sa trabaho?" Tanong ko dito. "No. Kuya Enzo said dont leave you alone here." Nagbukas ito ng ref at kumuha ng malamig na tubig. Tumayo ako dala ang kinainan at nilagay sa lababo. "Nakakahiya sayo at naabala ka pa." Sabi ko habang nakatingin dito. "its fine. i also want to stay. Baka bigla mo nalang kasing maisipang umalis at iwan kami." Sagot naman nito. "i need to talk to you something." Tumango ako. Hinugasan ko muna ang pinagkainan ko bago sumunod sa kanya sa living room. Prente siyang nakaupo sa sofa. Umupo naman ako sa katapat niya. "First, i want to say sorry for what they did to you. Alam kong naguguluhan ka sa ginawa ng mga kapatid ko kaya ako na ang magpapaliwanag." Seryosong sabi nito. "We like you." "Ha?" Para kong tanga na sa sagot. " A-ano?" Ang akala ko ba magpapaliwanag siya? Bakit parang lalo akong nalito? "We used to share in everything. Apat kaming mga lalaki at pare parehas ng gusto. Simula ng bata palang kami ay ganito na kami lumaki. We shared for everything para iwas gulo. Ma-pabagay man yan o tao, we always shared. Even in our past flings, kung magkataon na may matipuhan kaming babae ay pinagsasaluhan namin ito. Did you get it? Do you understand what i am trying to say?" Sabi nito. Umiling ako. Parang hindi maabsorb ng utak ko ang mga sinabi niya. Ang pagkakaintindi ko lang ay nagseshare sila sa lahat ng bagay para walang gulo. Pantay pantay at walang lamangan. "We want you, Nica. We like you. And we are going to share. Do you understand?" Tanong ulit nito. Umiling ako. Anong akala nila sa akin? Ni hindi ko pa nga nararanasang magkaboyfriend tapos sasabihin nilang gusto nila ako at magseshare sila sakin? Nakakatakot. Hindi ko maimagine ang sarili ko na nalulunod sa kanilang apat. For Pete'sake! 2 days palang kami nagkikita kita dito sa bahay pero parang siguradong sigurado na silang gusto nila ako. "We will give you time to fall inlove with us. We will make you fall in love. Sa aming apat ka lang Nica. At kung iniisip mong umalis ay hindi ka namin papayagan. Since the day you caught our eyes you are already ours. Dont forget that. " Tumayo na ito at bumalik sa kwarto. Tulala lang ako na naiwan sa living room. Ano ba itong pinasok ko? Gusto ko lang naman magtrabaho para makapagtapos ng pag-aaral pero parang mali naman ang nangyayari ngayon. Bumalik ako sa kwarto ko at inilock ito. Nagdadalawang isip ako na sabihin kay tiya Martha ang sitwasyon ko dahil nakakahiya pati na sa Don. Ang akala ko ay mangungunsumi ako sa mga kalokohan nilang gagawin pero ibang kalokohan ang natuklasan ko sa kanila. Sharing in one woman? Ayun ang ibig nilang sabihin hindi ba? Alam ko ang tungkol sa ibang relihiyon na nag-aasawa ng madami ang ibang lalaki pero never ko pa atang narinig na isang babae ay may karelasyon na madaming lalaki! At wala akong gusto sa kanila! Oo at nagagwapuhan ako sa kanila pero hindi ata sapat yun to feel something romantic sa kanilang apat. What i am going to do now? . Tahimik lang ako at nakatingin sa labas ng bintana habang nagmamaneho naman si Ethan. Papunta kami sa school para makapag enrol. Napilitan lang talaga akong sumama dahil siya mismo ang kumausap kay tiya na isasabay nalang niya ako mag-enrol kaya wala na akong nagawa pa. "Nica.." Agaw nito sa atensyon ko. Napatingin ako sa kanya. "imissyou.." Sabi nito at malungkot na ngumiti. "Magkasama tayo sa bahay Ethan." Walang gana kong sagot. Nawalan ako ng respeto sa kanila dahil sa mga ginawa nila sakin. Feeling ko kasi hindi din nila ako nerespeto. Oo at mga amo ko sila but i will not allow them to disrespect me because i'm still a woman. "Yeah. But you became very distance to us. Alam kong iniiwasan mo kami. Can you give us a chance to prove to you that we are serious about liking you?" Tanong nito. "Hindi ko alam. Sa mga itsura niyo mukha kayong maraming babae. Baka nga pinagtitripan niyo lang ako dahil alam niyong probinsyana ako." Sagot ko at muling tumingin sa bintana. Totoo naman kasi. Mas madalas kasing mapaglaruan ng mga lalaking taga Maynila ang mga babaeng probinsiyana dahil iniisip na mga ito na uto uto kami. Siguro hindi lang kami sanay kung paano ang kalakaran sa Maynila but we are not dumb. "Nica we are serious about you! Yes, we had girls for flings but when you came into our lives we didnt bed other girls anymore!" Pinipilit nitong paliwanag sa akin. "Kahit anong sabihin mo hindi ako naniniwala. Doon palang sa plano niyong magseshare kayo sa akin hindi na ko makapaniwala. Pwede ba ang ganon? Ano? gagawin niyo akong sawsawan na na pwede sa lahat?" Tuloy tuloy kong sabi. Tumawa ito. " Hindi ka sawasawan para sa lahat dahil sa aming apat ka lang, Nica." Nakarating kami sa parking lot ng school. Pababa na sana ako ng pigilan niya ako. " Please baby give us a chance. We will not force you to fall in love to us right away just dont make distance to us. Please. " Naging maamo ang lagi nitong pilyong mukha. Bumuntong hininga ako. "Fine. But dont expect me to love you all. i mean, hindi ko nakikita ang sarili ko na magmamahal ng apat na lalaki. Sana maintindihan niyo." "We will understand. Kami na ang bahala sa lahat. Thankyou for the chance baby." Sabi nito at hinila ako palapit para bigyan ng mabilis na halik. Mabilis lang ang pag eenrol ko dahil kasama ko si Ethan. Pinagtitinginan kami- o este ako dahil nga kasama ko ang gwapong nilalang na ito. He is wearing his playful smirk. Parang gusto gusto talaga nito na nasa kanya ang atensyon. "Gwapong gwapo ka sa sarili mo e no?" Nakaingos kong sabi na narinig pala niya. "Ofcourse baby kasi gwapo naman talaga ako." Lalong ngumisi ito habang naglalakad na nakatingin sakin. "Nahihiya ako. Dahil kasama kita pati ako tinitignan din. Pwede bang maging pangit ka pagkasama kita?" Wala kong kwentang sagot. Tumawa ito na lalong nagpakilig sa mga babaeng nasa paligid. Lalo akong nailang ng akbayan ako nito at halikan sa ulo. "My cute baby. " Sabi niya habang natawa. Parang gusto ko ng lumubog sa lupa dahil sa mga mapanghusga at matalim na tingin ng ibang babae sakin. Mukhang wala pang pasukan ay may makakaaway na agad ako.. ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD