Maaga akong nagising para magprepare sa pagpasok sa University. Hindi ako makapaniwala na College na talaga ako ngayon! Sobra akong excited kaya naman ay natulog ako ng maaga kagabi upang magising ng maaga para makapaghanda.
Masaya akong nagluto ng agahan. Tulog pa ang apat na lalaki sa kani-kaniyang kwarto kaya malaya akong nakakagalaw ng walang nangungulit sa akin.
Pagkatapos magluto ay bumalik ako sa kwarto para maligo. Kagabi ay naayos ko na ang mga dadalhin ko sa University. Tama lang ang sukat ng aking backpack para magkasya ang payong, tubig, pen case at ang binder notebook ko. Bibitbitin ko nalang ang mga libro ko at iiwan sa locker.
Nagbihis na ako ng uniform pagkatapos maligo. Color white longsleeve polo shirt na nakatuck-in sa black palda na umabot lang ng kalahati ng hita ko, black necktie and blazer. Nagsuot lang ako ng skintone stocking at 3 inch heels na black shoes.
Ang binigay pala ng magkakapatid sakin ay bagong bag na halatang mamahalij fahil sa tatak nito, ang uniform ko at ang black shoes na binili rin sa isang sikat na brand. Nakabili na naman ako ng mga gamit ko pati na sapatos at bag na katulad sa madalas kong ginagamit pero mas gusto nilang yung bigay nila sakin ang gamitin ko.
Paglabas ko ng kwarto ay bitbit ko na ang mga gamit ko. Nakasalubong ko sila na pababa na ng hagdan at mga nakabihis na rin. Titig na titig sila sakin habang naglalakad pababa.
"Why your skirt is too short?" Nakakunot noong tanong ni Max.
"i liked looking to other girls with short skirts before but now im starting to hate it." Pumapalatak na sabi naman ni Ethan.
"Why you dont wear your black socks? Your skin is too much expose." Sabi naman ni Alex.
"Go change. we dont like your skirt. Just wear pants." Sabi naman ni Enzo.
Napanganga na ako sa kanila.
"Ang o-OA niyo na! Kala ko magagandahan kayo! Saka hindi ko naman kasalanan kung bakit ganito kaiksi ang palda! At ayoko ng medyas na lagpas sa tuhod dahil mainit. At lalong ayoko naman ng pants dahil hindi ako makakakilos ng maayos! Ano ako exempted? Baka ako lang ang nakapants na babae dun!" Sunod sunod kong sabi sa kanila.
"Magpalit kana lang dahil ayokong makasapak ng lalaking titingin sayo mamaya sa school, Nica." Seryosong sabi ni Ethan.
Pinaikot ko ang aking mata. "Ako ang masusunod sa bagay na ito dahil sarili ko ito. Kung ayaw niyo ng suot ko edi huwag kayong tumingin! Nakakasira naman kayo ng excitement!" Naiinis kong sabi.
Kinuha ko nalang ulit ang mga gamit ko at naglakad paalis. Ilang beses pa nila akong tinawag pero hindi ko na sila nilingon dahil alam kong hindi matatapos ang usapan hanggat hindi ko sila sinusunod. Nagtaxi nalang ako. Natanggap ko na din kasi ang sweldo ko sa unang buwan ng maaga para daw may panggastos ako sa pag-aaral ayon kay Don.
Bumaba ako sa tapat ng University at nakisali sa mga studyanteng nasa ground floor. May pa-event kasi para sa mga first year college. Dito sasabihin ang lahat tungkol sa paaralan, mga may-ari, ang rules and regulations, introductions ng mga teachers at konting intermission number bago kami pumunta sa kaniya kaniyang silid.
Nilibot din kami sa buong University. mayroon itong anim na building. Isang building bawat year. Sa isang building naman ay puro faculty ng teachers and offices habang ang natitirang building ay para sa mga Library, Science room, theater room, Laboratory room, computer room at iba pang hindi ko na matandaan.
Pagkatapos ng paglilibot ay pumunta na kami sa kanya kanyang classroom. Pumwesto ako sa bandang dulo. Pataas kasi ang hanay ng mga upuan kaya mas gusto ko ay nasa bandang taas at likod para makita ko ang lahat.
"Hi. Can i sit here?"
Napatingin ako sa nagtanong. Nakaturo siya sa tabi ng upuan ko. Tumango naman ako at maliit na ngumiti.
"Thanks. By the way in Christian but you can call me Chris." Nakangiti itong sabi bago inilahad ang kamay.
Tinanggap ko ito at nakipagshake hands. "I'm Nica. "
Sunod sunod na pumasok ang mga professor at nagpakilala. Buong araw ay puro introductions lang naman ang ginawa.
Last subject na namin at gustong gusto ko ng umuwi. Nangangawit na din kasi ang pang upo ko dahil sa mahabang oras na pag upo. Yumuko ako saglit upang abutin ang ballpen ko na nahulog.
" Good Afternoon Class."
Napatuwid ako bigla ng upo ng marinig ang pamilyar na boses na nagsalita. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Max na nasa harapan ng klase. '
Anong ginagawa niya dito?
Kumunot ang noo ko sa pagtataka.
"i'm Maximo Castillo, your professor in Accounting." Seryoso ang mukha nito na para bang ibang tao sa nakilala ko.
'Ano daw?
"Sir, are you relative to Ethan Castillo? You have same features po eh." Kinikilig na tanong isa kong kaklase.
"He's my brother." Seryoso parin nitong sagot
"Sir, do you have a girlfriend?" Tanong naman ng isa pa.
"Yes." Sagot nito bago igala ang mata sa loob ng room.
Nahinto ang mata nito sa akin bago ipagpatuloy na tignan isa- isa ang mga mukha namin na kala mo ay kinakabisado nito.
May girlfriend siya? Sino? Bakit hindi ko alam? Nakaramdam ako ng inis. May girlffriend pala siya puro kung ano ano ang ginagawa niya sakin sa bahay!
Nagsimula na siyang magdiscuss tungkol sa kung ano ang mga kailangan namin iexpect sa subject niya. Nagsusulat ako habang salubong ang dalawang kilay ng kalabitin ako ng katabi ko.
"Nica, do you have extra ballpen? Mine is not working. I dont know why." Sabi nito habang hinihimas ang batok at nakangiti.
Ngumiti ako pabalik at binuksan ang case ko para ibigay ang extra kong ballpen.
"Thanks." Sabi nito na nakangiti. Nagpatuloy na ulit ako sa pagsusulat.
"Class dismissed." Sabi nito.
Hindi ko namalayan ang oras. Hindi ko rin narinig ang bell.
"And oh, Ms Montel i want to speak with you in my office." Anito bago lumabas ng classroom.
Hindi ko natanong ang dahilan dahil kaya naman nagkibit balikat nalang ako sa mga kaklase ko na napatingin sakin. Tinapos ko nalang ang pagliligpit ng gamit ko bago lumabas.
Marami akong nakasalubong sa hallway na ngumingiti sakin na nginingitian ko din pabalik. Hindi masyadong nakakailang kasi sa building na ito puro mga freshmen lang. Bali nagsamasama lang ang buong mga students sa lahat ng year kapag bago magstart ang klase, lunch break at uwian o di kaya ay may mga event.
Kumatok ako ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob pabukas.
"Sir?" Wala akong nakitang tao sa loob kaya naman napabalik ang mata ko sa gilid ng pinto sa labaa para idouble check kung tama ba itong opisina na pinuntahan ko.
"Come inside."
Napalingon ulit ako sa loob at nakita si Max na kalalabas lang sa isang pintuan na sa palagay ko ay banyo.
"Bakit mo po ako pinapatawag?" Tanong ko sa kanya bago dumiretso paupo sa sofa.
Naglakad siya at tumigil sa harap ko. Nakapamewang siya habang masama ang tingin.
"First day of school may umaaligid na agad sayong lalaki?!" Pagalit niyang hindi ko alam kung patanong o nag-aakusa.
"Anong umaaligid? Malamang kaklase ko yun. Alangan naman sungitan ko e mabait naman. Wala naman siyang ginagawang masama. Alam mo na papansin ko na kayo eh. Masyado kayong OA magkakapatid." Sagot ko sa kanya na lalo atang nagpakunot ng noo niya.
"Hindi kami OA. Pinoprotektahan ka lang namin." Sagot naman niya.
Napairap ako ng palihim. "Pwede bang umuwi na Max? Napagod talaga ako ngayong araw. Wala akong lakas para makipagtalo at magpaliwanag dahil wala namang dapat ipaliwanag e. Mag-aasikaso pa ako sa bahay." Pagsuko ko dahil gusto ko na talaga magpahinga.
Napabuntong hininga siya at hinilot hilot ang sintido na parang sobrang sakit ako ng ulo niya.
"You may go. Dadaan pa ko sa Dean kaya mauna ka ng umuwi ng bahay. Sumabay ka kay Ethan." Malamig niyang sabi bago naglakad papuntang lamesa niya.
Bumuntong hininga ako bago tumayo at maglakad palabas ng kanyang opisina.
--*
May nagbabasa po ba? :D
Pa-comment naman guys para malaman ko kung gusto niyong ipagpatuloy ko itong story or tigil na. thankyou. Happy reading !