20 years later..... Mabilis na lumipas ang panahon. Hindi namalayan ni Camilla na binata na pala ang kanilang mga anak. Sa bilis ng panahon, marami ang nangyari sa kanilang buhay. May mga pagsubok sa buhay nila na nalampasan nilang mag- asawa. Hindi nagbago ang pagmamahal nila sa isa't isa. Bagkus ay mas lalo pang naging matibay ang pagsasama nila at mas minahal pa nila ang isa't isa. Abala si Camilla sa pagkalikot ng kaniyang cellphone nang mabasa niya ang message sa kaniya ng isa sa mga babaeng nagkakandarapa sa kaniyang anak. Nagsumbong ito sa kaniya kaya naman kumunot kaagad ang noo niya. "Clifford! Ano ba ito? Nagsumbong sa akin iyong isa mong classmate na babae. Pinaasa mo raw?" bulyaw ni Camilla sa anak. Natawa naman ang anak niyang binata na si Clifford. "Mommy.... hindi ko 'ya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


