Gray's P. O. V. "Saan ka pupunta? Ayaw mo bang gumimik ngayong gabi? Magpakasaya tayo ngayon dahil sa wakas, natapos na rin ang trabaho natin! Baka next month na ulit ang trabaho natin para sa panibagong series," nakangiting sabi ni Cyrus. Nakahiga lang ako sa couch at walang ganang kumilos. Tamad na tamad ako ngayon. Siguro dahil napuyat ako kagabi ng sobra. Walang tulugan kagabi dahil tinapos na lahat ng natitirang scene. At medyo nakakapagod din talaga lalo na't ilang beses din akong nag- retake dahil sabog na ako sa sobrang antok. "Hoy, Gray ano na? Hindi ka ba kikilos? Ayaw mo bang sumama sa akin? Maraming babae doon! Pati mga sikat na influencer ay nandoon. Party- party na tapos sa kuwarto na agad ang uwi!" sabi niya sabay tawa. "Ewan ko sa iyo! Ang landi mo masyado. Bahala ka. T

