Camila's P. O. V. Nang sumapit ang gabi, inihanda na namin ni ninong ang pagkain naming dalawa. May dala kaming lutuan at butane kung saan doon kami nagluto ng noodles at nagpainit ng tubig. May mga dala rin kaming pagkain na hindi na kailangang lutuin pa. Enjoy na enjoy ako sa camping namin na ito. Ang ganda pala dito kapag gabi. Malamig ang simoy ng hangin. Ang ganda ng munting ilaw sa paligid. Sa bandang dulo kami nakapuwesto kung saan malayo kami sa ibang naka- tent dito at medyo madilim sa puwesto namin. Binuksan ko ang rechargeable lamp na dala namin para maging maliwanag sa puwesto namin at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumaing dalawa. Maganda kaming kumakain at nagtatawanan. Naisip ko tuloy na sana wala ng katapusan pa ang araw na ito dahil ang masasabi ko lang... Ang saya

