Camilla's P. O. V. "Oh my! Totoo nga ang chismis! Ninong mo nga si Gray Monteverde!" gulat na sabi ni Alisha nang makita niya ang post ni ninong Gray noong birthday ko. May pinakita rin akong video kay Alisha kung saan may pa greetings pa sa akin si ninong. Naka- post ito sa account ko kaya naman ang dami tuloy nagme- message sa akin na hindi ko naman kilalang babae. Ang sinasabi nila, ilakad ko raw sila kay ninong dahil gusto nila itong makasama at makita sa personal. Ini- ignore ko na nga lang. Mga papansin. Noong hindi naman nila alam na ninong ko si Gray Monteverde ay hindi naman nila ako pinapansin. "Grabe nakakainggit ka naman! At talagang mamahaling make up at kung ano- anong pampaganda pa ang niregalo sa iyo! Sana all na lang talaga!" sabi ni Alisha nang ipakita ko sa kaniya ang

