Camilla's P. O. V. Hindi ko ma- enjoy ngayon ang pagkain ko. Hindi ko alam kung bakit naging pangit ito sa panlasa ko ngayong paborito ko naman itong kainin noon pa. "Ate.. isa nga pong palamig," sabi ko sa tindera. "Ito na po..." sabi nito sabay abot ng palamig na binili ko. Agad kong nilagok iyon para maalis ang lasa ng kwek- kwek sa bibig ko. Ewan ko ba kung bakit ang pangit ng lasa nito. Parang bulok na panis na hindi ko maintindihan pero sarap na sarap si Alisha. "Hoy ano na? Bakit hindi mo naman yata kinain 'yang kwek- kwek na binili mo? Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin matapos niyang ubusin ang kaniya. Ngumiwi ako. "Hindi ko alam. Ang pangit ng lasa eh. Hindi ko maipaliwanag ang lasa niya. Hindi ba siya panis? O baka matagal na?" Hinila ako ni Alisha palayo sa tindera. "Gaga

