Camilla's P. O. V. "Hoy! Nalulungkot ako gaga ka!" sigaw sa akin ni Alisha. Abala ako ngayon sa pag - iimpake ng mga gamit ko dahil lilipat na ako sa bahay ni Gray. Mag- asawa na kami kaya doon na ako titira. Nang ikuwento ko kay Alisha ang lahat ng nangyari, gulat na gulat siya. At hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon. Umupo siya sa tabi ko, dito sa aking kama at malungkot ang mga matang tumitig sa akin. "Camilla.... mami- miss kita ng sobra..." naluluhang sabi niya. "Ako rin naman. Mami- miss din kita. Nalulungkot man ako na iwan ka dito pero kailangan kasi kasal na ako. May asawa na ako. Naging mabilis lang masyado ang mga pangyayari pero wala naman akong pinagsisisihan dahil ginusto ko naman ang lahat. At talagang nagmamahal na ako ngayon..." paliwanag ko sa kaniya. "Iba

