Camilla's P. O. V. "Ninong Gray...." Mahigpit akong niyakap ni ninong Gray matapos niyang suntukin sa mukha si George. Mariin akong napapikit nang madama ang mainit niyang katawan. Hindi ko na napigilan pang maiyak. Kinulong niya ako sa kaniyang bisig. Isinubsob ko ang aking ulo sa kaniyang matigas at matipunong dibdib at nadinig ko ang t***k ng kaniyang puso. Pakiramdam ko ay ligtas na ako. Pakiramdam ko ay wala ng kahit sino ang mananakit sa akin ngayon dahil yakap - yakap na niya ako. "Camilla... ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo?" sambit niya habang paulit- ulit akong hinalikan sa buhok. Nanginginig ang labi kong nagsalita. "Ninong Gray... mabuti't nandito ka..." "Shhhh.... huwag ka ng umiyak. Talagang gumawa ako ng paraan para puntahan ka dito kahit gaano pa ka- hectic ang

