George's P. O. V. "Jam?! T angina anong ginawa mo? Bakit kinalat mo ang video nila Gray at Camilla? Akala ko ba okay na?" inis kong sabi sa kaibigan ko. Nginitian niya ako. "Teka nga... bakit nagagalit ka? Hindi ba gusto mo namang bumagsak ang career ni Gray para ako naman ang umangat? Pero ngayon bakit parang nagbago ang ihip ng hangin?" Matalim ko siyang tinitigan. Oo ginusto ko talaga na bumagsak ang career ni Gray dahil awang- awa ako sa kaibigan kong ito. Mukha kasi siyang kawawa talaga. Wala halos offer sa kaniya. At talagang naglalabas siya ng hinanakit sa akin. Pero parang bigla siyang nag- iba simula nang hindi na ganoon ka- active si Gray sa showbiz. Simula nang mawalan na ng ganang umarte si Gray dahil mas gusto na niyang makasama pa si Camilla. At alam ko kung gaano sila k

