"Mama! Papa!" sigaw ni Camilla nang matanaw ang kaniyang mga magulang sa 'di kalayuan. Nanlaki ang mga mata nito nang makitang muli ang anak nilang si Camilla. Ngayon lang nila ulit ito masisilayan at makakasama. Nangungulila rin sila sa kanilang anak ngunit alam nila na kailangan umalis ni Camilla para sa kanila. Para may maipadala ito sa kanila. Habang si Camilla naman ay parang naiiyak habang naglalakad palapit sa kaniyang pamilya na sobra niyang na- miss. Na sa wakas, muli niyang makakasama ang mga ito. Matagal din silang hindi nagkita ng kaniyang pamilya. "Camilla, anak!" sigaw ng kaniyang ina na si Yvonne sabay yakap ng mahigpit dito. Mangiyak- ngiyak si Camilla habang yakap ang kanyang ina. Sumunod na rin niyang niyakap ang kanyang ama. Pagkatapos ang mga kapatid niya na masayan

