10 - Lighters Below Our Feet

1184 Words
Magkasama naglakad sina Hale at Anj sa tabing dagat habang pinagsasaluhan ang mga bote ng alak na dala nila. Madilim ngunit maliwanag ang buwan at kakaunti nalang ang mga taong nasa dalampasigan. Hindi maalis sa isipan ni Anj ang mukha ni Teddy, mayroon kung ano rito ang gumugulo sa kanyang isipan. Hindi na niya magawang intindihin ang ikinukwento ng kanyang kasama kahit pa diretso ang tingin niya rito. Tanging pagbuka lang ng bibig ni Hale ang nakikita nito at sarado ang tenga nito. "Anj? Anj? Are you okay?" Winagayway pa nito ang kanyang kamay para makuha ang atensyon ng dalaga. "Ha? Oh! Sorry." "You're thinking of him." Bahagyang ngumiti si Hale kahit pa halata sa mga mata nito ang pagka-dismaya. "Are you two dating or somethin'?" Tumigil ito upang hintayin ang sagot ni Anj na nagulat sa naging tanong ng kasama. Nautal naman si Anj habang dinadamdam ang tanong, wala itong naisagot dahil maging siya hindi alam kung ano nga ba ang tingin nito kay Teddy. "He came up to me and said I should stay away from his girl." "He said that?!" May kaligayahang nadama si Anj kasabay ang kurot ng lungkot. Bakit niya 'yun sinabi? "Yeah, but I bet he just said that 'cause he's jealous. You're not together right? and even if you are, its not as if he's your husband." Proud na proud ang tindig ni Hale matapos ubusin ang alak na hawak nito at itapon ang bote sa buhangin. Husband. Husband. Mga salitang umalingawngaw sa isipan ni Anj. Bumalik sa kanyang alala ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Teddy. Mga nakatutuwang pangyayaring naranasan nilang dalawa. Kasiyahan na kanyang nadama. And in a slit of time, may kung anong pwersang humagip sa katawan ni Anj forcing her to step her foot to walk then run. Nabitawan na nito ang alak na kanyang dala. Naiwang gulong-gulo si Hale sa tabing dagat pero hindi na rin ito humabol pa. ~ Lumusong sa malamig na tubig dagat si Teddy suot lamang ang board shorts nito. Gusto niya ang lamig ng tubig kasabay ng mainit nitong katawan dala ng tatlong bote ng alak na ininom niya bago paman ito mag punta sa dagat. Humiga ito sa ibabaw ng tubig at tinignan ang malaki at maliwanag na buwan. Mukha ni Anj ang nakikita niya. Maraming tanong ang gumagala sa kanyang isipan, katulad nalang ng tanong na kung kaya na ba niyang magmahal muli. Tanong na hindi niya masagot. Tanong na ang tanging sagot ay ang malalaman kung susubukan lang. Subukan. Hindi ganon ang pagmamahal para kay Teddy. Hindi dapat sinusubok ang pagmamahal, kailangan sigurado. Malalim na paghinga na lamang ang naging sagot nito sa kanyang sarili matapos ay lumusong muli ito sa karagatan. Sa kanyang pag ahon sa tubig, nakita nito si Anj na tumatakbo sa tabing dagat. "Sa sobrang kakaisip ko sa kanya, nakikita ko na siya." Kinusot nito ang kanyang mga mata at sandaling lumublob muli sa tubig. Ngunit sa ikalawang pagkakataong tumuon ang mga mata nito sa tabing dagat. Nandoon parin si Anj at tumatakbo. "Si Anj nga kaya 'yun?" Umahon ito at naglakad papuntang buhangin. At sa kanyang paglapit siya namang paglayo ng dalaga na halos madapa na sa kanyang pagtakbo. "Anj!" Humarap ang dalaga kay Teddy na nakababad pa ang kalahating katawan nito sa tubig. Humihingal pa ito ngunit kahit ganon pa man ay tumakbo itong muli sa kinaroroonan ni Teddy. Sandali itong huminga ng ilang beses para mahabol ang hiniga nito. "May gusto ka bang sabihin sa'kin?" bungad na tanong ng dalaga. "Ano? Ikaw 'tong tumatakbo kakahanap sa'kin tapos akong tatanungin mo nang ganyan?" tawatawang tugon ni Teddy. "Si-sino naman may sabing hinahanap kita?" pabulong na pagsabi ni Anj na pilit ikinukubli ang nadarama. "Ah talaga so hindi ako ang hinahanap mo? Okay." naglakad palayo si Teddy kahit pa biro lamang. "Uy, teka." Hinablot nito ang kamay ni Teddy. "Sagutin mo nalang kasi yung tanong ko." Magkatalikod ang dalawa kaya naman hindi na nila kinailangan pang itago ang mga pamumula ng kanilang mga mukha. Tahimik ang dagat, wala kahit maliliit na alon. At ang mga tao malayo na sa dagat. "Wala naman akong gustong itanong. Bakit ba?" Natorpe nanaman si Teddy. "Ganun ba? As in wala talaga? Di ba kanina pupuntahan mo sana ako?" Pagtataka naman ni Anj. "Ah 'yun ba?" Nagisip ng idadahilan si Teddy ngunit walang pumapasok sa isip nito. Habang si Anj naman, hindi na maitago ang nararamdaman nito. Lalo pa nitong hinila ang kamay ni Teddy na kanyang hawak. Nagkaharap ang dalawa, hindi na inisip ni Anj kung ano ang maaring isipin ng binata sa kanya basta ang importante sa kanya ay malaman kung may pagtingin nga ba si Teddy sa kanya. "Gusto mo ba ako?! Yes or No lang ang sagot!" demanding na utos ni Anj na nakapako ang tingin sa mga mata ni Teddy. Nanlamot ang puso ni Teddy kahit pa galit na galit ang dalaga. Wala itong makitang dahilan upang hindi siya maging masaya sa pagkakataong iyon. "Wag kang ngumiti! Pinatatawanan mo pa ako!" Naiinis na bulalas ni Anj. Nagdesisyon itong bitawan ang kamay ni Teddy saka ito naglakad papuntang dalampasigan. Marahan namang sumunod si Teddy sakanya. Hindi lumingon si Anj habang naglalakad ito sa buhangin. "Halika nga dito." Si Teddy naman ngayon ang humila sa kamay ng dalaga saka niya ito niyakap ng mahigpit. Yakap na nagpainit sa malamig nilang katawan. Unti-unti nilang naramdaman ang malamig na ihip ng hangin kasabay ng mga mahihinang alon ng dagat na umabot hanggang sa kanilang mga paanan. "Gusto kita. Kahit noong una palang. Hindi lang ako sigurado kung kaya kong panindigan itong nararamdaman ko." Bulong ni Teddy. "Ibig sabihin, hindi ka parin sigurado? Ayoko ng masaktan Teddy." May pagaalalang sagot ni Anj. "Hindi ganon." Umiling ito. "Magulo parin aminado ako. Pero isa lang ang sigurado ako. Iyon e, ikaw ang gusto ko." Tinignan nito si Anj sa kanyang mga mata upang maipakita ang sinseridad nito. "Hahayaan mo ba akong gustuhin ka?" May pagaalala paring nararamdaman si Anj ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan nitong makapiling ang lalakeng nagparamdam sa kanya ng totoong kahalagahan. Bago paman makasagot si Anj. Natuon ang atensyon nilang dalawa sa liwanag na nagmumula sa dagat na unti-unting papunta sa kanilang paanan . Maliliit ngunit makinang at maliwanag ang asul na kulay nang napakaraming bilog na butil na laman dagat na ngayon palang nila nakita. Sabay ang liwanag ng mga bituwin at liwanag ng karagatan ang bumalot sa kanilang dalawa. A Perfect Time for a Perfect Kiss. Ngumuso si Anj saka ito pumikit, waiting for Teddy to touch his lips on her. A kiss happened. Pero hindi sa kanyang labi kungdi sa kanyang noo. Nagkunot noo ito matapos ang halik at nakita iyon ni Teddy. "Expecting for something else?" Loko ni Teddy na lalong nagpanguso sa dalaga. "Tinitignan ko lang kung anong magiging reaksyon mo, and I like it." Teddy held her in his arms making her feel that she is the most important person in the world. That she is all he ever needed, ever wanted. "A Perfect Time for our First Perfect Kiss." WAKAS

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD