Bigla kong dinilat ang mga mata ko. Nilibot ko ang aking paningin at napansin kong nasa kuwarto na ako sa dorm ko at maliwanag na sa labas. Naalala ko naman bigla ‘yong nangyari kagabi. ‘Yong huling araw ng festival. Bago tuluyang umalis sina Ernesh at Iorghu, nawalan ako ng malay dahil nanibago ang katawan ko nang gawin ko ang second skill ng Hades Sword. Pero pagkatapos no’n, puwede ko na ulit gamitin ang skill kahit kailan puwede. Hindi gaya ng third skill na isang beses sa isang laban lang puwedeng gamitin. Dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng kama. Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa banyo para maligo. Trenta minutos lang ang tinagal ko at paglabas ko ay nagbihis na ako ng uniform ko. Humarap na ako sa salamin para mag-ayos at nang makuntento ay lumabas na ako ng dorm. Pa

