As soon as Rage came back, he immediately went to me. Sinapo niya ang mukha ko at may pag-aalala sa mukha niya. "What did that motherfucker tell you?" tukoy niya kay Alvaro. Umiling ako bago ngumiti. "Wala… he was waiting for you," tugon ko. "Tang ina mo talaga, Rage! Anong akala mo sa'kin? Kakampi niyo ako! Hayop ka!" I just chuckled when I heard Alvaro's deep voice. Pinakawalan ni Rage ang mukha ko at bumaba ang kamay niya para hawakan ang kamay ko. Tumingin siya sa kaibigan niya pagkatapos. I looked at Alvaro too and he just smirked. He licked his lip bago kinuha ang envelope sa lamesa. "I always got your back, bud!" anito ng nakangisi. Rage sighed. Napakunot tuloy ulit ang noo ko dahil sa kaguluhan. Ano bang nangyayari talaga? "Rage, tell me… what's going on?" marahan na tanon

