Kinalabit ako ni Lexy sa tagiliran. When I tilted my head towards her, I saw her smirking. "Bakit na naman?" tanong ko. Ngumuso siya. "Ang manliligaw mo'y nandito na naman," she said playfully. Tumingin ako sa harapan at nakita si Enzo. Nakangiti siya habang hawak ang isang bouquet ng white baby breath flowers. I couldn't help but smile too. "Huwag ipahalata ang kilig, dai," Lexy whispered. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago naglakad palapit kay Enzo. Mukhang kakagaling lang niya sa kompanya niya dahil sa suot na suit and tie. He looks dashing! "For you," aniya bago inabot sa'kin ang hawak na bulaklak. Nakangiti ko 'yong kinuha at dinala sa mga bisig ko. "Thank you again! I really appreciate you giving these flowers to me." "It means a lot to me seeing you this happy." "Pero d

