"Anastasia, ako yata ang magiging pasyente sa ginagawa natin," rinig kong sabi ni Lexy sa tabi ko. Malakas akong humalakhak habang inaayos ang lab gown ko. Kakatapos lang namin sa laboratory namin at kahit na pagod ay kailangan pa naming pumunta sa library para mag-aral. "Siraulo ka!" bulalas ko sa kanya na umiiling. "Seryoso ako! Pag ako naging pasyente, ikaw ang gagamot sa'kin, ah?" She added while pouting her lips. Bumaling ako sa kanya. "May tiwala ka sa'kin?" I raised my brows while smirking at her. Umingos siya. "Ay! Oo nga pala! Sadista ka pala pagdating sa friendship natin kaya huwag na." "Grabe naman 'yong sadista!" Humalakhak siya ngayon bago sinukbit ang bag niya sa balikat. "Kain muna tayo. Nagugutom na ako. We've been in the laboratory for four hours. Nakakatuyo ng utak

