Lean On My Shoulder Chapter 17

3589 Words
Last Day/Night--- TIMMY'S POV Last day at magiging last night ni nanay dito sa bahay namin. Bukas ay ililibing na sya kaya masakit para sa akin. Masakit para sa akin para sa akin dahil tuluyan na akong iiwan ng katawan ni nanay. Alam ko namang nasa tabi ko lang sila, pero iba pa rin kasi ang tao mo silang nakikita. Yung tipong mayayakap mo sila at mahahalikan. Nagdudurog ang puso ko kapag naiisip ko yun. Di ko matanggap na wala na si nanay. Kelan lang ay masaya kami, pero ngayon mag-isa ko nalang ipagpapatuloy ang buhay ko. Wala ng gabay ng magulang, wala nang magiging sandalan ko. I'm so blessed by the way because i have alot of friends and relatives that love me and always by my side to support me. Pero hindi pa rin mawawala sa akin ang maging malungkot dahil may kulang, kulang na kulang dahil wala na ang mga magulang ko. By the way, kagigising lang namin ni Bryle. Yes, gabi gabi na akong natutulog simula nung nasampal ako ng bestfriend ko. Grabe sya sa akin no? Pero okay lang dahil kasalanan ko naman. Kasalanan ko dahil nagpakulong na naman ako sa kalungkutan ko na kahit nandyan si Bryle na handang alagaan ako ay nagawa ko pang saktan. At dun ko lang na realized na sya na ngayon ang bago kong sandalan, sya na ang pamilya ko, sya na ang bago kong buhay na handang bigyan ng kulay ang nalugmok kong buhay. Ang swerte ko sa mga kaibigan ko and espcially to Bryle, he truely loves me so much. Bawat galaw ko ay nandyan sya para umalalay. Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Pero ang problema lang ay natatakot akong pumasok sa isang relasyon dahil baka may kapalit na naman itong hindi kaaya aya. Lahat nalang ng minamahal ko, ay kinukuha nila at ayokong mangyari yun kay Bryle. Sya nalang ang buhay ko baka pag mawala pa sya ay di ko na alam ang gagawin ko ss buhay ko. Baka maisipan ko pang sundan sya kahit sa kabilang buhay. Bryle is always taking care of me. Na kahit kaya ko namang kumain mag-isa ay sinusubuan pa rin ako. Pinagtitimpla ako ng kape, sya ang nagiging unan ko kapag ako'y inaantok na. Sya ang nagiging clown ko kapag nagiging malungkot ako. "Lab lab, di pa ba tayo babangon?" Tanong sa akin ni Bryle. Pero siniksik ko lang ang katawan ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. "Malungkot ako ngayon lab lab. Dito muna tayo. Gusto ko munang pahupain ang lungkot ko sa pamamagitan ng pagyakap sayo. Sa ganitong paraan ay nararamdaman kong may ngcecare sa akin" sagot ko sa lab lab ko. "Gawin mo lang ang gustong gawin mo sa akin lab lab. Kung gusto mo gahasahin mo ako ngayon, sumaya ka lang" sagot sa akin ni Bryle. Pinalo ko tuloy ang dibdib nya. Nakasanayan ko na iyon, pero di naman ito malalakas. "Gago ka talaga! Baka multuhin tayo ni nanay sa pinagsasabi mo" natatawang wika ko sa kanya. "Joke lang naman yun lab lab. Gusto ko lang na mapangiti ka and i succeed!" Sagot ni Bryle sa akin. "Ummm, dinadaan daan mo nalang ako sa kamanyakan mo" sabi ko sa kanya. "Um, di ka pa ba sanay? Saka kahit na gahasahin kita ngayon ay okay lang. Wala nang magagawa sila nanay Bebet at tatay mo dahil pagmamay-ari na kita ngayon. At alam ko sa sarili ko na ipinaubaya ka na sa akin ni nanay Bebet, diba nanay Bebet?" Sabi ni Bryle sabay kaway sa may bandang pinto ng kwarto ko. Kaya kinilabutan ako! s**t nagmumulto nga si nanay! Nay sa panaginip ko ka nalang magmulto wag lang sa personal! Natatakot ako! "Lab lab! Nandyan ba si nanay? Pasabi, natatakot ako!" Sabi ko kay Bryle. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya at hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Ang pwesto ko ngayon ay nakapatong na ako sa kanya para wala akong makitang kaluluwa. "Sabi ni nanay Bebet, kalandi mo daw. Bakit ka pa daw pumapatong sa akin" tumatawang sabi sa akin ni Bryle. "Uumm! Nay! Ikaw kasi nananakot!" Sigaw ko.pero tinatawanan lang ako ni Bryle. "Lab lab, nasa tabi na nya tayo. Masama tingin sayo kasi kung makayapos ka sa akin wagas" sabi sa akin ni Bryle. Kaya kahit anong sinasabi ni Bryle ay mas humigpit ang yakap ko at pagkasubsob ng mukha ko sa dibdib nya. "Nanay! Wag mo naman kasi ako takutin!" Sigaw kong muli pero hetong isa ay tinatawanan lang ako. Anong trip netong lalaking to!? Nakakatawa bang natatakot ako?! Grabe sya! "Ang sarap pala sa pakiramdam na tinatakot ang lab lab ko, instant yakap. Ang sarap sa feeling!" Wika ni Bryle sabay tawa ng malakas. "Ikaw talaga! Niloloko ba ako?!" Inis kong sigawcsa kanya. "Oo, wala namang multo ah!" Sagot sa akin ni Bryle kaya napabeadtmode ako. Pinalo palo ko sya pero panay ilang nya at tawa. Nakakainis! Tinitake advantage lang pala ako ng gagong ito. "Hoy! Ang aga aga ang lalandi nyo! Rinig na rinig kayo sa labas! Saka kung gagawa kayo ng milagro! Ilock nyo tong pinto haaaaa! Mga malalandi!" Sigaw sa amin ng kaibigan kong si Ramon na nasa pinto at nakabukas ng ang pinto ng kwarto ko! s**t! Nakakahiya! "Yeah! They are always flitting with each other! So annoying!" Dugtong namang isang bumungad na si Kyle. "What?! What are you doing?! Bakit ka nakapatong kay Bryle?" Gulat na sigaw ng lumitaw na si Bench. "Ah, eh, um! Kasi tinatakot nya ako! Kaya binubugbog ko sya!" Nahihiyang paliwanag ko kay Bench. "Binubugbog nga ba talaga?!" Nakakalokong tanong sa akin ni Ramon. "Oo nga! Ang dumi ng pag-iisip nyo! Lalo ka na Bestfriend!" Sagot ko. "Oh sya, bumangon na kayo dyan dahil handa na ang TOTOONG umagahan" sarkastikong aya sa amin ni Ramon. "Ramon, mauna kayo. Mag aalmusal muna kami ni lab lab dito!" Nakangising sagot ni Bryle. "Bryle! Yan ka na naman!" Inis kong sabi kay Bryle. Tinatawanan lang nya ako! Kaya nakakabwisit. "Kung ayaw nyong bumangon! Makikisali na rin ako!" Sabi ni Kyle kaya pumasok sya ng tuluyan sa kwarto ko at tinulak ako. "Umm! Namiss ko na ang kuya ko! May malandi kasing umagaw sa kanya sa akin eh!" Sabi nito habang yakap-yakap ang lab lab ko. "Hoy! Hindi na sya sayo! Umalis ka dyan! Pumunta ka sa boyfriend mo!" Pabirong sabi ko kay Kyle. Inalis ko ang pagkakayakap nya kay Bryle at ako ang pumalit. "Napakalandi mo talaga!" Sigaw sa akin ni Ramon na lumapit na pala sa amin. Piningot ako sa tenga habang hinihila akong bumangon. "Aray! Aray! Aray! Oo na babangon na!" Sigaw ko kaya binitawan na ako ni Ramon. Wala na kaming nagawa ni Bryle kundi sumunod sa pinag uutos ng mahal na LOLA na si RAMON! nagtungo kami sa labas ng bahay para doon kumain. Marami kaming kumain, mga kamag-anak, mga bisita, kaibigan at mga tumulong. Ang nakakatuwa lang ay kumpleto ang kaibigan ko sa Manila. Ang lungkot ko'y nawawala dahil sa pagmamahal ng natitira kong kapamilya. And for sure masaya ang magulang ko sa kalagayan ko ngayon. Heto ang gusto nila, ang maging matatag ako. Maging masaya pa rin kahit na wala sila. Nang matapos kaming kumain ng umagahan ay nanatili muna kami dito sa labas ayun na rin sa kagustuhan nila Mr. And Mrs. Santillan. Sila nalang daw muna ang magbabantay kay nanay at ako ay makisalamuha muna sa mga kaibigan. Sobra kong saya dahil iba-ibang circle of friends ko ang kasama ko ngayon. Mga kaibigan/kaklase ko dito sa probinsya at mga kaibigan/kaklase ko naman sa Manila. s**t! Nadedemonyo na naman itong lab lab ko dahil nandito pati si Godt na pinagseselosan nya. Kahit ilang beses kong sabihin na tumigil na si Godt sa akin sa panunuyo ay inis na inis pa rin sya. Hay. Heto namang mga malalandi kong friends na babae at bakla ay parang may mga uod sa pwet na di mapakali sa inuupuan at yung mga ngiti nila'y di magkamayaw sa napagmamasdan nilang naggwagwapuhang mga nilalang sa kanilang harapan. PATAY ang Pinuntahan pero parang nagmukhang Dating place itonv bahay namin! Mga malalandi! "Shuta sis. Buti nakakasurvive ka pa sa manila? Grabe. Ang gugwapo nila! Lalo yun o si Godt" bulong sa akin ni Ramon. "Mas pogi pa ako dyan sa Godt na yan" inis na sumbat ni Bryle. Tumigil ka dyan. May boyfriend ka na" sagot ko naman sa kanya. "f**k! Sino single dyan? Pakilala mo naman ako" bulong naman ni Roy. Talagang lumapit pa sa akin. "Girl pinakilala ko na kayo. Bahala kang dumiskarte kung gusto ka nila" sagot ko naman. "Bakla, bukas siguro buntis na ako. Tingin palang nila mabubuntis na ako" bulong naman ni Lovely(babae sya). "p****k ka talaga" sagot ko naman. Hay! Mga friends ko talaga! Di na magkandaugaga. Hetong lab lab ko naman, di na ako binibitawang yakapin dahil nandito si Godt. "Sis, feeling ko may jowa tong nakapolo ng white at itong cutie na ito(KYLExRED), heto rin feeling ko kambal ni lab lab mo at ito ring kissable lips na ito(BLYTHExBENCH) at ito, s**t! Nakakalaglag panty tong dalawang ito(FRANCOxPHILIP)" bulong sa akin ni Roy sa akin. "Yeah tama ka" sagot ko. "Sinong mga single dyan?" Tanong ni Lovely. "Um, itong si kuya Lloyd may girlfriend na. Si sir Luiz meron na rin. Ummm, etong si Godt na nagpapapansin sa akin dati, single pa. Si Christian, single pa ata at si Lemuel single din. Tapos eto, si Bryle, single, baka gusto nyo" sagot ko. Kaya isang batok ang natikman ko kay Bryle. Nginisian ko naman sya kahit nakabusangot sya. "Hayyy! Magtatransfer na ata ako sa school nyo?!" Kinikilig na sabi ni Lovely. "Baliw" sabi ko nalang. "Okay guys! Dahil parang nagkakahiyaan pa tayo. Meron akong naisip na lalaruin natin. I think masaya to!" Pambasag katahimikan ni Ramon. Wala rin talagang hiya itong friend kong ito eh. Walang inaatrasan. "Bakla! Kuha ka ng baraha!" Utos ni Ramon kay Roy. Nagmadali namang kumuha ng baraha si bakla. Excited si girl. "Okay ba na maglalaro tayo?" Tanong ni Ramon. "Yes!" Sagot ng lahat. "So ang lalaruin natin ay 1,2,3 pass. Madali lang sya. Each player ay magkakaroon ng 4 cards na magkakaiba. Ang dapat lang gawin ay, bumuo ng apat na magkakaparehas na number or figure. Example, meron akong hawak na cards na dalawang king, isang 2, isang 8. So ang bubuin ko ay dalawnag king kasi yun ang alam kong mas mabilis akong makakabuo. So as i said 1,2,3 pass bubunot tayo at ilalapag natin sa katabi natin at kukunin naman natin ang card na inilapag sa atin. At kung buo na ay ilalapag natin ang kamay natin sa may gitna at kung sino ang mahuhuli sya ang paparusahan. Gets nyo ba?" Sabi ni Ramon pero parang medyo walang nakagets kaya kaming mga magkakaibigan dito sa probinsya ay idinemonstrate namin ang laro. At dun nga nagets na ng lahat. "Dahil sobrang dami natin 13 lang itong magkakaparehas na cards ay ang mga magjojowa ay iisa nalang. Okay ba yun?" Sabi ni Ramon at sumang ayon naman ang lahat. So, heto ang mga kasali: 1.ako/Bryle 2.Ramon/AJ 3.Bench/Blythe 4.Kyle/Philip 5.sir Luiz 6.Lloyd 7.Christian 8.Godt 9.Lemuel 10.Bruhang Roy 12.Lovely. 13.kababata kong si MJ Binalasa na nga ni Ramon ang baraha at idinistribute ito. "Gosh! Babe! 7 ang bubuuin natin?" Malakas na wika ni Bench. Kaya napahawak ng noo ang kaibigan ko. "Guys! Wag nyong sasabihin ang bubuuin nyo para di malaman ng kalaban nyo! Bahala kayo! Di kayo makaabuo" sabi ni Ramon. "Hehehe, sorry" nakangising sagot naman ni Bench. Ilang sandali pa ay nag-umpisa na kaming dalawa. 1,23 pass..... Nagtatawanan at naghihiyawan kami kapag nasabi na ang pass. Dahil di na magkandaugaga mga players sa pagbuo ng number. "Lab lab! 3 na yung alas natin!" Masayang sigaw ni Bryle kaya nagtinginan kaming lahat sa kanya. "Lab lab naman! Kakulit! Sabi na ngang wag mong sasabihin ang binubuo natin eh!" Pagalit ko sa kanya. "Hahalikan kita dyan eh, para manahimik ka" bulong ko. "Guys! Alas binubuo namin!" Sigaw pa ni Bryle na parang nanggagago pa!? "Lab lab!" Inis na sigaw ko sa kanya. "Guys! Hahaha! Isa nalang! Mabubuo na namin ang alas" patuloy nitong sigaw. "Hoy Bryle, anong trip mo?!" Tanong ni sir Luiz. "Kasi, sabi ni Timmy, ikikiss daw ako para matahimik ako. Kaya nag-iingay ako" mayabang at nakangiting sagot ni Bryle. Ayun! Nakuha oang lumandi ng gago! "Bryle, kung di ka pa tumigil sa kakahiyaw dyan! Ipapahalik kita kay Roy!" Pagbabanta ni Ramon. "Ah, eh, sige, tatahimik na ako" sagot ni Bryle sabay tago niya sa likod ko. Nagpatuloy kami sa paglalaro. As usual hindi kami nakabuo dahil sa kagagawan ni Bryle pero hindi kami ang taya dahil si Kyle at Red ang natalo. Hahaha! Di kasi alam ang gagawin ni Kyle kaya nahuli sya sa paglapag ng kanyang kamay. Ayan tuloy, "Wife naman! Pinatalo mo! Sabing ako na muna maglalaro eh" inis na sabi ni Red. "Sorry na! Ikaw na!" Pagmamataray naman ni Kyle. "Tumigil nga kayong dalawa!" Saway naman ni sir Luiz. Ang parusa, pitik bulag. Syempre ang mga taga tambay sa lamay ay hindi natalo at kami yun. Ang natalo lang ay ang malalantod na magjojowa na taga Manila. Naging masaya nag laro namin, tawanan at pikunan. Salamat sa kanila dahil kahit papaano ay nakalimutan kong maging malungkot. --- "Lab lab? Bakit may videoke?" Tanong ni Bryle sa akin. Nandito kami ngayon nagbabantay kay nanay. "Ah, yan ba? Uso yan dito. Videoke kapag last night. Sabi nila, pantanggal lungkot" sagot ko kay Bryle. "Ang papangit naman ng mga boses ng kumakanta" bulong sa akin ni Bryle. Kaya natawa ako. "Ikaw talaga!" Tumstawang wika ko sa kanya. "Wait lang lab lab ha. Kausapin ko lang tong mga singer natin. Kunwari magkakaroon tayo ng show" sabi sa akin ni Bryle. Lumapit sya kila kuya Red. Nang matapos nang kausapin ni Bryle ang tatlong sina, Philip, Franco at Red ay lumabas sila ng bahay at nagtungo sa may videoke. Kinausap din ang mga kumakanta at mukhang maganda naman ang pag-uusap nila. "Ahem! Ahem! Hello guys. So, i'm Bryle Santillan, ako po ang anak ng ano ni nanay Bebet and also the special someone of Timmy na anak ni nanay Bebet. So, napagplanuhan po namin na magkaroon ng show dito ngayon. Sana po ay magustuhan nyo ang magiging performance ng aking mga kaibigan. ENJOY WATCHING GUYS!" Mensahe ni Bryle. Nagulat nalang ako nang makita kong nagsidagsahan ang mga kabataan para manood. Ummm! Alam na! Hahahaha! Yung iba ay mukhang kinikilig. Ang gugwapo naman kasi ng mga magpeperform, gwapo rin yung lab lab ko pero hindi sya magpeperform!???. "Nak, labas ka. Manood ka muna"sabi sa akin ni tita Bea. Nginitian ko sya at tinanguan bago ako nagtungo sa labas. Kumuha ako ng dalawang upuan para mapag upuan, syempre sa lab lab ko iyon. Sakto tumabi rin sya sa akin. "Hay! Sorry po dahil ninenerbyos ako. Biglaan po kasi, pero gagawin ko to just for Timmy. Para kahit papaano ay mapasaya ko sya sa handog kong kanta" message muna ni Red. Nagpindot sya ng kakantahin nya. Nanlaki ang mga mata ko nung mabasa ko ang kakantahin nya!? SEE YOU AGAIN! Habang kumakanta si Red ay manghang mangha naman ang mga taong nanonood sa kanya dahil sa taglay nitong galing sa pagkanta, ang iba ngang mga daalga at mga bakla ay kinikilig pa habang kumakanta si Red. Sa kapogian ba naman nya at galing kumanta, sinong hindi maiinlove sa kanya. Pero, sa kabila nang iyon ay sa isang gilid ay di mapigilang mapaiyak ng isang Timmy. Habang kumakanta si Red ay naalala ko tuloy si nanay na namaalam na at kailangan ko na ring magpaalam sa kanya. Masakit, pero kailangang tanggapin. Masakit! Pero kailangang pakawalan. Di ko mapigilang humagulgol dahil sa tuwing naiisip ko si nanay ay nadudurog ang puso ko. Sobrang sakit! Ang sakit sakit! At hindi lang pala ako ang umiiyak pati na rin ang family Santillan na naging pamilya ni nanay sa mahabang panahon. Sina tita at tito, at mga anak nila lalong lalo na si Kyle. Ayon kay nanay ay si Kyle daw ang naging Timmy nya sa tahanan ng Santillan dahil parehas daw kaming dalawa na malambing at bakla. Si Bryle na kanina pa nagpipigil ng iyak para pagaanin ang loob ko ay natuluyan na ring mapaiyak. Magkayakap kami ngayong dalawa, naghihinagpis at nagluluksa sa pagkawala ng nanay namin. Nang matapos na si Kuya Red kumanta ay sumunod naman si Philip na kumanta. At s**t! Nananadya talaga sila! Dahil ang kakatantahin naman ni Timmy ay IINGATAN KA! Nakakaiyak na naman iyon dahil it's all about mother. Iyak lang ako ng iyak. Lumapit na rin sa akin si Ramon na umiiyak na rin. Kinuha ang kamay ko at hinalikan ito. "Bestfriend, nandito lang ako para sayo ha! Hinding hindi kita iiwan" wika sa akin ni Ramon. Tumango nalang ako sa kanya. Sa kantang iingatan ka ay napansin kong dumami ang umiyak na rin. Mga kamag anak at mga nanonood. Di ko sinasabing mas maganda ang pagkanta ni Red pero mas dama kasi ang Iingatan ka, maliban sa tagalog ito ay alam ng lahat ang kantang ito. Mas lalo pa akong naiyak dahil alam kong maraming nakikiramay sa akin. "Uuuummm! So guys, di ko alam kung itutuloy ko pa itong kantang to. Many of you are crying right now. Pati ako'y parang mapapaiyak na rin" mensahe ni Franco. Pumindot sya ng kanta. CAN'T CRY ENOUGH! --- "nanay! Wag mo kong iwan! Please! Nanay!" Paghihimugho ko nang ililibing na ang nanay ko. Nagwawala na ako! Naggtatatalon, nagsisisigaw at di malaman ang gagawin dahil unti-unti na nilang ibinabaon ang nanay ko! "Nanay! Mamimiss kita! Nnnnnnnnaaaaaaaaayyyyyyyy!" Sigaw ko. Napaupo ako dahil sa pagluluksa sa nanay ko. Nandyan naman si Bryle para alalayan ako. Napayakap ako sa kanya dahil sa sakit ng nararamdaman ko. "Tahan na, ssssshhh! Tahan na, lab lab, tahan" mahinahong wika sa akin ni Bryle. Pero parang wala akong naririnig. Patuloy pa rin ako sa paghagulgol lalong lalo na't tinatabunan na si nanay! "Wala na si nanay! Lab lab! Wala na si nanay!" Sigaw ko kay Bryle pero isang mahigpit lang na yakap ang isinukli nito sa akin. --- "Lab lab, anong plano mo?" Tanong sa akin ni Bryle. Nagpaiwan kaming dalawa dito sa may puntod ni mama, nakaupo kami at nakaunan ako sa balikat niya. Nakasanayan ko na rin ako sa ganito. I'm leaning on his shoulder. Ayoko pa kasing umuwi. Gusto ko muna syang bantayan. Di pa ako nakakaget over sa nangyari kanina. "Gusto ko nang bumalik ng Manila. Baka kasi pag nag stay pa ako dito, baka palagian ko lang maalala si nanay, iiyak na naman ako" sagot ko kay Bryle. "Lab lab, hug mo ko. Yung maghigpit na mahigpit" sabi ko kay Bryle. Di sya nagdalawang isip at ginawa nga nya iyon. Nakakaramdam kasi ako ng comfort kapag niyayakap nya ako. Iba ang naidadala nyang kasiyahan ng puso ko. "Um, alam ko na kung saan tayo pupunta bago tayo umuwing Manila. Sakto, malapit lang tayo dun" sabi sa akin ni Bryle. "Saan naman lab lab?" Tanong ko sa kanya. "Secret syempre" sagot nito sa akin. "Ang daya mo naman" sabi ko sa kanya. "Kung sasabihin ko edi hindi na suprise yun! Yung pupuntahan natin ay isang special na lugar. Pinupuntahan ng umiibig. At marami akong maikukwento sayo kapag nandun na tayo. Tiyak mamamangha ka sa kwento ng mga taong iyon" sagot sa akin ni Bryle. "Lab lab, thank you ulit ha. Thank you sa lahat. Thank you kasi ikaw ang taong palaging nandyan lalong lalo na ngayong nagluluksa ako. Palagi mo akong dinadamayan sa aking kalungkutan. Pinapasaya mo ko at inaalagaan. Di ko akalaing makakahanap ako ng taong kagaya mo. Akala ko si Ramon na naman ang makakasama ko. Di sa nananawa ako sa kanya ha. Pero unexpected lang sa akin na may taong buo at totoong minamahal ang kagaya ko. Mahal na mahal kita" wika ko kay Bryle. Hinalikan naman nya ako sa noo ko. "Um, s*x nalang tayo" malanding bulong sa akin ni Bryle. Kaya pinalo ko sya. "Nagluluksa pa rin ako pero yang kalibugan mo di na natigil" sabi ko sa kanya. "Eh, mahigit isang linggo na akong walang exercise eh" sagot neto sa akin. "Mahiya ka! Nasa puntod tayo ni nanay at ni tatay" sabi ko sa kanya. "Umm, bakit naman ako mahihiya. Lalaki ako, lab lab mo ko!" Sagot sa akin ni Bryle. "Nanay Bebet at tatay, may nangyari na po sa amin ni Timmy. Ang galing nga po nya eh" wika ni Bryle sa puntod ng magulang ko kaya kinagat ko ang kanyang braso. "Araaaaaayyyyy! Lab lab naman!" Reklamo ni Bryle sa akin. "Ikaw kasi!" Sigaw ko sa kanya. "Halika na nga lang! Bak gabihin pa tayo sa byahe. Masayang masex sa pupuntahan natin" sabi ni Bryle sabay tawa. "Lab lab naman eh!" Sigaw ko sa kanya. Pero tinatawanan lang nya ako. Tumayo sya at hinila nya ako para akoy makatayo. Pinaubaya ko ang sarili ko sa kanya. Nagkalad kaming dalawa habang magkahawak kami ng kamay papunta sa kotse nya. Saan kaya ako dadalhin ni Bryle? Hmmm bahala na sya! Pero napapaisip ako? Seryoso ba sya sa s*x? Ummm? Bahala na!? GOODBYE NANAY! SEE YOU AGAIN NOT NOW BUT IN THE RIGHT TIME! I love you sa inyo ni tatay! Wag na po kayong mag-alala sa akin, meron na akong BRYLE na mag-aalaga at magmamahal sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD