Lean On My Shoulder Chapter 15

4375 Words
BRYLE'S POV Di ako mapakali ngayon dahil special day ni lab lab ko. Ngayon namin isasagawa ang aming surprise sa kanya. 3am palang pero gising na kaming lahat except kay Timmy dahil kailangang maging maayos ang pasurprise namin. Gusto kong maging perfect ito for him. At dito ko na rin isasagawang magpropose sa kanya bilang boyfriend ko. s**t! Kinakabahan tuloy ako! Grabe! "Ano, okay na ba?" Kinakabahan kong tanong sa mga kasama ko. "Pwede ba Bryle! Huminahon ka! Okay na, okay!. OA mo rin noh! Nakailang surprise na tayo, ngayon pa ba papalpak!" Sagot sa akin ni kuya Lloyd. "Eh, sa ilang surprise natin dalawa dun puro palpak! Si Red pa!" Sagot ko kay kuya Lloyd. "Hoy! Gago! Wag mo kong isali dyan!" Sagot naman sa akin ni Red. "Kuya, okay na. Foods okay na, drinks okay na rin, banda okay na okay. Decoration check na check! Gamit para sa proposal mo check na check! Ang kailangan mo nalang gawin ay magtago ng ilang oras at kami na ang bahalang magpapasyal kay Timmy, okay na ba?" Sabi sa akin ni Kyle. "Okay na! Okay na! Thank you guys hah! Sayang lang di daw makakarating sila nanay bebet at sila mama, busy daw eh" wika ko sa kanila. "Okay lang yun, basta mapasaya lang natin si Timmy, okay na yun. Ang for sure, he will be happy on his birthday!" Sagot ni Kyle. "Dahil okay na ay ikaw kuya, what you are going to do is just hide on my room. Titext ka nalang namin kung kelan ka lalabas okay? Alam mo namang maagang nagigising si Timmy. Sige na pumasok ka na dun at kami nang bahala dito" sabi naman ni Bench. "Sige, sige! Papasok na ako hah!" At mabilis kong tinungo ang kwarto ni Kyle. Shit! Sana maging successful etong pasurprise namin for my lab lab. He deserves it! --- TIMMY'S POV Kriiinnnngggg! Kriiiinnnnggggg! Kriiinnnnggg! Ummm! Hay! Sino ba itong tumatawag na to? Saturday ngayon kaya kailangan kong matulog ng mahabang mahaba?! Ilang gabi kaya akong na stress sa pagrereview. Pilit kong kinuha ang phone ko at nanlaki ang mata ko nang si nanay pala ang tumatawag. s**t! Baka malaman nyang makakwarto kami ni Bryle! Lakot na ako. Wait?, Asan si lab lab? Bakit wala sya sa tabi ko. "Hello nay, kamusta po" bungad na bati ko kay nanay. "Happy birthday anak!" Masiglang bati sa akin ni nanay. Nakaramdam tuloy ako ng pagkamiss sa kanya. "Thank you nanay. Nay, miss na miss ko na kayo. Kamusta ka na dyan?" Wika ko kay nanay. "Heto anak, medyo sumasakit ang batok ko. Inaatake ata ako ng high blood. Pero wag kang mag-alala anak, uminom na ako ng gamot" sagot sa akin ni nanay. "Nay, pahinga ka muna ha. Magpagaling ka!" Sabi ko kay nanay. "Opo anak. Nagpapahinga na ako. Di na rin ako pinagtrabaho ni Mrs. Santillan. Sorry anak hah, wala si nanay sa birthday mo. Busy kasi sila Mr. And Mrs. Santillan kaya di kami makakapunta dyan" sabi sa akin ni nanay. "Okay lang po nay. Basta marinig ko lang po boses nyo okay na sa akin. Mamaya po, pasabi kay ate Sising na mag online para makapagvideocall tayong dalawa. Oo nga pala nay, may good news ako sa inyo. Sure na sure po akong matataas ang exams ko" sabi ko kay nanay. "Yan lang ba ang gusto mong sabihin kay nanay anak?" Tanong sa akin ni nanay na pinagtaka ko. "Opo nay, yun kang naman po" sagot ko. "Di mo ba sasabihin kay nanay na pumayag ka nang magpaligaw kay Bryle? Di mo pa sinabi sa akin na simula nung umuwi kayo dyan ay iisa ang kwarto nyo ni Bryle?" Mahinahong sabi ni nanay. Kinabahan tuloy ako. Baka pagalitan ako kapag umamin ako. s**t! "Nay, sorry po naglihim po ako sa inyo" yun nalang ang tangi kong nasabi kay nanay. "Okay lang anak. Kinikilig nga ako sa inyong dalawa eh. Palagi nga namin kayo pinag uusapan nila Mr. And Mrs. Santillan eh. At hindi ako magiging kontrabida sa relasyon nyong dalawa ni Bryle dahil naging maganda syang impluwensya sayo. Biruin mo, matataas pa rin exam mo kahit na nakikipaglandian ka dyan kay Bryle" sabi ni nanay kaya natawa ko. "Nay naman! Grabe naman yung nakikipaglandian" sabi ko kay nanay. "Mali pa bang sinabi ko? Totoo naman ah. Anak, heto pala, naisurrender mo na ba ang bataan mo?" Tanong ni nanay. Naubo tuloy ako dahil sa nakakalokang tanong nya. "Nay naman! Hindi pa po!" Pagsisinungaling ko. Actually, naaadik na nga ako eh!? 5 nights kaming naglalaro ni Bryle!? Sorry na! Malandi lang po ako!? Pero sa kanya lang. Horny kasi ng lab lab ko eh. Pero parang nakakatulong naman kasi may energy akong mag exam! Hahahaha! Pagpasensyahan nyo na ako! WALA LANG KASI KAYONG JOWA MGA READERS.!? DIBA AUTHOR?! IKAW DIN?! "Okay lang naman. Di ka naman mabubuntis eh. Kailangan nyo lang ng protection!" Sabi ni nanay at tumawa pa sa dulo. "Nay naman eh! Saka na yun. Di pa ako ready!" Sigaw ko kay nanay. s**t! Di pa daw ready si Timmy pero nakalima na, in five days! p****k na Timmy! "Sige na anak. Enjoy your day. Wag kalimutang tumulong sa gawaing bahay dyan ha" sabi ni nanay. "Opo nay" sagot ko. "Sige na, bye na. Happy birthday again anak" wika ni nanay. "Thank you nay!. Babye i love you" huling wika ko bago pinatay ni nanay ang tawag nya. Kaya nabigyan na ako ng pagkakataong hanapin ang lab lab ko. 7am palang pero wala na sya sa tabi ko?! Ni hindi ko man lang naramdaman na naggood morning kiss sya sa akin. Kasi kung makahalik yun sagad-sagad kaya nagigising ako. Bumangod ako. "Lab lab? Asan ka?" Tawag ko sa kanya. Tinungo ko ang CR pero walang tao dun. Umm, baka nagluluto na naman yun ng umagahan. Makapunta na nga lang sa kusina. Habang naglalakad ako ay di ko mapigilang mapaisip. Alam kaya ni Bryle na birthday ko? Hmmm, baka hindi, hindi nga ako binati eh. At wala pa sya sa paggising ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungong kusina. Laking dismaya ko nang wala akong nakitang Bryle sa kusina. "Good morning Timmy, happy birthday!" Bati sa akin ni Kyle. "Happy birthday!" Bati naman ng iba pang mga tao sa kusina. Busing busy sila sa kanilang iniinom na kape at sa tinapay. "Thank you po. Nakita nyo po ba si Bryle?" Sabi ko sa kanila. "Umm si kuya? Ayun, may biglaan daw silang meeting para sa kanilang immersion. Sinundo sya ni Mariel kanina dito. Di na nga nakapag paalam sayo dahil nagmamadali. Ops! Wag ka nang magselos" sagot sa akin ni kuya Kyle. "Ganun po ba? Balik nalang po ako sa kwarto" malungkot kong sabi dahil di man lang nya ako binati. Umalis nalang sya bigla. "Wait Timmy, dito ka muna. Ipaghahanda kita ng kape. Dahil birthday mo ngayon ay pagsisilbihan ka namin. And after mong mag-almusal, mamamasyal tayo sa mall" sabi sa akin ni Kyle. "Umm, thank you po peri di nyo naman po kailangan gawin yun" sagot ko sa kanya. "Timmy! You're our bunso, right? Kaya wag ka nang mahiya. Itong treat naming ito ay bilang kapatid mo. Kaya halika na, maupo ka na dito para makapag almusal ka na" sabi ni kuya Kyle kaya naupo nalang ako. Gaya ng sinabi nya ay tinimplahan ako ng kape at binigyan nya ako ng egg sandwish. "Anong oras daw po babalik si Bryle?" Tanong ko kay kuya Kyle. "Ano ba yan Timmy! Nakakatampo ka na ha!? Di lang si Bryle ang family mo dito. Kami ngayon ang nandito kaya wag mong isipin si Bryle. Be happy dahil birthday mo. For sure di ka naman nakakalimutan ni kuya eh. Busy lang talaga sya sa kanilang magiging immersion, okay na ba?" Sagot ni kuya Kyle sa akin. "Sorry po. Thank you po pala ha. Akala ko po di nyo po alam na birthday ko ngayon. Hindi naman po kasi ako nag oopen up sa inyo eh" sabi ko sa kanila. "Ummm, we're sss friends right? Dun namin nalamang birthday mo no!" Sagot naman ni kuya Bench. "Ay oo nga po pala hehehe" sagot ko. Inumpisahan ko nang ubusin ang ibinigay ni kuya Kyle sa akin. Ngayong birthday ko nga ay hindi nila ako pinagtrabaho. Kahit na maghugas ng pinggan ay di nila ako hinayaang gawin iyon. Birthday ko daw kasi kaya dapat daw maging prinsesa ako ngayon. Kaya heto ako nakaupo lang at walang magawa. Kaya kinuha ko lang ang phone ko para icheck ang sss account ko. Napangiti lang ako dahil ang daming bumati sa akin. Mga batchmates, present classmates, friends at relatives. Pero ang isang napaka special na bati sa akin ay ang kay Ramon. "To my BESTFRIEND Timmy Boy Tamayo. I'm so greatful that you came into my life. Such a happy heart of mine because you're indeed the best of friend that i've ever met. I really really missed you so much my sisi! I'm just so sad right now because it's my first time we're not together on your birthday. I really wanted to go on your place, unfortunately i have alot of things to do, especially on my school projects. I'm just hoping one day, we will see each other again. I love you sisi happy birthday again!" Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako habang binabasa ang message sa akin ni Ramon. Namimiss ko na rin sya! Nakakamiss lang kasi sya ang palaging punong abala kapag birthday ko. Talagang pinag iipunan nya ito para lang magkahanda ako sa birthday ko. Ganun ako kamahal ng bestfriend ko kaya di ko maiwasang mapaiyak nalang. Nagtungo ako sa messenger ko para tawagan ang beshie ko. Namimiss ko na rin sya dahil matagal na kami bago nag usap. "Timmy, why are you crying?" Tanong sa akin ni kuya Bench. "Ah, naiyak lang po ako sa message sa akin ng bestfriend ko sa probinsya" sagot ko sa kanya. "Hello sisi! Happy birthday! I missed you so much!" Bungad ng aking bestfriend na matalak. "Beshie! Pinaiyak mo naman ako sa message mo!" Sabi ko sa kanya at nag umpisa na ulit akong umiyak. "Putek kang bakla ka! Naiiyak na rin tuloy ako! Sisi, di na kita mahahandaan ng sisig at sinabawang paa ng manok! Wala na ring pavideoke!" Sabi sa akin ng umiiyak na rin na si Ramon. "Kaya nga sisi, miss na miss na talaga kita. Yayakapin talaga kita ng mahigpit na mahigpit kapag nakita kita" sagot ko sa kanya. "Babe, si Timmy ba yan?" Isang tinig ang narinig ko sa kabilang linya at laking gulat ko nalang nang makita ko si AJ. Seriosly, sila na?! "Gaga ka sisi! Bakit di mo man lang sinabi sa akin na kayo na pala ni AJ! s**t! Sobrang saya ko for you guys!" Masaya kong wika sa kanila. "Hi, Timmy happy birthday. By the way, thank you pala sa payo mo sa akin nun ha. Ngayon kami na ng bestfriend mo" nakangiting wika ni AJ. "Kaya pala iba ang ngiti ng bestfriend ko. May kasalanan ka sa akin! Bakit naglihim ko sa akin?" Pabirong wika ko sa kanila. "Sorry na. Di ka naman kasi macontact minsan. Ay wait, may kasalanan ka rin bruha ka!? Bakit wala kang kinukwento about sa inyo ni Bryle?! Ha!?" Sigaw sa akin ni Ramon kaya natahimik ako. Hahaha! Ako rin pala may kasalanan. "Oo na, sorry na rin. Pumayag na akong magpaligaw sa kanya!" Nahihiya kong sagot kay Ramon. "Grabe! Nung ako nanliligaw sayo, study first ka pa. Pero kay Bryle, bigay agad?" Biro namang wika ni AJ. "Sorry, mas nag effort si Bryle kesa sayo no. Saka kung pinayagan kitang manligaw sa akin edi, hindi magiging kayo ng bestfriend ko" sagot ko kay AJ. "So, lumalabas na second choice ako? Ganun?" Kunwaring inis na sabi ni Ramon. "Oy, kasalanan mo rin naman sisi. Nag iinarte ka pang patago tago ng feelings!" Sagot ko naman sa kanya. "Hello!" Isang tinig ang namuo sa likod ko at si kuya Kyle iyon. "Hi! Halla, super cute mo talaga Kyle!" Manghang wika naman ni Ramon. "Ops thank you. Ikaw rin, sobrang blooming mo na" sagot naman ni kuya Kyle. "s**t! Si jowa mo na ba yan!? Grabe super pogi!" Kinikilig na wika ni Ramon. "Hoy! Akin lang sya! Wag kang malandi dyan girl!" Sabi naman ni kuya Kyle na handang handa rin sa biruan. "Sorry! May boyfriend din ako no!" Sagot naman ni Ramon. "Owww, sya ba boyfriend mo? Mas pogi boyfriend ko" sabi ni kuya Kyle. "Excuse me! Mas maputi lang yang boyfriend mo, mag pogi tong AJ ko!" Sagot naman ni Ramon. "Hoy, mga feelingera! Mas pogi ang Blythe ko no!" Sumingit na rin si kuya Bench sa usapan na pinilit na pinagsiksikan ang mukha nya sa cellphone ko. "Nag aaway away kayo! Mas pinakapogi kaya boyfriend ko!" Pagmamayabang ko naman. "Ayun! Correction, manliligaw mo palang and sabi mo sa pogi si Bryle?! Eh, iisa lang naman mukha nila ni Blythe ah!" Sabi sa akin ni kuya Bench. Kaya nagtawanan kaming lahat pati na ang nasakabilang linya. "Okay, okay, okay. Ramon, i'm so sorry for disturbing you moment eith your bestfriend ha. Hihiramin lang namin sya kasi pupunta kaming mall ngayon" sabi ni kuya Kyle kay Ramon. "Sige po. No problem" sagot ni Ramon. "Sige na beshie, bye bye na i love you!" Paalam sa akin ni Ramon. Nagpaalam na rin sa akin si AJ. "Babye beshie! See you soon" paalam ko rin. Pinatay ko na nag call. "Timmy, maligo ka na at aalis na tayo. Maghihipag bonding muna tayo ha" sabi sa akin ni kuya Kyle kaya natawa ko sa maghihipag bonding. "Sige po" sagot ko kaya pumasok na ako ng kwarto namin ni Bryle para maligo. --- "Husband, sunduin mo nalang kami mamaya ha. Basta text mo nalang ako ha" sabi ni kuya Kyle kay Red na syang naghatid sa amin sa mall. "Got it my wife. Enjoy kayo" sagot naman ni kuya Red. "Sige bye na" tangka sanang maghahalikan ang dalawa ay bigla namang sinabunutan ni kuya Bench si Kuya Kyle at inilayo ang ulo nito kay kuya Red. "Bakla ka! Bawal munang lumandi. Mahiya ka sa amin. Wala partner namin oh!" Sabi ni kuya Bench kaya nagtawanan kami. "Epal ka talaga Bench no" sabi naman ni kuya Kyle kay kuya Bench. "Sige na. Mamaya nalang my wife. Sulitin nalang natin mamayang gabi" nakakalong wika ni kuya Red. "I like it!" Sagot naman ni kuya Kyle. Umalis na si kuya Red. Kaya ming tatlo ay tuluyan ng pumasok sa mall. Habang naglalakad kami ay puro chika si kuya Kyle. "Dahil birthday mo Timmy, kailangan mong maging maganda. Kaya pupunta tayong bibili ng damit mo" sabi ni kuya Kyle kaya nagtungo kami sa sikat na clothing store. Nang makarating kami sa store na iyon ay di magkandaugaga ang dalawa na mamili ng damit ko. "Heto bagay sayo!" Sabi ni kuya Kyle habang hawak hawak ang ternong damit at pambaba. "No! Mas bagay to!" Sabi naman ni Bench. "No, mas bagay sa kanya to!" Sabi ni kuya Kyle. "Hindi! Mas bagay sa kanya to!" Sabi naman ni kuya Bench. "Okay fine! Bilhin nalang natin sila both. Nang malaman nila ang size ng paa ko ay binilhan pa nila ako ng sapatos. All set na kaya lumabas kami ng store. "Next on our destination is salon! Let's go!" Sabi ni kuya Kyle kaya nagtungo kami sa salon. "Hi, kayo na po bahala sa lalaking to ha" sabi ni kuya Kyle kaya pinaupo na nila ako. Makalipas ang ilang oras ay natapos na nila akong pagtripan sa salon. Pinagpalit na rin ako ng dalawa ng damit na binili namin kanina. Ang pinili ko ay pinili ni kuya Kyle dahil feeling ko mas bagay iyon. Pero ang sapatos naman na pinili ni kuya Bench ang isinuot ko. "OH MY GOD!" Manghang sigaw ng dalawa. "Mas lalong maiinlove sayo si kuya Bryle nyan!" Manghang wika ni kuya Kyle. "Hehehe, thank you po" sagot ko nalang. "Sige na, let's na muna it's already 2pm na" aya ni kuya Bench kaya nagpunta kami sa isang restaurant para kumain. Nang matapos kaming kumain ay nagtungo kami sa may Archade para maglaro. Naging masaya ang pagstay namin doon dahil naglaro kami ng naglaro. Si kuya Bench at Kyle ay walang mapagsidlan ang kanilang kasiyahan. Para silang mga bata kung maglaro, lalo na sa kanilang height. Ang cute nilang panoorin. "Gosh! I think, kailangan naman nating manood ng sine" wika ni kuya Kyle. Pero ako ay di mapakali dahil inaalala ko si Bryle na kanina pang walang paramdam. Ni text or tawag wala akong natatanggap sa kanya. "Timmy, ano na naman yan? Nakabusangot ka na naman? Iniisip mo na naman ba si kuya? Mamaya mo na sya pagalitan. Mag enjoy muna tayo" sabi sa akin ni kuya Kyle kaya itinago ko ang phone ko at ngumiti. Nagpunta kami sa sinehan para manood. Pinili namin ang hollywood movie na love story dahil yun din ang aming nagustuhang tatlo. Bumili rin kami ng makakain at maiinom habang nanonood. Syempre treat ng dalawa. Pero habang nasa kalaginaan kami ng panonood ay biglang may nagring na cellphone at cellphone iyon ni kuya Kyle. "Hello" "Nandito kami sa sinehan?" "Really?" "Sige palabas na kami. Hintayin mo nalang kami dyan ha!" "Guys! We need to go home right now" aya ni kuya Kyle. "Pero di pa tapos ang pinapanood natin" sagot naman ni kuya Bench. "Girl! Mag aalas otso na! Kailangan na nating umuwi! Nandyan na rin ang sundo natin" sabi naman ni kuya Kyle. Kaya kahot gusto ko pang manood ay sumunod nalang ako kay kuya Kyle. Tama nga rin naman, gabi na at kailangan na naming umuwi. Kaya lumabas kami ng mall at saktong nandun na ang kotse ni kuya Red na naghihintay sa amin. Sumakay kaming tatlo para makauwi na. Habang nasa byahe: "Mukhang nag enjoy kayo ha" sabi ni kuya Red na nagdadrive. "Off course my husband! Tignan mo naman ang transformation ni Timmy, mas lalong lumitaw ang kanyang gandang lalaki" sagot naman ni kuya Bryle. "Timmy, nag enjoy ka ba?" Tanong sa akin ni kuya Red. "Opo naman po. Sobrang nag enjoy po ako. Lalo na po nung naglaro kaming tatlo" masayang sagot ko kay kuya Red. "Kulang pa yan" sabi naman ni kuya Red. Napaisip tuloy ako sa sinabi nya. Ummmm!!!? Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay. Sabay sabay kaming pumasok ng bahay at, "HAPPY BIRTHDAY TIMMY!" Sigaw ng mga tao sa akin. Laking gulat ko naman dahil first time kong masurprise sa aking birthday! May pa confetti pa sila, balloons. Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat at pagkamangha. "Thank you guys!" Wika ko sa kanila. Pero laking pagkakadismaya ko nang wala akong nakitang Bryle sa harapan ko?! s**t! Dapat maging masaya ako kasi sinurprise nila ako pero bakit may halong lungkot kasi wala si Bryle? "I know, what you are thinking Timmy. Wala kaming cake dito dahil may naghihintay na special na tao sayo sa pool. Puntahan mo na" sabi sa akin ni sir Luiz kaya nabuhayan ako ng loob. Tumakbo ako papuntang pool para makita ko na si Bryle na kanina ko pa namimiss! At yun nga, napahinto ako nang makita ko syang nakatayo sa tabi ng pool habang hawak-hawak nya ang cake. May matatamis na ngiti ang napagmamasdan ko sa kanya. "Ano pang hinihintay mo Timmy, di mo ba lalapitan ang lab lab mo?" Wika sa akin ni sir Luiz kaya naglakad ako papalapit kay Bryle. Ngayon ay mas lalo kong naramdaman ang kasiyahan ko dahil nararamdaman kong pakana ito ni Bryle. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit di sya nagpakita sa aking ng buong araw. Dahil may pasurpresa pala sa akin ang lab lab ko. Di ko na tuloy maiwasang mapaiyak sa sobrang saya. "Happy birthday lab lab" wika ni Bryle sa akin. Di ako makapagsalita dahil sa sayang nararamdaman ko. Tanging mga ngiti at luha lang ang umaaksyon sa aking mukha. Kinuha ko ang cake at inilapag ito sa mesang nakatabi kay Bryle at agad kong niyakap ng mahigpit si Bryle. "Thank you lab lab. Di mo naman kailangang gawin to eh. Kasi isang bati mo palang masaya na ako. Pero heto, mas lalo mo akong pinasaya dahil naramdaman ko kung gaano ako ka special na tao" wika ko sa pinakamamahal kong si Bryle. "You deserved it lab lab. Sorry kasi di ako nagpakita sayo buong araw. Kanina pa nga ako nakakulong sa kwarto ni Kyle para lang sa surprise namin sayo. Pero worth it naman dahil napasakaya ka namin" sagot sa akin ni Bryle. "Lab lab! Thank you!" Sigaw ko. "Guys! Thank you sa inyong lahat". Sigaw ko sa mga kasama namin ngayon. "Blow your candle lab lab" sabi sa akin ni Bryle. Kumalas ako ng yakap sa kanya. Kinuha nya ang cake at iniharap nito sa akin. Pumikit ako at nagwish. Bago ko hinipan ang cake. "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday2x happy birthday to you!" Kumanta silang lahat. Grabe ang saya saya ko ! First time ko ang ganito kaingrandeng birthday. Nakikita ko palang sa pagkakaprepare nila ay as in sobrang nakakalula! "Ah, um, di pa natatapos to lab lab. Kasi, umm, may i have this dance with you?" Nahihiyang wika sa akin ni Bryle at saktong may tumugtog na bansa. Nanlaki nag mata ko ng sila Philip, Fanco, Christian, Blythe at Red ang nandun. Duet sina Red at Philip na ang gaganda ng mgs boses. Thinking out loud ang kanilang kinanta. Tinanguan ko si Bryle at inilagay nya ang mga kamay ko sa balikat nya at hinawakan naman nya ang aking magkabilang bewang. Hay! Yung puso ko! Sobrang nagdidiwang dahil sa paandar ng lab lab ko! Napaka special kong tao ngayon gabi! Para akong babae sa pinaggagagawa sa akin ni Bryle ngayon. Ayung indayog ng musika ang syang nagbibigay kasiyahan ng puso ko. At ang napakagwapong mukha naman ni Bryle ang nagbibigay liwanag ng mga mata ko. "Lab lab, good looking ka ngayon ah" wika sa akin ni Bryle kaya kinilig ako. "Um, ikaw talaga bolero! Sila kuya Kyle at Bench kasi" sagot ko sa kanya. "Mas lalo akong nainlove sayo lab lab kasi, nagmukha kang tao" sabi ni Bryle sa akin. Nainis tuloy ako sa sinabi nya kaya pinalo ko sya sa kanyang dibdib. "So ano tingin mo sa akin dati? Mukhang aso?!" Pagmamaldita ko sa kanya. "Joke lang naman lab lab. Alam mo namang ikaw lang ang pinakamagandang nilalang para sa akin. Kahit na anong isuot mo, maiinlove pa rin ako sayo dahil good looking ka na, mabait ka pa at ang pinakanagustuhan ko ay sobrang sarap mo" sagot sa akin ni Bryle kaya napalo ko na naman sya. Nagtawanan kaming dalawa dahil sa last na sinabi nya. "Grabe ka naman!" Sabi ko sa kanya. "Pero seeyoso, una palang tayo nagkamabutihan ng loob ay tinamaan na ako sayo. Lalo na nung nagtabi tayo sa van? Are still remember that? Dun palang, mqy something na sa puso ko na gusto kita. Di ko lang talaga maconfirm dahil ang akala ko ay sa babae lang din ako magkakagusto. Pero sa isang Timmy Boy Tamayo lang pala ako maiinlove at mababaliw ng ganito" sagot sa akin ni Bryle. Sobra akong kinilig kaya napadukdok ako sa kanyang leeg at nakagat ko pa ito. "Uugggghhhhh! Lab lab, mamaya mo na ako kagatin. Nililibog mo naman ako eh" pabirong wika ni Bryle kaya mas natawa ako. "Bryle naman, mamaya mo na sabihin yang mga yan! Di ka naman makapaghintay!" Sabi ko sa kanya. "Yun ang favorite kong magiging gift ko sayo" sabi ni Bryle sa akin. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nya sabay, "Ako rin" bulong ko sa kanya sabay hagikgik. Ilang sandali pa ay natapos na ang kanta. Bumitaw kaming dalawa ni Bryle sa isa't-isa. May dinukot si Bryle sa kanyang bulsa at shhhhhhhhhhiiiiiiiitttttttt! Lumuhod sya sa harapan ko!????? "Timmy, my lab lab. Today is your special day, your birthday. But i want to make it more special because i really love you so much. You are the one who makes my heart bits so fast. You are the one who makes me smile everyday. And you are the one who makes me crazy everytime seeing your smile and eyes. Timmy, sa halos 2 buwan nating magkasama, ay sobrang naattach na ako sayo. Ikaw na ang taong nakaukit sa aking puso. You're my happiness, you are my comfort zone. You're my pillow, you're my sleeping pills. So Timmy Boy Tamayo, can you be my boyfriend?" Wika sa akin ni Bryle kaya mas lalo akong napaiyak ng sobra. Di ko inaasahan itong pangyayaring ito! Akala ko birthday surprise lang pero bakit may paproposal?! s**t! Ganun na ba ako kamahal mahal para maiparamdam sa akin itong ganitong kasiyahan?! s**t si Bryle, tinatanong na nya akong maging girlfriend nya, and i think, sure na sure ako sa magiging sagot ko para sa kanya dahil he deserves it. Deserve nyang makatanggap ng OO. Mahal ko sya, mahal na mahal ko sya. Di ko na kayang itanggi ito sa sarili kong di ko pa kayang makipagrelasyon. Ibebreak ko lahat ng sinasabi ko dahil para lang kay Bryle, mahal ko sya kaya, "Bryle, ummm, dati ako akala ko walang makakatibag ng pagiging firm ko. Pero nandyan ka para tumibag nito. Una palang ay naramdaman ko na ang pagmamahal mo sa akin kaya, pi-" di ko naituloy magsalita nang biglang sumigaw si sir LUIZ. "TIMMY!" gulat na gulat na sigaw ni sir Luiz. "Kuya naman eh! Ayun na eh! Moment namin to! Eeksena ka pa!" Reklamo ni Bryle pero ako ay nakaramdam ng pangamba dahilcsa facial expression ni sir Luiz. "Timmy, si nanay Bebet!" Mangiyak ngiyak na wika ni sir Luiz na syang nagpabilis ng puso kong kinakabahan. "Wa-wa-wala na si nanay Be-be-bebet! She's dead!" Tuluyan nang napaiyak si sir Luiz. Nagulantang ang lahat sa sinabi ni sir Luiz. Shit! Para akong nabingi sa nalaman ko! Naninigas ang buong katawan ko. Ang mga luha ko'y rumagasa ng sobra. Naninikip ang dibdib ko! Nanginginig ang buong katawan ko. Ang mga tuhod ko'y nanghihina at bigla nalang akong napaupo habang tulala. Buti nalang nandyan si Bryle para alalayan ako. "Hi-hi-hindi to-to-too yan! Nay!!! Hindi pupwede to! Kausap ko lang sya kanina! Hindi pwede to! Nanaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!!!!!!!!"?????????????????????????????????????????????????????????????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD