“YOU THINK a f*****g gun is enough to threaten me? Me? The Sylvio Montecalvo, Lorenzo? Baka nakakalimutan mo kung anong ginawa ko sa organisasyon ninyo at kung paano ko kayo napaglaruan.” Hindi mawala ang ngisi ni Yvo but you still can see how deranged he is right now. Halatang hindi natatakot si Yvo kahit na nakatutok sa kanya ang baril ni Ezra. Hindi pa nga ako nakaka-get over na nakapasok din ang kanyang mga tauhan dito ay ganito na agad ang mga nangyayari. Umigting ang panga ni Lorenzo, pero hangga’t maaari ay hindi niya iyon pinakita kay Yvo. “Umalis ka na rito, Yvo, bago ko makalimutan na ikaw ang ama ni Savio,” sabi ni Lorenzo, hindi pinansin ang sinabi ni Yvo kanina. “Aalis lang ako kapag kasama ko na ang mag-ina ko, otherwise you can’t make me leave.” Naglakad si Yvo papalapit

