KASAL?! I am too stunned to talk, na narinig ko na lang si Mayor na nagsisimula na sa seremonyas niya. Yvo is smiling devilishly. Ang naandito lamang ay ako, si Yvo, si Silver, si Mattheus, and apat na guards ni Yvo, at si Angeline na halatang wala ring ideya sa nangyayari. “Yvo…” Kinuhit ko siya at nakuha ko naman ang atensyon niya. “Anong ginagawa mo?” “What? I am marrying you,” sabi niya without a care in the world. “Why?” I mean, gusto kong magpakasal sa kanya, syempre! Pero bakit biglaan. Hindi man lang niya sinabi sa akin?! Tapos hindi rin namin nasabi sa mga pamilya namin. “What why?” Kinunutan ako ng noo ni Yvo. “Bakit biglaan, Yvo? Hindi mo man lang sinabi sa akin—” “After what happened last night, sa tingin mo ay magdadalawang isip pa ako na pakasalan ka ngayon? You don’t

