BINABANTAYAN ko ang aking anak. Nasa cottage ako na para sa amin habang si Savio ay naglalaro sa may tabing-dagat. Kasama niya sina Raffaele at Teo kaya hindi ako nangangamba. Ganoon man, hindi ko maiwasang bantayin pa rin ang anak ko. Ilang sandali nang iwanan ko si Yvo ay sumunod din naman siya. Masama siya kung makatingin pero nginingisian ko lang ito. “Nagugutom ka ba?” tanong ko sa kanya. “Kung sasabihin kong nagugutom ako at ikaw ang gusto kong kainin, pagbibigyan mo ba ako?” Hindi ko napigilan ang matawa. Tinawanan ko ang sinabi ni Yvo at umiling. Pervert. “Hindi ako pagkain, Yvo.” Hindi siya nagsalita pero sapat na sa akin ang titig niya at ang pamamaraan niya ng paglalaro ng labi niya Inirapan ko si Yvo at tumayo sa kinauupuan ko. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Savio. “Ma

