NAKARATING ako sa bahay ko. Malayo ang neighborhood pero hindi naman nakakatakot. Safe rin ang subdivision kung saan ako nakatira ngayon. Papalakad pa lamang ako sa pinto ng bahay nang bumukas ito at salubungin ako ni Angeline. “Oh, thank goodness! Akala ko ay hindi ka na naman uuwi.” Ngumiti ako sa kanya lalo na nang lumapit sa akin ang kaibigan para yakapin ako. “Pasensya na. Medyo maraming trabaho, pero this time baka rito muna ako. I will take a day-off. Kailangan ko rin.” Huminga ako nang malalim at naalala ko na naman si Yvo kanina. I can’t seem to forget how he looked at my direction na akala mo ay alam niyang ako ang nasa likod ng pagbaril kahit hindi niya nakikita ang mukha ko. I am having goosebumps by just that. Imposible naman na hanggang ngayon, interesado pa rin siya s

