"Look Heather!" Sigaw ni Liam. Kakapasok lang namin ng amusement park pero agad nang gumuhit ang excitement sa kanyang mukha. Para syang bata na ngayon lang nakapunta sa ganitong lugar. Iiling-iling na tumatawa ko syang tinignan saka nagpatiunang maglakad. Panay ang paglinga ko sa paligid. God! I miss this place! The voices of those people na nasa rides, ang mga tawanan, ang mga tanawin - lahat. Lahat ay namiss ko at pakiramdam ko ay binabalikan kong mag-isa ngayon. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. We used to be closer but I guess it's not always the same for those people who fought their fear on confessing. "Let's ride that!" Saad ni Liam nang makahabol. Itinago ko ang lungkot na naramdaman sa pekeng ngiti nang lingunin sya. Agad na sinundan ko ang kanyang kamay kun

