"Heather?" Agad na lumingon ako sa aking likuran nang marinig ang pagtawag na iyon. I called Liz to pick me up sa mall pero hanggang ngayon ay wala pa rin sya.
Hindi ko nga alam kung pupunta pa sya dahil mukhang medyo busy sya. Nagtatakang tinignan ng taong nasa aking harapan ang luggage naroon sa aking gilid.
"What are you doing here? Are you okay?" He asked. Gumuhit ang pag-aalala sa kanyang mukha nang marealize na mga gamit ko ang nakalagay sa suitcase.
"I got kicked out." I fake a smile na tila ba ayos lang sa akin ang bagay na iyon. Muli kong inilabas ang aking cellphone para maiwasan ang awkward na sitwasyon.
Nabuhayan ako ng pag-asa nang makitang nagtext na si Liz pero agad din iyon nawala nang mabasa ang message nya.
From: Liz
I’m sorry, Heather. I can’t make it today. I promise to help you tomorrow.”
- end of text –
Nakapikit na isinilid kong muli ang cellphone ko. Understand, Heather. Understand. Alam mong nahihirapan din si Liz na tulungan ka.
"What happened?" He asked. Agad na inalalayan nya ako papasok sa isang coffee shop na nasa malapit.
Nang matapos mag-order ay muli nyang itinuon sa akin ang atensyon. I took a deep breath and smile.
"I backed out." I said trying to control myself from crying.
"Heather you know..." They all know. They all freaking know! My Dad announced it without even telling me so everybody from our company and outside the company will know about that freaking arrange marriage.
"I know we needed that but I just..." I took a sip and sign. I didn’t know if this is the right time to confess. "I'm in love with someone else." I continued. Hindi makapaniwalang tinignan nya ako at saka inubos ang laman ng iniinom nya.
“You’re crazy.”
“I guess I am.” Pilit ang ngiting sagot ko at saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng coffee shop.
For the first time in my life, I felt envious. They all told me I am lucky to be rich, little did they know, I always wish to be someone who can decide for myself without my parents kicking me out. I wish to be someone who has freedom to love the man I choose.
“Do you have a place?” He asked after a moment of silence.
I shook my head, “They took all my cards, my money and even my car keys.” My tears began to fall. Once again, I can feel my heart aching. “Dad told me he’ll sign an affidavit of voluntary relinquishment to remove me from our family.”
“What?!” He exclained, “He’s not serious, right?” Hindi makapaniwalang tanong nya. Inihilamos nya ang kamay sa kanyang mukha nang malungkot akong ngumiti saka inilingan sya.
“He is Marco. He’s really determined to go there if I don’t change my mind within a month.”
“The go back. Ask for their forgiveness. Sabihin mo nabigla ka lang. Sabihin mo hindi mo talaga gusto…. “ Agad syang natigil sa pagsasalita nang hawakan ko ang kamay nya.
Nag-aalalang tinignan nya ako at saka nagbunga ng malalim na hininga.
“Marco.” I smiled. “I’m in love with someone else.” I said confidently.
Wala syang ibang nagawa kundi manahimik. Agad kong binawi ang aking kamay saka muling uminom.
“You do have a place right?” I shook my head. "Come. Let's go. I'll talk to Mom na sa bahay ka muna tutuloy." Marco is my childhood friend. His parents knew me since we were elementary. Hindi na rin bago sa kanila na nakikitulog ako roon sa bahay nila. We have this so called sleep-over and everything kasi three times a month.
"Thank you." Saad ko. Nakangiting tinanguan nya ako at saka kinuha ang suitcase ko.
Nakayuko lang ako habang naglalakad pasunod sa kanya kung saan nya ipinarada ang kotse nya. Nang makarating kami sa bahay nila ay iginaya nya ako papasok.
"Oh hija, it's good to see you, how are you?" Nakangiting sinalubong nya kaming dalawa. Nang mapansin ang namamaga kong mata ay agad na inalalayan ako ni Tita Emily paupo sa sofa.
"Are you okay?" She asked. Agad na tumango ako at nang dumapo ang mata nya sa suitcase na nasa gilid ni Marco ay nagtatakang nagpapalit-palit ang tingin nya sa aming dalawa.
"She was kicked out Mom. Pwede po bang dito muna sya tumuloy sa bahay?" Si Marco ang nagsalita. Hindi ko alam kung paanong titingin ng diretso kay Tita dahil sobra ang hiyang nararamdaman ko ngayon.
"Of course. Of course." Sagot nya at saka hinimas ang aking balikat. Nang mag-angat ako ng tingin ay agad syang ngumiti sa akin. "I'll get the spare room ready."
"Thank you, Tita." Saad ko. Nakangiting tinanguan ko si Marcus nang magpaalam ito na aakyat muna sa kwarto nya at magbibis. Agad din naman akong sumunod kay Tita.
"Do you mind if I ask why?" Tanong nya nang mabuksan ang kwarto kung saan ako tutuloy.
"Hindi po ako pumayag na pakasalan yung anak ng kumpare ni Daddy." Napayuko ako matapos sumagot.
"And why is that?" Tanong nya at saka naupo sa tabi ko.
"I-i'm in love with someone else po Tita."
“Mind if I ask who?” Pang-uusisa nya. “I mean you risk everything for him meaning you really love him that much.” She continued. Hindi ko alam kung paanong sasabihin sa kanya na iyong nag-iisang anak nya ang tinutukoy ko.
“Are you in a relationship with this guy?” I shook my head. Nandoon nanaman ang gulat sa mukha ni Tita nang makita ang sagot ko sa kanya.
“Does he even know your feelings?” Tulad kanina ay muli akong umiling.
“Heather.”
“I know Tita. It was a stupid decision but I am planning to tell him naman.” I said, assuring her.
Nang matapos ang naging usapan ay nagpaalam na rin si Tita para makapagpahinga ako.
SAMPONG araw na rin yata akong tumutuloy sa kanila at hindi naman ipinararamdam sa akin ni Tito at Tita na gusto na nila akong paalisin.
“You still have no plans on going back?” He asked. Agad na napalingon ako sa kanya
“Are you getting tired of seeing me?” I asked and laugh. Nasa garden kami nila Marco at napiling doon tumambay dahil pareho kaming wala sa mood gumala.
“I didn’t mean to….”
I chuckled, “Don’t worry, I know.” I took a sip at my juice. “I’ve been a burden for ten days. I’m planning on moving out naman. I just need time to find a job.”
“Heather.”
“I am fine okay? You don’t have to worry.” Saad ko at saka sya ngitian.
“Who is this guy ba na handa kang ipagpalit ang buhay na mayroon ka para sa kanya?” Halata ang inis na tanong nya.
Matagal akong napatitig sa kanya trying to figure out if this is the right time to tell him what I feel.
“Heather, I’m asking you.”
“You.” It’s now or never.
“What?!” Gulat na tanong nya. Malakas pa nitong inilapag ang baso sa lamesa na nasa pagitan naming dalawa.
I can’t take back what I said and pretend to know nothing about my feelings so I took a risk and continue.
“I’m in love with you Marco.”