"I'm going to be busy mamaya." Saad ni Liam matapos kumuha ng cake na inorder ko. Naroon pa rin sya sa kalapit na upuan at mukhang sira na naglulungkot-lungkutan matapos ang sinabi. "And?" Nagtatakang nilingon ko sya saka bahagyang inilayo ang plate ko sa kanya. "Baka lang ma-miss mo ako at maisip na tawagan." He said full of confidence. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. Siguro kailangan kong dumistansya muna sa lalaking 'to. Sa sobrang confident nya sa sarili, baka bigla na lang akong mabaliw. "Dream on, Liam." Tugon ko. Rinig ko ang malakas nyang pagtawa na pakiramdam ko ay magiging isa sa kaiinisan ko. Natural na tawa naman nya iyon pero pakiramdam ko nang-aasar sya. "Anong gagawin mo?" Tanong ko saka uminom. Pinagsisihan kong itinanong ko pa ang bagay na iyon dahil nang mag-an

