Nanatiling akong nakatayo sa harap ni Liam. Hindi ko alam kung susundan ko nga ba si Marco o ano. Magiging bastos ako sa harap ng kasama ko kapag bigla akong umalis pero ayoko rin naman na mag-isip ng iba si Marco. Madiin kong hinawakan ang laylayan ng aking damit, "Marco!" Pagtawag ko pero hindi man lang ako nito nilingon. Isang beses pa akong muling sumubok pero tulad kanina ay nanatili syang nakatingin sa dinaraanan. Aligagang nagpabalik-balik ang paningin ko kay Liam at Marco. "Go." Ani Liam. Nakangiting sinenyasan nya ako na umalis at sundan si Marco pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang masundan ko ng tingin ang lalaking pinag-aalala ko palabas ng restaurant. Pinagsisisihan ko ang pananatili ng aking atensyon sa kanya dahil nang buksan nya ang pinto ay agad na lumabas

