"Happy birthday sandy!"
Napangiti ako nang bumungad sa'kin ang masayahing si patty nang buksan ko ang pinto ng condo ko.
"Thank you patty." Sabi ko bago ko siya hinila at niyaka
"You're welcome."
Dumiretso na kaming dalawa sa kusina para ibaba lahat ng dala niya. Siya na rin ang magluluto para mamaya. Taon taon tuwing birthday ko, ganito ang ginagawa namin. Si patty ang magluluto habang ako naman ang maghihintay sa mga darating kong bisita, which is sila kuya patrick lang naman at mga pinsan niyang napalapit na rin sa'kin.
"Anong oras daw sila pupunta dito, patty?" Tukoy ko kay kuya patrick at sa mga pinsan nila.
"Around 6 pm." Ibinaba na muna niya sa mesa lahat ng dala niya bago ako hinarap. "By the way, sandy. Pinapasabi pala nila mommy at daddy na bukas na daw sila makakapunta dito. May bussiness meeting pa raw kasi sila sa baguio." Nakangusong sabi niya.
Natawa na lang ako. Knowing patty. She always want her parents to attend my mini birthday party. Gusto niya kasing maramdaman ko raw na may pamilya ako.
"Ayos lang patty." Nakangiting sabi ko.
Umismid siya. "Bussiness! Parati na lang bussiness! Nakakainis na talaga sila, sandy!" Pagmamaktol niya.
"Angkan kayo ng laxamana, patty. Natural lang na busy ang parents mo." Laxamana is one of the most powerful family in the bussiness world. Buong mundo kilala ang pamilya nila.
"Yeah. Watever!" Umirap na lang siya.
"Don't tell me, magluluto kana?" kunot noong tanong ko nang ipaglabas na nito mula sa plastic ang mga binili niya.
"Yeah," Simpleng sagot niya.
"Pero maaga pa,"
"Marami akong lulutuin ngayon, sandy. Mas Lumalakas na kasing kumain yung anim, eh." Natatawang sabi niya.
Napailing na lang ako. Mas excited pa siya kesa sa'kin.
Sila mama at daddy kaya naalalang birthday ko ngayon? Miss na Miss ko na sila.
"Iniisip mo na naman ba sila, sandy?" Biglang tanong ni patty na tila basang basa nito ang iniisip ko "You know what sandy? 'yang parents mo ang pinakamalalang magulang na nakilala ko!" Inis na sabi niya.
Napabuntong hininga muna ako. "Hindi naman gano'n kalala, patty. Kung hindi dahil sa kanila siguro wala ako dito ngayon."
Natawa ito. 'Yung tawang ayaw na ayaw kong marinig mula sa kanya. Mukha kasi siyang mahina kapag naririnig ko 'yon at pakiramdam ko lahat ng problema ko pinapasan niya.
"Hindi gano'n kalala? Ha-Ha patawa ka, sandy!" Napayuko na lang ako. Nice! Nasira ko ang mood niya. It's my birthday! Pero ako pa mismo ang sumira sa mood ng bestfriend ko. "Matino ba 'yong ipamigay at pabayaan ka ng nanay mo?! Matino ba 'yong sinusustentuhan ka nga ng daddy mo kahihiyan at basura naman ang tingin sa'yo! Pucha! May mas lalala pa ba d'on para sa iyo, Sandy?!" Tama lahat ng sinabi niya. Bawat salitang lumalabas sa bibig niya, Doble doble ang impact no'n sa'kin.
"Magulang ko pa rin sila, patty.," halos pabulong ko sabi.
"Alam ko naman eh," Bumuntong hininga siya. "Naiinis lang naman ako kasi hindi ka nila pinapahalagahan."
Tiningnan ko sya. Nakatalikod na ito sa'kin ngayon at pinagpapatuloy ang ginagawa niya kanina.
"Kapag talaga ako napuno na sa kanila. Aampunin na talaga kita 'tsaka ko sila isa isang pababagsakin!" Inis na sabi niya pa.
"Ang O.A mo patty," Pagbibiro ko. Trying to lighten up the mood.
"I'm serious, sandy." Napakagat labi na lang ako. Mukha ngang nasira ko talaga ang mood niya.
"Sorry, patty." Sa aming dalawa ako ang parating nagso-sorry. Ako naman kasi parati ang dahilan kung bakit kami nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Minsan.
Hindi siya sumagot kaya napagpasyahan ko na munang lumabas ng kusina at iwan siya. I know her. Maya maya lang ay babalik na ulit ang mood nito at alam kong hindi ako matitiis ni patty.
Kring! Kring!
Agad akong lumapit sa telepono ng tumunog 'yon. Sino kaya itong tumatawag sa landline ko?
'Sandy reyes speaking!' Bungad ko sa kabilang linya.
'Happy birthday, baby!' Napatalon ako sa tuwa. Sinabi ko na nga ba't di ako makakalimutan nito.
'Kuya!' Yes! My kuya. Panganay na anak ni daddy sa asawa nito.
'How's the birthday girl doing?' He sweetly asked.
Lumawak ang pagkakangiti ko. 'I'm with patty right now, kuya. Then, pupunta ulit dito sila kuya patrick mamaya."
'You still with them?' Biglang sumeryoso ang tono ng boses nito.
'kuya....' Napakagat ako ng labi.
'I told you to stay away from them!' Sabi niya.
'I can't. Para ko na silang pamilya kuya.' Ayoko siyang suwayin pero 'di ko rin naman kayang gawin ang gusto niya. Napamahal na sa'kin sila patty.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. 'Yes, I know but baby....Wag mong kakalimutan na galit ang mga laxamana sa pamilya natin.' Mahinahon na niyang sabi.
Hindi ako nakapagsalita. Oo, alam kong malaki ang galit nila sa pamilya ko pero kahit kailan hindi nila ako dinamay sa galit na 'yon. Kahit alam nila ang totoong pagkatao ko, nanatili pa rin silang mabuti sa'kin. Lalo na si patty, hindi niya 'ko iniwan sa kabila ng lahat.
'Listen baby, I'm sorry for ruining our mood. I'm just worried about you. Wala ako riyan para protektahan ka.'
'I know kuya.' Alam ko namang nag-aalala lang siya sa'kin kaya siya ganito pero malaki na 'ko at kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko.
Nagpapa-salamat na lang ako at hindi ako pinababayaan ni kuya. Siya lang at ang dalawa niyang kambal na kapatid ang tumanggap sa'kin. Hindi sila nagalit sa'kin bagkus ay naging mabuti pa sila sa'kin. Tinanggap nila ako kahit anak ako sa labas.
'Kailan pala ang uwi mo, kuya?' Pag-iiba ko sa usapan.
'I don't know. Wala pa kasing maghahandle ng hotel dito sa california.
'I hope makauwi ka next week kuya before your birthday.'
'I will try baby...' Napangiti ako.
"Sandy, 'yong doorbell. Tumutunog!!" Sigaw ni patty mula sa kusina.
Napangiwi ako. Sa lakas ba naman ng boses ng babaeng 'yon, I'm sure maririnig hanggang sa labas.
'Hmmm kuya?' Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumunog ulit ang doorbell but this time mas malakas na kesa kanina.
"SANDYYYY!!!!" Sigaw ulit ni patty.
"Oo na! Oo na!" Naiinis na sigaw ko. Birthday na birthday ko inaapura ako ng mga tao. Kainis.
'Hmmm kuya, Ibababa ko na muna 'tong telepono. I just call you back later."
Narinig ko ang tawa nito sa kabilang linya. 'Alright. Bye baby, I love you.'
'I love you too kuya. Bye!'
Agad na 'kong lumapit sa pinto pagkababa ko ng telepono. Baka mamaya lumabas na ng kusina si patty at paluin ako ng sandok. Knowing that crazy and spoiled brat girl. Masyadong mainitin ang ulo.
"Sandali!" Kumunot ang noo ko sa inis ng tumunog ulit ang doorbell. Seriously, 'di ba nito alam ang patient.
"Sandy buksan mo na kasi ang pinto!" Sigaw ulit ni patty.
Ngumuso ako. "Oo na po!"
I pressed the OPEN button para bumukas ng kusa ang pinto. Isa sa nagustuhan ko sa condo ko ay 'yong hindi ko na kakailanganin pa ng susi. Code lang ang kailangan makakapasok na 'ko.
"Ano pong kailangan nila---" Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang tao sa harap ng kakabukas kong pinto.
"Hi," Napanganga ako ng ngumiti ito sa'kin.
"Gabriel?" Gulat pero nagtataka kong bulalas.
Wait! Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Ayos lang kaya ang suot ko? Sh*t! Nakapajama pa pala ako ngayon. Hindi ako prepared. Nakakahiya!
"Patricia invited me here," Nagkamot siya ng batok at nag-iwas ng tingin sa'kin. Oo nga pala!
Nakagat ko ang labi ko. Bakit ang pogi niya kapag nagkakamot ng batok? Pakiramdam ko biglang nag init ang magkabilaan kong pisngi.
"Ah can I come in?" Bumalik ang tingin ko sa kanya.
Napalunok ako ng ngumiti ulit siya sa'kin. Ang pogi kasi kainis. Sh*t! What am I thinking?! You're crazy sandy!
"S-Sure.." nauutal kong sabi.
Pakiramdam ko namamawis ako dahil sa presensya niya. Argh! Nakakainis.
Napabuntong hininga ako ng makapasok na ito ng condo ko. Naamoy ko pa ang pabango niya nang dumaan siya sa harapan ko.
"Sandy," Napatingin ulit ako sa kanya.
Hindi ko man lang napansin na huminto pala ito ilang kilometro ang layo mula sa akin.
"Huh?" Hindi ko na rin napansin na hindi pa pala ako gumagalaw sa pwesto ko kanina.
Inaasahan kong may sasabihin ito sa'kin pero iba pa rin pala ang dating n'on kapag mismong lumabas na sa bibig niya. Ngayon lang ako nakuntento sa birthday ko, 'yon ay dahil sa sumunod niyang sinabi.
"Happy birthday sandy...."