KABANATA 01

1123 Words
Naiinis na kinuha ko nalang ang sketch pad ko sa kamay ni patty. Masyado kasing demanding 'tong bestfriend ko. Ginuguhit ko lang naman kung anung nakikita ko, eh. Kasalanan ko ba kung talagang medyo chubby siya? "Kainis ka naman sandy, eh. Alam mo namang sa drawing mo na lang ako pwedeng pumayat 'di mo pa ako mapagbigyan." Pagmamaktol nito. Ngek? 'di naman siya mataba, eh. Sakto lang naman. Napairap ako "Kapag ginawa ko 'yang gusto mo, edi hindi na ikaw 'yun. Tanggapin mo nalang kasi na ganyan ka. 'Tsaka 'di ka naman gano'n kataba 'no? Sakto lang." "Tanggap ko naman na ganito ako, eh. Ang akin lang sana man lang iguhit mo 'yong maganda sa paningin ng tao." Nakabusangot na reklamo niya.. Napailing na ang ako "Osiya, sige. Uulitin ko na lang pero ilalagay ko pa rin ito sa secret art gallery natin,"  Napangiti ako nang maalala ko ang secret place namin ni patty. Hindi niya gusto ang drawings pero nang may makita kaming magandang lugar sa likod ng school ay siya na mismo ang nagsabi na 'yun ang magiging art gallery ko. Nagustuhan niya kasi ang mga drawing ko at naniniwala siyang may future ako. "Tsk. Kapag may nakaalam ng lugar na 'yon, humanda ka talaga sa'kin. Baka 'di mo lang alam? Na alam kong nando'n ka parati Sandy." Nakataas ang dalawang kilay na sabi nito. "Hayaan mo na ako, Patty. Alam mo namang doon lang ako nagiging masaya. Pakiramdam ko malaya ako kapag nando'n ako."  "Basta mag-ingat ka na lang sandy kasi kapag nalaman 'to ng daddy mo tiyak na patatalsikin ka no'n 'di lang sa buhay niya, pati na rin dito school." Napasinghap ako sa sinabi nya. As much as possible ay iniiwasan kong maalala ang tungkol sa pagiging malupit ni daddy sakin pero ito sya ngayun, Pinipilit pa rin sakin ang tungkol sa daddy ko. "Don't be like that sandy. Sinasabi ko lang 'to sayo para maging aware ka kung anu ang tingin sayo ng daddy mo. Tama na 'yung harap harapang pantatapak nila sayo." Napabuntong hininga ako. Hindi kami malapit ng daddy ko. Sa totoo lang ay hindi nya naman talaga ako tinuturing na anak. Pinag aaral at sinusustentuhan nya lang ako dahil sa batas. Oo ganun kawalang puso ang daddy ko. Palibhasa kasi'y anak nya lang ako sa labas at ang malala pa dun sa isang p********e pa. Ang mama ko naman ay parang kabute. Susulpot sya kapag may kailangan tapos mawawala ulit kapag wala ng kailangan. Ganun ako kawalang halaga sa mga magulang ko. Bata palang ako natutuhan ko nang maging responsable. Kailangan ko ring maging independent kung gusto kong mabuhay. Naging mahirap ang existence ko dito sa mundo. Para akong batang ulila, walang ina walang ama. Walang wala ako. Wala akong kwenta para sa mga magulang ko. Isa lang akong kahihiyan para sa papa ko at sa pamilya nya. Wala itong pakialam sakin at sa existence ko. "Wag mo nang isipin lahat ng problema mo sandy," Naputol ang pag iisip ko nang magsalita ulit si patty. Tumango ako. Hindi ko nga talaga dapat iniisip 'yun. "Anung oras na ba?" Tanong ko. "Lunch time na. Kanina pa nga tayo pinapalabas dito sa library, eh." Natawa ako "Kaya pala nakabusangot na si ma'am," Napahagikhik naman sya "Oo nga, eh. Kakatakot."  Nag asaran pa kami ni patty sa loob library bago lumabas lalo tuloy nag usok sa galit si ma'am. "Bakit kaya walang mga proffesor ngayun noh?" Tanong ko sakanya habang tinatahak namin ang daan patungo sa canteen. "I don't know nga rin, eh. Tanungin nalang natin mamaya si kuya," Sagot nito. Napa-ahhhh nalang ako. Kilala ko ang kuya ni patty pati mga cousin's at friends nito pati nga rin ang parents nya ay nakilala ko na rin. Mababait kasi ang pamilya nila at hindi mapanghusga. "Nag-aaway na naman yung dalawang laxamana," "Saan?" "Sa canteen," Nagkatinginan kami ni patty nang marinig namin ang usapan ng ibang studyante. Mukhang g**o na naman 'to. "Ano na naman ba 'to? Ano na naman bang pinag-aawayan ninyong dalawa?" Inis na bulyaw agad ni patty sa dalawang laxamana. Hingal na hingal ako ng marating na namin ang canteen. Kahit kailan talaga di ako pwede sa takbuhan. Napahawak nalang ako sa dibdib ko habang naghahabol ng hininga. Buti pa 'tong patty na 'to parang di man lang napagod kung manermon sa dalawa. "Kuya?! Ano na naman bang ginawa ni ark sa'yo?" Inis na bulyaw pa ni patty sa nakakatandang kapatid. "Sumusobra na kasi 'yang lalaking 'yan, eh. Habang tumatagal lalong tumitigas ang ulo!" Galit na sagot naman ni kuya Patrick. "Bat mo naman sya sinuntok kuya?"  "Bat ba nagagalit ka? Ako ang kuya mo, Ako dapat ang kinakampihan mo!" "Hindi ako galit." Pagmamaktol ni patty "Wala rin akong kinakampihan kuya. Naiinis lang ako kasi parati nalang kayong nag-aaway." Nilapitan ko si patty at hinawakan sa braso para awatin. Baka umiyak na naman 'to. "Tama na patty," Awat ko dito. "Hindi sandy! Hindi ako hihinto sa kakabunganga dito hanggat di nagbabati ang dalawang 'to," Pagmamaktol pa niya. Napailing ako. Nagpapakaisip bata na naman sya. Hay...Ang g**o talaga mag isip ng mga laxamana. "Tsk," Napatingin ako kay ark ng tumalikod na ito. Bakit ba napakatigas ng taong 'yun? Hindi nya ba alam na napaka swerte nya at may pamilya syang handang umalalay sakanya. Hindi nya ba alam na sobrang swerte nya kela patty. Buti pa nga sya may pamilyang katulad nila patty hindi katulad ko, Walang wala. "Tingnan mo na! Kahit kailan talaga, walang modo ang lalaking 'yun." Nanggigil na sabi ni kuya patrick habang nakatingin sa likod ng papalayong ark. "Kuya naman! Alam mo namang mahirap ang pinagdaanan nya diba? Intindihin nalang natin," Kalmado nang sabi ni patty. Napabuntong hininga ako saka tiningnan si kuya patrick na halata pa rin ang galit sa mukha. "Magbabago din 'yon, kuya. Hindi nga lang sa ngayon." Nakangiting sabi ko. Napatingin naman ito sa'kin "Sana nga sandy..."  "Haist! Nakakagutom kayong dalawa, ha!" Natawa kami sa biglaang pagsasalita ni patty. Kahit naii-stress na siya, pagkain pa rin ang nasa isip niya. "Ok! Tara let's eat. My treat!"  Nagulat ako ng bigla kaming akbayan ni kuya patrick at hinila sa isang table na malapit lang sa cashier. Napatingin naman ako sa paligid. Unti unti nang nagsialisan ang mga taong naki-osyoso kanina, Ang iba naman ay sinusundan pa rin kami ng tingin. Tsk. Mga Laxamana ba naman ang kasama ko. Paniguradong andami nang namamatay sa inggit ngayun. "Ayos lang kaya si Gabriel?" Tanong ko kay patty. Gabriel ang tawag ko kay ark kapag walang ibang tao maliban sa friend's ng kuya nya at sa mga cousin nila. Mas bagay kasi sakanya ang pangalan na 'yun. Pang- anghel. "Think so," kibit balikat na sabi nito. Napabuga naman ako nang hangin sa sinagot nya. Hindi rin pala sya sigurado. Napatingin ako sa pintuang nilabasan nya. Kamusta na kaya ang labi nya? Ginagamot na nya kaya 'yun ngayun? Nagsisi tuloy ako kung bakit diko sya sinundan. Bumalik ang tingin ko kay patty ng sikuhan ako nito. Ngumiti sya saka hinawakan ang di mapakali kong kamay. "He'll be alright. Don't worry," Pag-aasured niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD