Napabuntong-hininga si Sharina at luminga sa pinanggalingan bago tuluyang pumasok sa eroplanong magdadala sa kanya palayo sa lugar na nagbigay ng pasakit sa kanya. She decided to go to Australia. With that bleeding heart and ego, she took the courage to face that foreign land by herself and start a new life out there.
"I can do this! Whatever happens, I will not go back here without anything that I can be proud of.", Sharina firmly whispered to herself.
Nang mahanap niya ang kanyang seat number ay dali-dali siyang umupo at umusal ng taimtim na panalangin. Ilang saglit pa ay nag-umpisa ng mag-take off ang eroplano.
"Paalam Pilipinas.", mahinang usal ni Sharina sa sarili ng maramdamang umangat na sila sa lupa. Inayos ang pagkakaupo at ipinikit ang mga mata habang inaalala ang mga nagdaang pangyayari sa kanyang buhay.
FLASHBACK....
"Hello?", tinatamad na wika ni Sharina ng sagutin niya ang kanyang telepono na kanina pa nag-iingay.
"Babz, asan ka?", halos pasigaw na bungad ni Chrystin, isa sa kanyang matatalik na kaibigan.
"Andito sa apartment. Bakit?", nagugulumihang sagot ni Sharina. Bigla-bigla ay parang may tumubong kaba sa kanyang dibdib sa nauulinigang tono ng kausap.
"Wala pa bang tumatawag sayo?", nag-aalangang tanong ni Chrystin.
"Since I woke up this morning, ikaw pa lang naman ang nakakaalalang tumawag sa akin babz. Why? May problema ka bang bruha ka??", natatawa niyang saad ngunit mas lalo lang nangunot ang kanyang noo.
"Babz...kasi...a-ano eh...", pautal-utal na sabi ni Chrystin.
Hindi naman nagsasalita si Sharina, naghihintay sa mga sasabihin pa ng kausap.
"A-andito ako sa hospital...."
"What?!", eksaheradang bulalas ni Sharina. "What happen? Bakit ka andyan? Naaksidente ka ba???"
"No..no...dont panic! Ano ka ba!", pagalit namang sagot ni Chrystin. "May binisita lang akong naka-confine dito. Paalis na sana ako ng may biglang dumating na ambulance...and..."
Sharina heaved a sigh.
"I saw your parents inside..."
"Ano?? What are you saying babz? Nasa Baguio sila Mom at Dad!"
"You'd better come here babz.", mahinang usal ni Chrystin sa kaibigan. "I'll wait fot you here, ok?"
Wala sa sariling napatango naman si Sharina bilang sagot kahit na hindi naman siya nakikita ng kausap. Tila siya nauupos na kandila at nanghihinang napaupo sa karatig-upuan. She's just staring blankly on the wall of her apartment. Hindi na rin niya mabilang kung ilang bese siyang humugot ng malalalim na paghinga upang pakalmahin ang sarili at makapag-isip ng maayos.
When she felt that she can face what ever situation awaits in the hospital, she quickly stand, grab her keys, and stormed out of her room.
Saktong pagbukas niya ng pintuan ng apartment niya ng bumungad naman sa kanya si Iza na isa rin sa kanyang matatalik na kaibigan. Nakaangat pa ang nakakuyom na palad nito at akmang kakatok.
"Bhe! Tinawagan ako ni Chrystin. A-are you okay??", nag-aalalang saad nito at pinakatitigan pa siya sa kanyang mga mata.
Tumango lang si Sharina at lumabas na ng bahay at isinarado ang pinto.
"Kaya mo bang mag-drive?"
"Y-yeah...", sagot naman ni Sharina at agad ng sumakay ng sasakyan.
Dali-dali namang sumunod si Iza na nagkibit-balikat na lang. Kapagkuwa'y tinungo na ng dalawa ang daan papuntang hospital. Ipinagdarasal ni Sharinang matiwasay silang makarating sa paroroonan sa kabila ng panginginig na hindi niya mawari kung bakit niya nararamdaman ng nga oras na iyon.
.....
"Thank God you're here!", salubong ni Chrystin sa dalawa ng makitang halos patakbo pang pumapasok ng lobby ng hospital.
"What happened?? Where's mom and dad??", agad na tanong ni Sharina.
"Halika muna sa may O.R.", yaya ni Chrystin sa dalaga sabay hila dito. Nakasunod lang din naman sa kanila si Iza.
Nang makarating ng Operating Room ay sakto namang palabas ang isang doktor.
"Where's the family of the patient?", rinig nilang tanong nito sa dalawang bultong nakatayo din malapit pinto.
"Kami po Doc, kamusta ang kuya Frank? At ang kanyang asawa?", sabi ng lalaking nakaharap sa doktor. Sa tabi nito ay isang hindi katangkarang babae na nakakapit sa braso ng lalaki.
Nang makilala ni Sharina ang mga ito ay agad-agad siyang lumapit.
"T-tito Manuel...."
Mabilis na lumingon ang lalaki sa kanya.
"S-sharina?", saad nito na halata ang pagkagulat. "You're here!?"
Alam ni Sharina na hindi sila magkasundo ng tiyuhin niya perk hindi niya inaasahang hindi siya nito tatawagan para ipaalam ang nangyari sa mga magulang niya.
"Of course, tito..", halata sa mukha ng dalaga ang pagkadisgusto. "Si mommy? Anong nangyari sa kanila ni dad?"
Tumikhim naman ang doktor para kunin ang kanilang pansin.
"So you are the daughter?", anang doktor.
Napatango naman doon si Sharina. "Y-yes po doc."
"I'm sorry iha, we did our best to save them but they did not make it. Both your parents suffered a lot of injuries from the collision. Your mom is dead on arrival. While your dad has a small chances of survival but nag-cardiac arrest ng ilang ulit ang daddy mo bago bumigay ng tuluyan."
Parang bombang sumabog iyon sa pandinig ni Sharina. Her jaws dropped while her misty eyes were blood shot.
"Noooo...", anas ni Sharina.
Yumuko ang doktor saka umiling bago muling sumulyap sa dalaga. "I am sorry Miss Martinez...", sabi pa nito bago bumaling kay Manuel at tinapik ito sa balikat at umalis.
"This can't be!", muling mahinang saad ni Sharina at bumaling sa mga kaibigan. Listo namang yumakap sina Chrystin at Iza sa kanya at pinabayaan siyang tumangis habang hinahagod ang kanyang likod.
Hindi niya tuloy nakita ang pag-ngisi ni Manuel at ng kasama nitong babae na si Krisel, ang kanyang kinakasama ngayon.
.....
"Bhe...magpahinga ka na muna.", narinig ni Sharina na sabi ni Iza sa kanya na nakatayo sa kanyang tabi.
Umiling lamang siya at nanatiling nakaupo sa pagitan ng mga kabaong ng mga magulang niya. Wala din siyang tigil sa pag-iyak. Ang sakit at ang hirap tanggapin. Ni hindi pa nga niya nakakausap ang mga magulang tapos bigla na lamang siyang iiwan ng mga ito.
"Wag ng matigas ang ulo mo Sharina.", Iza firmly said. At alam niyang pag ganun na ang tono ng kaibigan ay seryoso na ito at hindi papayag na hindi siya sumunod. "Mula ng mamatay sina tito Frank at tita Maggie ay wala ka pang tulog.", muli pa nitong saad.
"H-how could they leave me this early, bhe?", pahikbi niyang turan. "They gone too soon... Ni hindi ko man lang sila nakakausap. Ni hindi ako nakahingi ng tawad sa kanila.", patuloy niya at nag-unahan na namang naglaglagan ang kanyang mga luha.
Ipinatong ni Iza ang kamay nito sa balikat niya at pinisil iyon. "Maybe hanggang doon na lang sila bhe. Di ba ang sabi ng tito Manuel mo, papunta sila sa'yo para makita ka nila? Para makausap ka nila...pero...nangyari nga ang aksidente?"
Siyang namang lapit ni Chrystin na may dalang isang basong gatas. "Babz, drink this. Wala ka pang kinakain mula kaninang umaga. Buti sana kung maayos kang nakakakain nitong mga nakaraang araw.", anito sabay abot ng gatas kay Sharina.
"Siyanga pala, parating na si Kyla. Tumawag siya kanina ng pasakay na siya ng bus.", imporma pa ni Chrystin sa dalawang kaharap na pinaglilipat-lipat niya ng tingin.
Tumango lang naman si Sharina at kinuha ang baso ng gatas na kanina pa inaabot ng kaibigan sa kanya.
"Drink.", utos ni Iza ng makalipas ang ilang minuto ay nakatitig pa rin siya sa kanyang hawak.
Wala sa loob na ininuman iyon ni Sharina at nag-ngitian naman ang dalawa.
"What's with the face?", sita ni Sharina sa mga kaibigan ng maubos niya ang gatas.
"Wala ah!", dweto naman ni Iza at Chrystin but she can see through their gazes that they've done something naughty.
"Sh*t!", mahinang napamura si Sharina. "Dont tell me...?", bigla niyang saad sabay taas sa basong hawak pa rin niya.
Sabay na tumango ang dalawa at kinuha ni Chrystin ang baso mula sa kanya. Hindi na siya nakapagprotesta ng mag-umpisang tumalab ang pampatulog na inilagay sa kanyang gatas.
"Sorry bhe but we have to do this. Para hindi bumigay yang katawan mo.", ani Iza.
Sa nanghihinang katawan ay naramdaman ni Sharina na inaalalayan siya ng dalawang kaibigan papunta sa kanyang kwarto at doon pinagpahinga.
At sa nanlalabong paningin ay nahagip ng mga mata niya ang tito Manuel niya na matamang nakikipag-usap sa abogado ng kanyang ama. Hindi niya mawari pero parang may hindi magandang mangyayari sa kanya sa mga susunod na mga araw.
......................................................................