Inalalayan ni Kyla ang kaibigan hanggang sa kwarto nilang mag-ina. Saglit na tinitigan ang sumisigok pa rin na si Sharina habang nanlalatang umupo sa gilid ng kama. Mahinang nagpasalamat ito sa kanya bago atubiling iwan ito doon.
Nasa salas sya at nililibang ang sarili sa panonood ng t.v ng marinig ang cellphone ni Sharina na tumutunog. Sinulyapan niya ito at nakitang unknown number ang tumatawag. Naisip niya ang ama ni Chariel kaya naman nagmamadaling pinuntahan ang kaibigan. Nailing pa siya ng mapansin nakatulog na ito na may mga bakas pa ng luha ang pisngi. Niyugyog niya sa balikat si Sharina para magising.
"Teh....teh..."
Pupungas-pungas na nagising si Sharina. "Kyla?"
"May tawag ka teh.", sabay abot sa cellphone na tumutunog pa rin.
Agad-agad na bumangon si Sharina at inabot ang aparato mula sa kamay ng kaibigan.
"H-hello?", ani Sharina sabay singhot, namumuo na naman ang kanyang mga luha.
"Sharina?", sagot naman ni Raphael sa kabilang linya. "Are you crying?"
"Where's my daughter Ralph?", sa halip ay sagot ni Sharina sa asawa. "Bring her back here please.", she plead.
"Pareho na lang kayong umiiyak na mag-ina!", palatak naman ng lalaki.
"Bring back my child Raphael!", she insisted while glancing at her friend that were still standing in front of her.
"I am not like you Sharina. I will not keep her away from you..."
"Then ibalik mo siya dito!", putol niya sa sinasabi ng asawa.
"Not until you agreed to go home with us."
"This is my home", mahinang usal naman ni Sharina. Rinig niya ang pagbuntong hininga ni Raphael.
"Kung ayaw mong bumalik ng Australia ay tatanggapin ko iyon. Kung dito mo gusto then fine, but you and I will live together again."
Sandaling natigilan si Sharina.
"Or I will take Chariel to Ta-..", banta ng asawa.
"P-pumapayag na ako..."
"Pumapayag.", ulit ni Raphael.
"Pumapayag na akong dumito ka.", inangat ni Sharina ang tingin kay Kyla na kumunot ang noo.
"Just don't take Chariel away from me."
"Madali lang akong kausap, dear wife. We'll be there any minute now."
And with that, pinatay na ni Raphael ang tawag at hindi na hinintay na makasagot ang asawa.
"Hambog!", saad ni Sharina habang nakatingin sa cellphone niya. Pinalis niya ang mga luha saka humarap kay Kyla.
"Kasal talaga kayo? Totoo?", hindi na napigilang usisa ni Kyla. Sa kanilang apat na magkakaibigan, ito ang mahilig makitsismis talaga.
Nahihiyang tumango si Sharina sa kaibigan. Wala eh. Sukol na rin naman siya.
"Im sorry Kyla. If I keep it as a secret till now. Isa itong bangungot!", ani Sharina na umiiling-iling pa.
"Tsk! Ano pa ang mga nangyari sa'yo na hindi namin alam Sharina Martinez??", nagtatampong turan ni Kyla.
"Uhmmm.."
"What?"
"Its...Kavanogh teh...Sharina Martinez K-kavanogh.", imporma niya sa kanyang apelyido na hindi niya ginagamit mula ng makabalik siya ng Pilipinas. Regardless of legality.
"Whatever!", Kyla answered while rolling her eyeballs upward. Pinagkrus ang mga braso sa may dibdib bago muling nagsalita. "Tumawag ako kila Chrystin at Iza."
"I know right!", she scoffed. "So?"
"Ihanda mo daw yang tenga at puwet mo!", nang-aasar na sagot naman ni Kyla.
"Siraulo!", hampas ni Sharina sa braso ng kaibigan. Tsaka inakay ito pababa. "Wala bang nagkakamaling manligaw sa'yo, Kyla?", nangingiting usisa niya dito habang pababa sila ng hagdan.
"Puh-lease teh! Saka na pag pumuti na ang uwak!"
Saka sila nagtawanang magkaibigan!
.........
Nagluluto ang mag-kaibigan ng hapunan ng maulinigan nila ang pagdating ng sasakyan. Nagmamadaling tinungo ni Sharina sa naisip na baka ang mag-ama na niya iyon.
Nakumpirma niya ang nasa isip ng pagbukas niya ng pinto ay siya ring pagbaba ng mga ito sa sasakyan. Hindi na niya hinintay na makalapit ang mga ito at sinalubong na niya ang lalaki na ibinigay naman agad sa kanya ang anak na may hawak-hawak na laruan.
"Wife, I want you to meet Bogz.", turo ni Raphael sa driver na kasalukuyang nagbababa ng mga gamit mula sa likod ng sasakyan. "We went to the mall. Ibinili ko ng damit at mga laruan si Chariel.", walang anumang patuloy nito saka tinignan ang asawang yakap-yakap ang kanilang anak. "Pati ikaw rin binilhan ko."
"Hindi ka na sana nag-abala pa.", walang emosyong sagot naman ni Sharina.
Nagkibit-balikat na lamang si Raphael.
Nagpatiuna na sa pagpasok si Sharina buhat-buhat pa rin si Chariel. Nakasunod naman sa mag-ina si Raphael na bitbit na ang mga pinamili nito habang ang driver na si Bogz ay dala-dala ang may isang kalakihang maleta.
"Kyla...", tawag ni Sharina sa kaibigan.
"Yes teh?", sagot naman ni Kyla na galing pa ng kusina. "Chariieeelll...", impit na tili niya.
"Pahawak lang saglit si baby."
"Sure.", anito saka kinuha naman ang batang nagkakakawag ng makita si Kyla.
"Uhm...Kyla, si Ralph...Ralph si Kyla, kaibigan ko."
Ibinaba muna ni Raphael ang mga bitbit sa single sofa saka inilahad ang palad sa dalagang ipinapakilala ng asawa. "Raphael Kavanogh. Sharina's husband."
Kiming ngumiti naman si Kyla at nakipagkamay din sa lalaki. "Hi."
"Boss,", biglang singit ni Bogs. "Saan po ito?", tukoy nito sa maleta ni Raphael.
Nagtatanong naman ang mga tingin na binalingan ni Raphael ang asawa.
Tumikhim naman si Sharina at sumulyap kay Kyla.
"May extra room pa naman tayo teh.", sabi ni Kyla.
"Extra room?", kunot-noong usisa ni Raphael.
"Uhm...."
"Sharina?"
"Raphael.", sabi ni Sharina. Hindi niya ito napaghandaan at hindi rin naman nila napag-usapang mag-asawa.
"Wag mong sabihing ihihiwalay mo ako ng kwarto sa inyong mag-ina?", he look at his wife, full of mockery.
Nanalim naman ang mga mata ni Sharina at akmang pagsasalitaan ng masama ang asawa ng unahan siya nito.
"In your dreams, wife! I wont allow it! I swallow my pride already. Dont make me lose my temper on you!", nagtatagis ang mga bagang na saad ni Raphael.
"Wala 'to sa pinag-usapan Ralph!", gigil na sabi naman ni Sharina. "Pumapayag akong dumito ka pero hindi kasama doon ang makatabi ka sa pagtulog!"
"You already agreed! Sharina...", nilingon ni Raphael si Kyla at Bogz. "You dont want us to fight in front of them, do u?"
Sharina sighed upon realization. "Fine."
Saka walang imik na iginiya si Raphael na siya ng nagbuhat ng maleta papunta sa kwarto nilang mag-ina.
.........
Tapos na silang kumain ng hapunan at kasalukuyan ng pinapatulog si Chariel ng marinig ni Sharina na nagpapaalam si Bogz sa kanyang amo.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Raphael at nag usisa.
"Saan pupunta yun? I thought he will stay with you."
"He will go back to Tagaytay, wife.", patamad na sagot ni Raphael. "Hindi pa ba tayo aakyat? Hindi pa ba inaantok si Chariel?", nguso nito sa anak.
Niyuko naman ni Sharina ang anak at hinagkan ang noo. Pinagpatuloy ang paghele dito ng maghikab ang bata.
"Mauna ka na sa taas kung gusto mo.", malamig na tugon ni Sharina.
"No. I will wait for you.", sagot naman ni Ralph sabay inat ng kanyang mga bisig bago maupo sa sofa, inabot ang remote at pinahinaan ang volume ng t.v saka ito inilipat sa sports channel.
Tinungo naman ni Sharina ang kusina para tignan kung ano pa ang ginagawa ni Kyla doon.
"Oh teh?", angat ng tingin ni Kyla sa kaibigan. Nasa harap siya ng laptop niya habang nakaupo sa dining. "Hindi pa ba tulog yan?", tukoy nito sa batang karga ni Sharina.
"Inaantok na.", sagot naman ni Sharina at muling inugoy ang anak ng magsimula itong umiyak. "Ginagawa mo?"
"Ka-chat yung dalawa. Uwi daw sila dito bukas.", imporma nito.
"Hah?"
"Hah?", panggagaya naman ni Kyla sa kaharap.
"Bakit?"
"Bakit?", ngisi ni Kyla. "Aba teh, maglihim ka ba naman sa amin? Tingin mo hindi ka isisilya elektrika ni Iza?"
"Galit ba kayo sakin?
"Ay hindi teh....", lumalabi pang sagot naman ng dalaga. "Hindi kami galit. Tampo pwede pa. We are like sisters tapos nagawa mo pang maglihim sa amin. Awts kaya yun on our part!"
Hindi alam ni Sharina kung ano isasagot. Sa huli ay humingi na lang ulit siya ng paumanhin. "Sorry na ulit Kyla."
Nanguunawang tumango naman ito sa kaibigan.
........
Napatda si Sharina pagkasilip kay Raphael. Tulog na tulog ang asawa niya. Nakatulugan na ang panonood ng t.v., kaya naman malaya niya itong pinagmasdan. Gwapo pa rin ito. Walang ipinagbago bukod sa mas lumaki ang katawan nitong alaga ata sa gym.
Nang mapagsawa ang mga mata ay pinatay niya ang telebisyon. Naiakyat na niya si Chariel at mahimbing ng natutulog sa crib nito.
"Ralph.", anas niya. Tinapik-tapik ang balikat ng asawa. "Ralph..."
Umungol naman ang lalaki.
"Raphael, tara na sa itaas."
Kahit naman kasi galit siya dito ay hindi niya maatim na pabayaan na lang ito doon.
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Raphael. "S-sharina?", namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa asawang nakatayo sa harap niya. Iniangat ang kanang kamay at masuyong hinaplos ang pisngi ni Sharina.
Sharina jerked when she felt his touch. Pamilyar iyon sa sistema niya dahil ang asawa lang naman niya ang nagpaparamdam sa kanya ng ganong kuryente.
Napunta sa batok niya ang kamay ni Raphael at hinila siya palapit sa mukha nito. At walang sabi-sabing hinalikan siya ng asawa. His kiss were so gentle and soothing. Tila pinupunan ang mga nasayang nilang sandali.
Naliliyo si Sharina sa sensasyong dulot ng halik na iyon, na hindi niya mapigil ang pag ungol. Tutugon na sana siya ng marinig ang iyak ng kanilang anak. Agad na napaunat ng tayo si Sharina at patakbong umakyat sa kwarto nilang mag-ina. Hindi naman agad nakahuma si Raphael at napahilamos ng mukha.
Naabutan ni Raphael na hinihele ni Sharina ang kanilang anak. Dahan-dahan ng tumahan ito at ng maging panatag na ay ibinaba na na muli ni Sharina sa crib. Pinapanood lang niya ang kanyang mag-ina.
"Lagi ba siyang naiyak sa gabi?"
Umiling si Sharina bilang sagot. "Hindi naman lagi. Natural lang sa mga batang maging iyakin sa gabi. Lalo pag nagugutom."
"Ah see."
"Bakit pala sa Tagaytay umuwi ang driver mo?"
"Nandoon ang paternal house ko, remember? At sa susunod na mga araw ay dadalaw tayo doon. Mom and Dad will arrive soon. They will be happy to see you and our little one.", masiglang turan ni Raphael sa asawa.
"A-are they...mad at me?"
"No. Of course not, wife. They are also worried when you left. Mama even hired her own investigator just to find you."
"Ohh...", mahinang ungol ni Sharina.
"Why did you left me that night wife?"
Nagkatitigan silang mag asawa. Walang maapuhap na sabihin si Sharina. Ayaw na niyang pag-usapan pa iyon.
"Matulog na tayo Raphael.", iwas ni Sharina at tinungo na ang higaan.
Bumuntong-hininga ang lalaki. "Until when will you be like that? Bakit ayaw mong sabihin ang mga dahilan mo Sharina??", naglakad na rin siya palapit sa kama.
"Bakit mo pa ba ako hinanap Raphael??"
"Itinatanong pa ba yan Sharina?!", asik nito sa asawa. "Simply because you are my wife, dammit!"
Mapait na napangiti si Sharina at umayos ng higa. Hindi iyon ang gusto niyang marinig kaya naman may naramdaman siyang panghihinayang. Pinanatili niyang nakasindi ang ilaw sa panig niya upang madali niyang masulyapan ang anak.
"Pakipatay na lang ang ilaw sa side mo kung matutulog ka na.", ani Sharina sa asawa at pumikit na.
........
Naalimpungatan si Sharina ng mga madaling araw. Babalik na sana siya sa pagkakaidlip ng mapansing wala siyang katabi sa kama. Napasulyap siya sa crib at napaangat siya sa kama ng mapansing wala din doon ang anak.
Binundol siya ng kaba. Hindi naman siguro itinakbo ng asawa ang anak nila hindi ba? Lalabas na sana siya ng may marinig sa teresa ng kanyang kwarto.
Maingat na napahakbang siya papunta doon. Her husband is humming a soft music. Pagsilip niya ay tumambad sa kanya ang asawa nakaupo sa rocking chair niya habang kalong si Chariel. He is staring at their daughter tenderly. Napatikhim siya ng makaramdam ng pagbabara sa lalamunan. Ayaw niyang maging emosyonal sa tagpong iyon ng mag-ama.
"S-sharina."
Napatalikod siya. "Ipasok mo na ang bata Ralph. Its too cold outside,baka sipunin pa yang anak ko."
At dahil nakatalikod ay hindi niya nakita ang paniningkit ng mga mata ng asawa.
"Stop emphasizing that Chariel is just your child Sharina. This kid is also mine! I dont know why you are acting like that where in the first place, ikaw ang may atraso sa akin!"
Napakuyom ng kamao si Sharina.
"Sana naman ay huwag mong ipamukhang anak mo lang ang anak ko! I will never let you do that anymore! Hindi mo pwedeng isumbat sa akin na wala akong ginawa para sa anak ko dahil first and foremost, kasalanan mo din naman iyon!"
Hindi sumagot si Sharina. Sa halip ay nilayasan na lamang nito ang lalaki at bumalik sa kama at humalukipkip na nahiga.
.................................................................................