Lory's POV "Tara na baka inaantay na tayo nila tito sa baba" Pagtawag ko kay Kurt. He smiled at me tapos lumapit sya sakin para hawakan yung kamay ko at sabay na kaming bumaba para kumain. Pagkababa palang namin ay napanganga na agad ako sa nakita kong mga pagkain na nakahain sa napaka habang mesa. Grabe halos lahat nga pagkain ay paburito ko. Lasagna, Carbonara, Rice, Sinigang, adobo, fruits tapos nakikita ko pa si Tito na nag sa-samgyup sa gilid. "Kumain kana at pumili ka ng paglilihian mo sa baby mo" Pambiro ni Tito sakin nang makalapit na kami sa hapag kainan. "Thank you po tito, siguro sa apple nalang po" Pabirong sabi ko din. "Why apple honey?" Tanong naman ni Kurt. "Kasi si snow white apple din yung gusto nya, tsaka princess si snow white kaya dapat pati si baby" Pa

