Nandito kami sa dining nila, tahimik lang ako habang buhat ko si zion si wayne naman, nakaupo sa tabi ko habang pinagsisilbihan ako,yung parents nya naman nakatingin lang saamin na parang sinusuri ako at si zion
Kumpleto pa sila dahil nandito pa yung mga kapatid nya,dalawa yung kapatid nya na lalaki at yung isang babae naman tahimik lang habang kumakain
"Wade, isn't the house you're building finished yet?"napatingin ako sa daddy nila ng tinanong nya yung kapatid ni wayne na hinde ko kilala kung sino si wade sakanila
"Not yet"sagot ni wade habang seryosong kumakain, parang wala namang pake yung nga kapatid nya dahil tuloy padin sa pagkain,kumakain nadin ako
"Are you taking care your house?"maotoridad na tanong ng tatay nila, napaiwas ako ng tingin ng bigla syang tumingin saakin, kaya inabala ko nalang yung sarile ko,si zion naman na kay Wayne na kinuha nya saakin,hinde sya makakain masyado kaya sinusubuan ko nalang sya
"Crescent and her family can take care our house"baliwalang sagot naman ni Wade
"Ikaw ang lalaki tapos iaasa mo kay crescent ang magiging tahanan nyo"seryosong usal ng tatay nila, napatingin naman si Wade sa tatay nya,na nakangisi kaya nagulat ako pero kalmado parin yung pamilya nila
"Sino ba ang pumilit saakin na pakasalan ko ang babaeng yun?"nakangising tanong ni wade,napatayo naman yung tatay nila pero wala parin pumapansin sa kanila
"Dad,Kuya stop it,nasa harap kayo ng hapag kainan"saway sa kanila nung kapatid na babae ni Wayne,umupo naman aga dyung tatay at uminom ng tubig, napatingin ulit sya saakin,kaya napaiwas ako at sinubuan nalang si Wayne,na nakangisi,baliw
"What's your name?"tanong ng tatay nila,hinde naman ako sumagot dahil baka hinde ako kausap, napatingin ako kay wayne ng kalabitin nya ko
"Bakit?"bulong ko,ningusuan nya yung tatay nya kaya napaayos ako ng upo
"Ahh,ako po?"turo ko pa sa sarile ko, napatango naman sya,I clear my throat
"Ako po si Zenria Dahlia Young"saad ko ng nakangiti, tumango naman sya napatingin ako sa mama nila na parang sinusuri ako
"Who's your father?"tanong nya saakin
"Zevon Drew Young"usal ko,nagulat naman sya at ngumiti saakin
"I knew it" nakangiti nyang usal
"Kilala nyo po ba si daddy?"tanong ko sakanya,tumawa naman sya na parang may nakakatawa
"Yeah,He's my Best friend in grade/high school,pero nung college hinde na kami ganon ka close dahil lagi syang busy at pinapalayo ako sakanya ni theo"natatawa nyang usal,kaya natawa din ako
"I remember your dad he's campus crush,kaya nga ang daming naiinggit sa mommy mo nun dahil isang Zevon ang nanligaw sakanya sa harap ng student"nakangiti nyang usal,kaya napawi yung ngiti ko
" Kilala nyo rin po ba yung mommy ko?"tanong ko sakanya, napatingin sya saakin at kumunot ang noo
"Why?,Nasan na ba ang mommy mo?,I heard you have 4 siblings and kasama nyo pa yung mother nyo"nakakunot nyang noong wika
" Huh hinde po, stepmother ko lang po yun"napawi yung ngiti nya at huminga ng malalim
"I'm sorry, I didn't know that your stepmother was with you now"malungkot nyang usal, ngumiti ako sakanya
" Ok lang po"usal ko
"Were full"usal ni Wayne at tumayo, napatingin naman ako sakanya at uminom muna ako ng tubig
"Let's go"
Hinatak nako ni wayne palabas ng dining room, ngumiti muna ako na parang nanghihingi ng pasensya dahil sa bigla naming pag alis
"Bakit tayo umalis dun?,baka nabastusan yung parents mo saatin"usal ko kay Wayne ng pagkapasok namin sa Kwarto nya
"Anong gusto mo na makita kitang malungkot dun,dahil kilala ng nanay ko yung nanay mo?"tanong nya,hinde nalang ako kumibo at umupo nalang sa kama,inabot nya si zion saakin,kaya hinubaran ko na si zion para mag halfbath sya buti nalang may dala syang gamit
"Bakit pala tayo nandito?"tanong ko sakanya,ng tapos ko na patulugin si Zion, nandito kami sa Balcony,habang nakatingin sa madilim na langit na punong-puno ng stars
"I just wanted to introduce you to my parents, I'm sorry for my mom mouth,she didn't know"usal nya, napahinga naman ako ng malalim
"Ok lang,atlis meron akong bagong nalaman tungkol kay mommy"usal ko din
"Are you happy with your stepmom?"he suddenly asked, napatingin ako sakanya bago hawiin yung buhok ko papunta sa likod ng tenga ko
" Oo masaya ako"nakangiti kung usal at tumingin ulit sa stars
"How old are you,when your mom left you?"tanong nya
" Pano mo nasabing iniwan nya ko?"tanong ko sakanya
"Because she's not here for you"saad nya
"Hinde ko alam kung iniwan nya ako o hinde,dahil sabi din ni dad iniwan daw ako ni mommy sakanya dahil daw hinde pa daw handa si mommy na maging nanay saakin,ewan ko kung bakit,pero hinde ako naniwala nun kay dad,dahil kung iniwan ako ni mommy bakit sya dumating nung na hospital ako dahil sa ginawa nung nanny ko,bakit sya yung nag alaga saakin,kaso isang araw lang yun dahil nung araw din na yun nag paalam sya na may bibilhin lang kaya hinintay ko sya dahil, first time ko palang syang nakita nun,nung una ko syang nakita,pero naalala ko may binigay daw palang picture saakin si mommy nung simula nung ibigay nya ko kay daddy,buti nalang lagi ko yun dala,kaya tinignan ko yung picture at si mommy,maya napaiyak ako kasi kamukha nya yung sa picture kaya masayang masaya ako nun,at hinihiling ko na sana gumaling nako para makasama ko na si mommy,pero nung kinagabihan wala pa si daddy at si mommy naman nag paalam saakin na bibili lang daw sya,pero madaling araw na hinde parin sya dumating,hinde ako natulog dahil gusto ko parin syang makita pero hinde na sya bumalik"kwento ko,may tumulong luha sa mata ko
"Kaya Kinabukasan nung dumating si daddy, tinanong ko sya kung kasama nya na si mommy, nagulat pa si dad nun ng itanong ko yun,buong gabi kasi ako lang mag isa nun sa kwarto ko pero hinde ako natatakot,dahil alam kong dadating si mommy at nangako syang hinde nya nako iiwan,pero hanggang pangako lang pala yun"pinunasaj ko yung luha ko
"ng ilang buwan ang lumipas nun,umuwi si daddy na may kasamang babae na medyo may umbok yung tiyan,nagulat pako nun,at tuwing wala akong kasama sa bahay laging nandun si mama na umuuwi pa para lang may kasama ako at para lang sunduin ako,masasabi kong sya yung naging nanay ko nung panahon na kailangan ko ng nanay,kaya masaya ako dahil si mama yung naging ina ng mga kapatid ko/ namin kahit na hinde nya ko tunay na anak,tinuring nya kong tunay na anak,at pinagmamalaki nya pa ko sa mga kamag-anak nya masaya ako dahil,tinanggap ako ng pamilya nila mama kahit hinde nya ko tunay na kadugo,hinde nako iba sakanila, pero hinde parin magaan sa loob ko nung panahon nayun,pero nung nanganak sya kay Zeal dun lang gumaan ang loob ko dahil,kahit nandyan na yung tunay nyang anak,hinde nya parin ako pinagkaitan na maging nanay sya saakin,dati iniisip ko kaya lang siguro mabait si mama saakin dahil gusto nyang maranasan maging ina,at temporary nya lang ako"pinunasan ko ulit yung luha ko
"Pero hinde,hinde parin sya nagbago nung nanganak sya kay zeal mas lalong naging mas maalaga sya saakin,kaya kumuwa na si daddy nun ng katulong kasi si mama lang ang kumikilos lahat lahat,sya na nag luluto,sya na naghuhugas ng pinggan,sya pa yung nag papaligo saamin,sya pa yung magpapatulog saamin,kaya siguro kumuha na si daddy ng katulong,pero dapat ipag kakatiwala ulit ako ni daddy sa yaya na kukunin nya pero,sabi ko ayaw ko dahil nung una kong nanny ay pinakain ako ng bawal saakin,kaya si mama lahat ng katulong pinagsasabihan nya na wag akong papakainin ng crab at ng bangus"
"Tapos nung nabinyagan na si Zeal,sinasama pa ni mama si zeal sa school ko para lang sunduin ako,at laging ganon, pero nung nabuntis at nanganak ulit si mama kay zerine,lagi na syang puyat dahil papatulugin nya muna kami ni Zeal at sunod naman si zerine at minsan nagigising pako kapag umiiyak si Zerine kaya nagigising din si mama,lagi akong natutulog sa kwarto nila dahil gusto kong kasama sila zeal at zerine,pero minsan nagagalit na si dad dahil malaki na daw ako pero dun parin ako sakanila natutulog"
Kwento ko sakanya napahinga naman ako ng malalim at may lumandas nanaman na luha sa pisnge ko kaya pinunasan ko yun
"Alam mo masaya ako na medyo malungkot ng nabanggit ng mommy mo yung mommy ko,dahil ilang detail lang ang alam ko tungkol sakanya,lagi kasing nagagalit si dad saakin kapag nagtatanong ako sakanya tungkol kay mommy,gusto ko ulit makita si mommy pero hinde ko alam kung saan ko sya hahanapin,hinde ko nga alam kung ano na mukha nya dahil,nung nalaman ni daddy na kinuha ko ulit sa basurahan yung picture ni mommy sinunog nya,kaya hinde ko alam"usal ko
" I don't even have picture of her,but she exist now only in my memory"I whispered
"Do..you..want..hug?"tanong nya,tumango ako,hinatak nya ko at niyakap sinubsub ko yung mukha ko sa dibdib nya at duon umiyak
"Hinde ko alam kung saan ko hahanapin si mommy,gusto ko syang makita kahit na 22 years na ang nakalipas,hinde parin sya mawala sa akin"iyak ko
"Hush,Do you want me to find her?"tanong nya
"How?"tanong ko at tumingala sakanya
"I have my own ways,just trust me,okay?"tanong nya tumango ako sakanya
"I trust you then"usal ko
"Wala akong dalang gamit,paano ako mag s-shower?"tanong ko kay wayne na nakaupo ngayon sa kama habang nakatingin saakin
"I bought your things last night"usal nya
"Huh?"napataas baba yung dalawa nyang kilay " ano plano mo talagang dalhin kami dito?"
"Maybe"usal nya
" Oh nasan na?"tanong ko
"in my car"
"ako na kukuha,akin na susi ng kotse mo?"nilahad ko yung kamay ko sa harap nya,kinuha nya naman yun sa table ng lamp at inabot saakin
"Just asked our maid,if you don't know the garage"saad tumango naman ako at lumabas na ng kwarto,buti nalang maliwanag pa,bumaba na ako naabutan ko yung isang maid na nililinisan yung coffee table, lumapit ako sakanya at kinalabit sya nagulat naman sya, ngumiti ako sakanya
"Nasan po yung garage?"tanong ko
"Kayo pala señorita,labas lang po kayo at kumanan kayo at kaliwa nandun na po yung garage,pero po naka lock yun,nandun naman po yung isang guard na may hawak ng susi" usal nya tumango ako at nag Pasalamat sakanya
Lumabas nga ako at naglakad papunta sa kanan,at naglakad ulit pakaliwa,ang haba kasi ng hallway nila halatang mayaman,nung nakita ko na yung gate na kulay itim,lumapit ako dun,may nakita akong house guard,at may dalawang guard dun,nung napatingin sila saakin umayos sila ng tayo
Nag bow sila saakin,kaya nahiya ako
"Good Evening señorita,may kukunin po ba kayo sa garage?"tanong nung isang guard,tumango ako at ngumiti ganon din sila,may kinuha sya sa bewang nya at lumapit sa gate at binuksan nya,nag Pasalamat ako at pumasok binuksan naman nung guard yung ilaw ang laki pala ng garage nila ang daming kotse, iba't-ibang tatak,puro mamahalin
Nahirapan pako hanapin yung kotse ni Wayne dahil puro nakaharang yung ibang mga kotse at yung mga ducati naman merong sarileng parking lot,dahil puro iba't-ibang uri ng motor ang nandun na pang racer
Nang mahanap ko na yung kotse ni Wayne,pinatunog ko yun kaya tama ako ayun nga yun,lumapit agad ako at unlock ko yung kotse nya,ng mabuksan ko na tinignan ko sa backseat wala kaya sinarado ko ulit yun at sa compartment,binuksan ko yun at nakita ko nga yung limang papar bag, tinignan ko muna yun
Nagulat ako ng meron lingerie nightwear
Kinuha ko na yung limang papaer bag at sinarado yung kotse nya,lumabas na ko ng parking at nagpasalamat sa guard, pumasok nako at umakyat sa kwarto ni wayne