"Simula ng Katapusan." Part 2 ( 2 )

3319 Words
Makalipas ang Tatlong Buwan. Unang araw na naman ulit ng pasukan.At ito ako ngayon hinahanda ang mga kagamitan ng mga amo ko. Literal na naging katulong na kasi ako ng mga demonyong ito. Maging si Emmet ay wala na rin pakundangan kung utusan ako. Ibang iba na talaga ito. Wala na yung dating Emmet na kilala ko. Tuluyan na talaga itong nag bago. Bagong tao na talaga ito. Wala na ngang bakas ng kahit ano pang pagmamahalan namin dito sa apartment. Natabunan na iyon ng kalaswaan at kademonyohan ng grupo nila Stephen. Ang natitirang pagmamahal ko sa kanya ay halos naubos na. Nag tatyaga na lang talaga na ako na tumira dito dahil kailangan ko ng matutuluyan. Nag iipon pa kasi ako ng pera. Hindi pa kasi sapat ang naipon ko para maka bukod. Nag aaral pa ako. Kasabay ng pang aapi kasi sa akin ni Stephen ay ang pag babant nito madalas sa akin na tatanggalan ako ng scholarship, kapag umalis ako sa bahay na iyon. Isa pa iyon sa iniisip ko kaya hindi rin ako maka alis alis bigla. Mabuti nga at pinapayagan pa ako ng mga ito na mag trabaho. Hindi ako ikinulong lang ng basta basta. Inalila lang talaga nila ako na parang katulong. Ako ang nag lilinis ng bahay. Pinag luluto ko sila. Pinag lalaba ng mga damit nila. Bumibili ng mga kakailanganin nila at kung ano ano pang mga utos. Madalas ko pa rin masaksihan ang mga pagkakantutan nila. Manhid na manhid na nga ako sa nangyayari. Pero minsan nakakaramdam pa rin ako ng sakit at pag kalibog. Hindi talaga kasi maiwasan. Alam ko nakakagago yun. Pero ano magagawa ko. Yun talaga ang nadarama ko, MINSAN. Akala ko dati. Kapag may pera at ipon na ako, ay kay dali na lang umalis dito sa impyerno na lugar na ito. Hindi pala. Hawak ako sa leeg ni Stephen. Masyado siyang makapangyarihan at mapera para matapatan ko. Malayong malayo ang agwat namin dalawa. Tuso ito at nakakatakot talagang magalit. Para sa kapakanan at kaligtasan ko na rin ay nag titiis na lang talaga ako. Madalas pa rin ako nitong takutin at iblackmail. Lalo na sa tuwing nagkakamali ako at hindi agad nasusunod ang mga pinag uutos nito. O di kaya kung TRIP lang nitong pag tripan ako. Normal na bagay na nga iyon para dito. Sinusubukan ko naman na hanapin ang mga videos at litrato na pinambablackmail nito sa akin. Ilang mata ang nakatingin at nakabantay sa akin. Samahan mo pa ng mga nag kalat na videos sa apartment. Hindi ko talaga magagawa iyon. Isang beses na ginawa ko iyon ay nahuli ako nito agad. Sa galit nito ay ikinulong ako sa kulungan ng aso. Doon ako nag palipas ng buong araw. Walang inumin o pagkain man lang. Pagkatapos ay pinapasok pa ako nito sa trabaho kinagabihan. Hirap na hirap na ako pero tinitiis ko. Para na rin sa Mama ko at sa sarili ko na ring kinabukasan. Konting pag titiis pa at makaka tapos rin ako. At makakawala sa impyernong ito. Pangako yan. Kapag nag matigas kasi ako ay baka mawalan ako ng scholarship. Kailangan na kailangan ko pa naman iyon, dahil yun na lang ang pag asa ko para makaalis rito. Tinalikuran na rin kasi ako ng Mama ko. Ni hindi na nga ito tumatawag o nagpapadala ng panggastos ko. At sa tuwing tatawag para kumustahin sana ito. Ay laging si Kuya Bert ang nasagot ng tawag. Sinasabi nitong busy si Mama at tumawag nalang daw ako mamaya. Ilang beses iyon nangyari. Hanggang sa nag sawa na lang din akong mangamusta pa. Pero hindi nangangahulugan iyon na wala na akong pakialam. Nag aalala pa rin talaga ako. Marami ang pa nangyari sa nakalipas na tatlong buwan. Hindi pa rin nabawasan ang mga Sexcapades ng grupo nila, Stephen. Mas lalo pa nga iyon naging malala. Nag mukha ng s*x den ang apartment na ito. Madalas ay nag iimbita sila ng kung sino sino. Magugulat na lang ako dala dala sila ni Ulysses. Karamihan ay mga school mates namin. Tapos kaibigan ni Endrick, Peter at Timmy. Nung nakaraan nga lang ay nag ka party rito sa bahay, dahil kaarawan ni Stephen. Malalang kantutan ang naganap talaga ng araw na yun. Kinawawa pa nila ako. Pinag bihis ako ng pang katulong na kasuotan at ako ang ginawang taga abot ng condoms at lubricants sa mga bisita. Pagkatapos ay ako rin ang nag linis ng mga kalat nila. Hindi na ako magtataka kung nagkahawaan na sila ng mga sakit sa isa’t isa. Kung tatanungin niyo kung hindi ako naapektuhan sa mga nakikita kong Threesome, Foursome o Orgies na ginagawa nila dito sa apartment. Ipokrito ako kapag sinabi kong hindi. Tao lang ako na naapektuhan. Tinitigasan. Kaya lang hanggang nood lang talaga ako. Hanggang nood tapos minsan napag titripan pa. Kaya kadalasan sa banyo na lang ako nag sasarili. Kontento naman na ako roon. Gaya nga ng sabi ko noon. Tadtad ng Camera sa buong apartment. Mahirap na at baka may bago na naman ipamblackmail sa akin si Stephen at ang grupo nila. Bumisita pa nga dito si Beatrice isang beses. Kasama ang Tita nito na si Monica. Hindi ko alam kung ano ang pinag usapan nila ni Stephen pero narinig ko ang pangalan Matt Ayala ng banggitin ito nun Monica. Base sa masinsinan na pag uusap nila na kasama si Ulysses, ay mukhang hindi maganda ang plano ng mga ito sa isang pamilya. Wag naman sana silang mag tagumpay. Sobra sobra na ang kasamaan nila. Narito ako ngayon sa kusina at nagluluto ng agahan ng mga ito. Unang Araw kasi ng klase namin ngayon. Third year na rin ako sa kursong Edukasyon. Isang taon na lang aty matatapos ko na rin ito. Konting tiis pa. Konti pa. Nang matapos akong magluto ay hinain ko na iyon sa lamesa. Sabay pasok na rin sa banyo upang maligo. Ito ang routine ko araw araw. Pero dahil may pasok na ako sa eskwelahan ay kailangan ko ng maligo muna. Mahirap na at baka mag sabay sabay pa kami maligo. Tiyak na mahuhuli ako sa klase pag nangyari iyon. Unang araw pa naman ngayon. Mabilis rin akong natapos at nag bihis na. Polo shirt ang sinuot ko, na may naka imprentang college education ang sinuot ko. Sa wakas ay pwede na rin akong mag suot ng ganun. Minsanan na lamang ako makakapag suot ng polo. Nang masigurong ayos na ako ay sinukbit ko na ang bag ko at kumuha ng konti pagkain sa niluto ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng apartment. Bahala na sila sa buhay nila at ako ay nakapag luto na. Naayos ko na rin ang mga gamit nila. Ang tanging gagawin na lamang nila ay gumising, kumain, maligo at pumasok sa school. Gamit ang bisikleta na binili ko nung nakaraang buwan lamang ay tumulak na ako sa Le Grande University. Ang school kung saan ako nag aaral. Bumili ako ng bike mula sa sinasahod ko sa pagtatrabaho, para makatipid na rin sa pamasahe. Hindi na kasi ako sinasabay ni Emmet sa sasakyan nito. Official Driver na ito ni Stephen at ng Rainbow Gang. Boyfriend ko pa rin naman daw si Emmet. Kaya lang sa imahinasyon na nga lang daw, sabi ni Stephen. Nalulungkot pa rin ako kung minsan, pero hindi na ganun ka grabe. Di gaya nung una na madalas ay umiiyak na lamang ako ng palihim. Minsan na lang, lalo na pag may mga bagay na nag papa alala sa akin ng masayang nangyari sa amin dati. Hindi talaga maiiwasan, eh. Lalo na’t nasa iisang bahay lang kami. Thirty minutes din ang tinatagal ng biyahe ko. Mabuting ehersisyo na rin iyon sa umaga. Nakatipid na ako, healthy pa. Paliko na sana ako sa isang daan ng biglang may tumawid na isang lalaki. Nagulat ako sa paglitaw nito. Kaya naman bigla kong na paling pakaliwa ang bisikleta. Na naging dahilan para di ko mapreno ito. Babangga ako sa may basurahan. Ipinikit ko na lang ang mata ko. Hinanda ang sarili sa pagtama ko sa lalagyan ng basura sa sidewalk. Pero hindi iyon ang nangyari. Nahawakan pala ang bisikleta ko ng isang tao. Kaya napa tigil ang ako, bago pa ako bumangga roon. Pagdilat ko ng mga mata ko ay isang gwapong nilalang ang bumungad sa paningin ko. Nanlaki pa nga ako ng makilala ko ang lalaki. Siya yung lalaking nakausap ko noon. Yung nag ligtas din sa akin sa pagpapakamatay ko. Ang gwapo at ang aliwalas ng ngiti nito. Mas nakita ko ngayon ang itsura nito dahil maliwanag. Talaga naman pang artistahin ang dating nito. Ang HOT. "Muntikan ka na roon, ah. Mabuti na lang nahabol at nahawakan kita. Bago ka sumalpok." Nakangiting sabi nito sa akin habang nakahawak pa rin sa bisikleta ko. Thank you, Lord. Sa pag ligtas sa akin. "Naku, Maraming salamat po. Ikalawang Beses mo na po akong iniligtas, Kuya. Maraming salamat po talaga."Sagot ko rito. Mukhang hindi nito na naunawaan ang sinabi ko sa kanya. Hindi na niya siguro ako maalala. Bumakas kasi sa gwapong mukha nito ang pag kalito. Kaya naman ipinaliwanag ko na lamang rito. "Ako po yung lalaking kamukha ng bayaw niyo. Naaalala niyo po ba? Yung muntik na masagasaan ng truck. Yung nag balak mag pasagasa po." Paliwanag ko rito. Doon ako nito natitigan at mayamaya ay ngumiti ito "Ah, oo nga. Hahaha. Kaya pala parang pamilyar ka. Kumusta ka na? Hindi ka naman siguro nag balak mag pa bangga. Hahaha. Biro lang. Mukhang naman mas okay ka na, di tulad nung huling kita natin. Medyo totoo na ang ngiti mo at hindi na napipilitan lang." Natatawa pa nitong sabi sa akin. Tumabi muna kami sa gilid ng kalsada para makapag usap. Gusto ko rin kasi talaga malaman ang pangalan ng Savior ko. Bukod sa nakaka goodvibes talaga ang pag mumukha nito. Ang gwapo, eh. Pansin kong nakapang doctor na outfit ito. Akala ko talaga ay isa itong modelo noon. Siguro doon ito nagtatrabaho sa ospital na nadaan ko. "Okay lang naman po ako, Kuya Dok Pogi. Ito po papasok na sa unang araw ng klase. Salamat nga po ulit sa inyo, ah. Doctor po pala kayo?" Wika ko rito. "Naka hospital scrubs lang at white coat. Doctor na agad. Hahaha. Pero oo, Doctor nga ako. Diyan lang sa Makati Med. Oo nga pala. Unang araw pala ng pasukan. Kaya pala ubod ng traffic."Masiglang sagot nito sa akin. "Opo. Hehehe. Doc, pwede ko po bang malaman ang pangalan nyo. Para naman kilala ko ang taong nag ligtas sa akin ng dalawang beses. Richard nga po pala ang pangalan ko."Sabi ko rito sabay lahad ng kamay. Wag na tayong mag paligoy ligoy at babagal bagal pa at baka ma late pa ako at hindi ko na naman makuha ang pangalan nito. "Roman Tan. Ikinagagalak ko na makilala ka at makita kang muli." Nakangiti nitong sabi sa akin. Sabay abot ng malaking kamay nito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nalilibugan rito. Dahil na rin sa tagal ng paglapastangan sa akin ni Emmet at Stephen. O di kaya ay sapagka tigang na rin ito. Kaya mas mabilis na akong malibugan sa mga gwapong lalaki ngayon. Madalas na iimagine ko sila ng nakahubad sa isipan ko. Halimbawa na nga lang itong si Doctor Roman na nasa harapan ko. Sobrang gwapo naman kasi talaga nito. Ang ganda pa ng katawan. Humuhulma kasi iyon sa suot nito. Ano na lang kaya ang itsura nito kapag nakahubad na. Shit..! Nagiging malibog na ako at bastos dahil kila Stephen. Totoo nga talaga ang kasabihan na nagiging katulad ka rin ng mga sinasamahan mo. Sa kaso ko naman kasi hindi ko naman kagustuhan na mapasama sa mga demonyong katulad nila. "Bagay na bagay po sa inyo ang pangalan niyo. Sige po, Doc Roman. Baka nakakaistorbo na ako sa inyo. Kapag kailangan ko kayo hanapin ko na lang kayo doon sa ospital, ah. Joke lang po." Pagbibiro ko pa rito na ikinatawa na lang nito. Haaaaaay.. Ang sarap. Habang matagal kong tinitignan ito ay mas lalo itong sumasarap. Putangna. "Oo, ba. Sabihin mo lang ang pangalan ko. Sige maiwan na kita at nagmamadali rin kasi ako. Sa susunod mag kape tayo at mag kwentuhan. Good luck sa first day of school mo. Sana ma meet mo yung bayaw ko na sinasabi kong kamukha mo. Sme school din kasi kayo, eh." Sagot nito sa akin sabay turo ng logo ng school namin sa suot kong damit. Ngumiti na lang ako at nag paalam na rito. Sana nga mameet ko siya. Gusto Kong makilala ang taong sinasabi nito na kamukha ko. Curious ako kung kasing hina ko rin ba siya o kung kamukha ko ba talaga. Nagpedal na muli ako at tumulak na muli patungo sa eskwelahan ko. Mabuti na lang at malapit lapit na rin ako at may oras pa ako. Pagkarating ko sa School ay ipinarada ko kaagad ang bisikleta ko at naglakad na tungo na sa building namin. Mamaya pa talaga ang klase ko pero ayoko kasi makita ang mga pagmumukha nila Timmy at Stephen, eh. Kaya inagahan ko na lang. Nagbabasa na lang muna ako ng BUGSO SA LAMAN ni AMARIFLAMES sa w*****d. Super ganda noon at talaga namang inaabangan ko bawat update ng author na yun. Nakakanginig tinggil talaga. Naglalakad na ako patungo sana sa tinatambayan ko ng may isang lalaki ang nakasimangot habang may hawak ng papel. Bakas sa mukha nito ang pagka lito at patingin tingin sa bawat classroom. "Shuta! Naliligaw na ako. Nasaan na ba ang bwisit na building na yun. Wala pang pogi. Shutaina. Ang mahal mahal pa naman ng tuition dito."Inis na turan nito na di ko maiwasang hindi marinig. Napatingin ito sa akin. Kaya naman nag katitigan kaming dalawa. Sumilay ang ngiti nito sa labi. Gwapo rin ito at mukhang astigin ang itsura. Pero may something sa kanya na di ko maipaliwanag. Nakangiti itong lumapit sa akin. "Ahhhmmhhh.. Hello, magandang buhay. Pwede ba akong mag tanong? Medyo naliligaw na kasi ako sa shutang inang school na ito. Malapit ko ng bombahin ito sa totoo lang. Kapag hindi ko pa nahanap ang building ng college of education. Saan ba rito ang building na iyon." Tanong nito sa akin. "Ah, patungo ako ngayon doon. Gusto mo sumabay ka na lang sa akin para naman malaman mo." Nakangiti kong sagot rito. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko nung nag tanong at narinig ko na ang boses nito. Sana lang hindi ito katulad ni Timmy sa bandang huli. "Oh My GOD..! (Karen Davila’s Reaction). Naku, Salamat. Kanina pa talaga ako naglalakad dito. Ayaw ko naman mag tanong sa mga chararat na nakakasalubong ko. Baka maambunan ako ng kachakahan nila, mahirap na. Kung sinamahan lang talaga ako ng kasama ko ngayon at hindi sana inuuna ang pag kantot. Sana hindi ako nahihirapan at naliligaw ngayon. Di bale na, at least nakita kita. Tara na." Walang preno na sambit nito sa akin. Namamangha ako sa sinasabi nito at napapatulala na lang. "Sige, tara na." Sabi ko na lang dito nag umpisa ng mag lakad. "Mari este Marco nga pala ang pangalan ko. Ikaw?" Pakilala nito sa akin habang naglalakad na kami. "Richard." Tipid na sagot ko rito. Mukhang First Year ito, base na rin sa inaakto at itsura nito. Hindi na ako nag salita pagkatapos nun. Medyo nagkaroon na kasi ako ng trust issues sa mga bagong kakilala. Alam niyo na, si TIMMY. Hindi na rin ito nag salita at naging busy na sa kaka cellphone nito. Nakarating din naman kami sa building department namin. “Sige, Maiwan na kita rito, Marco.” Sambit ko rito. “Uy, Salamat. Richard. Hulog ka talaga ng langit. Medyo hawig kayo ni Boss. Ang cool. Salamat uli.” Tugon nito sa akin. Iniwan ko na siya sa receptionist doon at maglalakad na sana ako patungo sa tatambayan ko ng mag salita muli ito na hindi ko naunawaan. "Mukhang mapapadalas yata ang pagkikita natin dito, Senpai. Tiyak matutuwa nito si Boss dahil nakakita na ako ng letter R. Naunahan si Samjo. Yes..! Puta siya." Sagot nito na hindi ko maintindihan. Ngumiti na lang ako at pumunta nasa tambayan ko. Nang makarating ako doon sa may puno at naroon nakapwesto si Christof. Nakatalikod ito sa akin at busy sa binabasa nitong libro. Ano kaya ang binabasa nito. Unang araw pa lang pero nagbabasa na ito. Ang talino talaga nito. Gusto lagi may laman ang utak. Kahit sa Bar na pinag tatrabahuan namin dalawa ay palagi ko itong nakikita na nagbabasa. Napangiti na lang ako. Sa kabila ng mga masasama at di magandang pinagdaanan ko. Ito yatang si Christof ang parang naging magandang nangyari sa buhay ko sa nakalipas na tatlong buwan. Mas naging malapit kaming dalawa. Bumait na rin ito sa akin. Hindi gaya noon na laging masungit sa tuwing nakikita ako. Hindi ko rin alam kung paano nagsimula, eh. Basta naging close na lang kami sa isa’t isa. Although, nailang pa din ako rito kung minsan. Lalo na tuwing mag didikit ang mga katawan naming dalawa. Nakakaramdam kasi ako ng kuryente. Bagay na ipinagtataka ko talaga. Kaya iniiwasan ko na lang ang mag dikit ang balat namin. Pareho sila ni Pietro. Kapag kasama ko sila. Ganitong feeling ang nararamdaman ko. Kabado lagi at aligaga pag nasa paligid sila. Isama mo pa na ang sasarap nilang pareho. Gwapo rin kasi talaga silang dalawa, eh. Minsan nga hindi ko maiwasang isipin na nakahubad sila kapag kausap ko ang isa sa kanila. Gaya na lang nitong si Christof. Mabuti na lang at di nila iyon napapansin. Nakakahiya yun kapag nagkataon. Tigang na tigang na talaga siguro ako. Kaya ganito ang nararamdaman ko sa kanila. Valid naman ito. Hindi naman ako gumagawa ng aksyon para pagsamantalahan sila. "Bakit pakiramdam ko, hinihintay mo ako?" Birong tanong ko rito bago pa kung saan saan makarating itong imahinasyon ko. Napalingon ito sa akin. Sumilay ang ngiti sa labi nito at pinagpagan ang semento malapit dito. Ang sweet talaga nito sa akin. Isa yun sa mga katangian na gustong gusto ko rito. Kung hindi lang sana straight ito. Saka balita kasi sa school na nobya nito ang isang Saavedra. Saka ayokong madagdagan pa ng gulo sa buhay ko. Baka madamay pa siya sa napaka masalimuot kong buhay. Tama na yung crush crush lang. "Ang aga mo, ah. Si Emmet, Bakit hindi mo na naman kasabay?" Takang tanong nito ng makatabi na ako sa kanya. Oo, nga pala. Wala pa rin itong alam sa nangyayari sa buhay ko. Sa amin ni Emmet. Saka nabanggit yata dito dati ni Emmet na inililihim namin ang relasyon namin. Kaya hindi kami OUT in Public. Kaya akala nito ay okay pa kami ni Emmet, hanggang ngayon. Magaling din kasing umarte si Emmet Sa harap nito. Maging ang Rainbow Gang na grupo nila Stephen. Pwedeng Pwedeng maging artista at pumasok sa Star Magic sa sobrang huhusay umarte. Mga Best Actor in a pretending role talaga ang peg ng mga yun. "Nauna na ako sa kanya. Kasi may inasikaso pa ako sa department namin. Ikaw, Bakit ang aga mo rin?" Pagsisinungaling ko rito. Kaya nag tanong na lang ako. Upang hindi na ito mag usisa pa. "Sinamahan ko si Rosalinda, kanina. Nag patulong ng mga pang props niya na gagamitin para bukas." Sagot nito sa akin. Si Rosalinda ang sinasabi kong Saavedra na nachihismis na nobya nito. Masyadong maganda at sexy ang babae na iyon. Bukod pa na sikat rin sa buong campus. Talagang bagay na bagay ito roon. Medyo nalungkot tuloy ako sa isiping maging sila sa future. Hindi na ako umimik at nag basa nalang ng Bugso Sa Laman. Pero parang hindi yata tama at magandang basahin ito ngayon. Lalo pa at nasa tabi ko itong si Christof. Baka mag init ako at mag iba ang timpla ko. Mahila ko pa ito kung saan. Pero excited na kasi ako sa bagong update ni AMARIFLAMES eh. Bahala na. Kakayanin ko naman sigurong hindi tigasan. Kaya ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD