"Pasakit ni Richard." Part 2 ( 1 )

1358 Words
Kabanata 9 Richard Tulala akong nakaharap sa salamin ngayon. Binabalikan ang mga rebelasyon na gumimbal sa akin kani kanina lang. Mag isa lang pala talaga ako sa laban na ito. Mag isa lang at walang kakampi. Ano ng gagawin ko. Umagos ng umagos ang luha ko sa mga mata. Pumasok ako sa isang cubicle at tahimik na tumangis. Hindi ko kaya ang pumasok ngayon. Wala na kasi akong lakas pa na natitira. Lugmok na lugmok na ako sa sinasapit ko. Walang masabihan. Walang makausap. Walang mapag labasan ng bigat sa puso. Paano ma lang kapag nalaman pa ng ibang tao ang kinakaharap ko. Natitiyak kong iisa lang ang magiging salita nila sa akin. TANGA. Tanga naman talaga ako. Tanga ako, dahil nag tiwala ako sa best friend ko. Tanga ako, dahil hinayaan kong pumalukob sa akin ang libog ko. Tanga ako, dahil ang bilis ko nag tiwala sa bagong kakilala. Tanga ako, dahil patuloy pa rin akong nagmamahal at nalilibugan kahit ang sakit sakit na. Kahit sobrang sakit na. Tanggap ko na, tanggap na tanggap ko ng tanga ako. Gusto ko na lang mawala ngayon. Gusto ko na lang na matapos na ang lahat. Gusto ko ng maalis ang sakit na unti unting kumakain sa puso ko. Kakaiyak ko ay hindi ko na namalayan na hindi ko pla na ilock ang pintuan ng cubicle na pinasok ko. Kaya naman nagulat ako ng bumukas ito. Bumungad sa akin ang mukha ni Christof ng mag angat ako ng tingin. Sisinghalan ko sana sya ng bigla nito akong yakapin. "Iiyak mo lang yan, Richard. Iiyak mo lang ang lahat. Hindi ko man alam ang mga pinagdaraanan mo ngayon ay gusto ko lang namalaman mo na hindi ka nag iisa. Nandito lang ako. Nandito lang ako." Sagot nito sa akin. Doon na ako pumalahaw ng iyak. Hindi ko na alintana pa ang itsura ko at posisyon namin. Wala na rin akong pakialam pa sa nagaganap sa paligid ko. Gusto ko lang ilabas ang lahat ng sakit na nadarama ko, kahit ngayon lang. Kahit sa di ko inaasahang tao na yayakap sa akin. Hinayaan lang ako nito umiyak sa balikat nito. Basang basa na nga ang suot nitong uniporme pero balewala lang dito yun. Nang mahimasmasan na ako ay kusa na akong bumitaw dito ng yakap. Natitiyak ko na magang maga na ang mata ko sa kakaiyak. "I'm Sorry, Christof. Hindi ko na napigilang di umiyak. Nabasa ko pa tuloy ang uniporme mo. Sorry." Hinging paumanhin ko rito. Inabutan ako nito ng panyo na kinuha ko naman. "Ayos lang. Wag mong alalahanin iyon. Matutuyo din naman iyan mamaya." Sagot nito sa akin at mataman ako nitong tinitignan. Naiilang tuloy ako sa paraan ng pag tingin nito. Pinunasan ko na lang ang mga mata ko para dun matuon ang pansin ko. "Hindi ko na tatanungin, kung bakit ka umiiyak. Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako, sa tuwing kakailanganin mo ng may maiiyakan. Tawagan mo lang ako at pupuntahan kita. Kahit nasaan ka pa." Sabi nito sa akin na punong puno ng sinseridad. "Salamat." Isang salita pero sobra sobrang kahulugan na para sa akin. Kahit papaano pala may tao pa rin akong masasandalan. Nang kaya ko na. Ay tumayo na ako upang mag hilamos. Binigyan daan naman ako ni Christof. Kailangan ko pa rin pumasok, ito na lang kasi ang mapang hahawakan ko sa ngayon. Sayang naman ang pag titiis ko. Kung mag papabaya ako maging sa pag aaral ko. Pag kaharap ko sa salamin, halos magang maga na nga ang mata ko sa kakaiyak. Parang hindi ko na din kilala pa yun nasa salamin na nakikita ko. Kailan ba ako huling tumawa? Hindi ko na maalala. "Gusto mo bang lumiban muna sa klase, Richard.?" Tanong sa akin ni Christof. Umiling ako. Nakakaunawang tumango lang ito sa akin. "Pare, ano maiwan na kita. Mukhang hindi ka yata papasok ngayon eh" Tanong ng lalaking papasok ngayon sa CR. "Sige Pare, una ka na. Hindi na muna ako papasok." Sagot nito kay Brandon. Napatingin ako kay Christof. "Hindi, papasok ka Christof. Wag mo akong alalahanin dahil okay lang ako, sige na po hatakin nyo na si Christof." Ngumiti ako ng pilit para naman maniwala ito na okay lang ako. "Sige na, Brandon. Mauna ka na. Hindi na ako papasok." Desididong sabi nito sa kausap nito. "Okay, sabihan na lang kita ng ituturo ni Prof, mamaya pagkatapos ng klase. Matalino ka naman na kaya hindi iyon magiging problema. Tara na, Thomas." Yakag nito sa pinsan nito na nakasandal sa pintuan. Kinuha nito ang mga kamay ko at hinila ako palabas ng banyo, nag patianod na lang ako dahil wala na akong lakas pa para tumutol. Nagpunta kami sa likod ng building ng mga ito. Nagtataka man hindi na ako nag tanong pa. Nakarating kami sa isang simpleng bahay. Hindi ko alam na may bahay pala dito. Pumasok kami sa loob, kita ko ang ganda at ayos nito. Kumpleto din sa appliances at talaga namang malinis ang loob. Pinaupo ako nito sa sofa. Umalis ito saglit pag balik nito ay may dala na itong baso ng tubig. Iniabot nito iyon sa akin. "Salamat. Nga pala, kanino bahay to? May bahay pala sa likod ng building niyo. Ang galing naman." Tugon ko dito ng abutin ko yung baso. "Sa pamilya ito nila Captain Tristan. Hideout nila to. Ang alam ko ni request ito ni Coach Jack para sa kanila talaga. Ito yata ang naging kabayaran sa kanya." Sagot nito sa akin. "Hala! Bakit mo ako dinala dito kung sa pamilya pala nila ito. Baka mapagalitan pa nila tayo lalo na ikaw. Tara umalis na tayo dito" Sagot ko dito na natataranta. Inilapag ko ang baso sa may lamesa at hahatakin na sana ito ng pigilan ako nito. "Ayos lang yun. Lord pabilisin nyo na po ang byahe namin. Taimtim kong dalangin, subalit mukhang malas talaga ako dahil ang traffic ng umagang iyon. Balewala din ang inalis ko ng maaga dahil sa may aksidenteng naganap sa dadaanan namin. Hindi ko tuloy na pigilan, di maapektuhan sa sitwasyon ko. Lalo pa't hindi nalambot ang kargada nito sa likuran ko, hindi na tuloy kami makapag usap dahil sa nangyayari. Lumipas pa ang kalahating oras at nakarating din sa wakas sa bus stop ang sinasakyan namin. Dali dali akong bumaba dahil sa kahihiyan na nadarama, maging si Pietro ay bumaba na din at ang bag na nakasukbit dito ay nakatakip na sa may crotch area nito. Napatawa na lang ako ng maka baba ako ng bus. Nakakatuwa kasi ang itsura nito. Napatulala tuloy sa akin ito habang humahalakhak ako. "Ang sarap pala pakinggan ng mga halakhak mo, Richie Boy. Sana palagi mong gawin yan." Nakangiti nitong tugon sa akin ng tumigil ako sa pag halakhak. Napangiti na lang ako sa sinabi nito sa akin. Sinabayan ako nito hanggang sa tapat ng school namin. "So, paano replyan mo na ako. Sige ka pag di mo ginawa yun mag papa transfer talaga ako sa school nyo. Ikaw din." Pag babanta nito sa akin. "Oo na. Sige na at baka malate ka pa. Salamat sa pagsama sa umaga ko. Kahit paano ay nawala pansamantala ang mga iniisip ko. Salamat, Pietro.” Sagot ko dito. "Teka lang picture muna tayo." Kuha nito sa cellphone nito at inakbayan ako at idinikit sa katawan nito. Ngumiti na lang ako para matapos na. Naka ilang shot din ito bago makuntento. "Nga pla, may alam akong paraan pampawala ng problema?" Sabi nito sabay kalikot sa phone nito at ngumiti sa akin. "Check mo na lang yun chat ko sayo. Sige bye na, Richie boy. Kita kits nalang ulit. Mukhang aaraw arawin ko na ang pag ko commute, ah" sagot nito habang paalis. Naiiling na lang ako na nakangiti habang naglalakad papasok sa school. Lingid sa kaalaman ko, nakita pala yun lahat ni Endrick at Timmy. "Napaka landi talaga nitong hayop na, Richard na ito. Lahat na lang inaagaw. Humanda ka sa akin." Sabi ni Endrick sa kasama nito. "Wag kang mag alala friend, iiyak yan ng dugo kapag nag tungo na tayo sa bahay nila. Kaya hayaan mo na siya sa ngayon." Sabay pa na natawa ang dalawa pagkatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD